Chapter 18

6K 264 30
                                    

Althea's POV

Sa bar na kami dumiretso ni Jade pagkatapos naming magdinner sa labas. Nadatnan namin sila sa VIP area. Sina Batchi, Abby, Wila, Patty, David at ang iba naming mga friends na sina Mateo, Felix at Ketchup. Kanya-kanyang batian sa amin habang ipinakikilala ko sa kanila si Jade.

"Wow! Hanep dude! Lakas makapogi. Ganda ng bagong girlfriend." Si Ketchup na ngiting-ngiti sa akin.

Naiiling na binalewala ko lang ang sinabi nito habang natatawa. How I wish na girlfriend ko na nga talaga itong kasama ko. "Naka-order na ba kayo guys?" Tanong ko sa kanila matapos naming makaupo ni Jade.

"Oo Thea kami pa ba? Minsan ka na nga lang ulit manlibre." Si Patty sa bruskong tinig.

"Curious lang ako Thea. Hindi mo naman kasi birthday. Ano bang meron?" Seryosong tanong ni David.
Kaya't nagkatinginan kami ni Batchi.

"Oo nga, last na panlilibre mo ay yong anniversary nyo pa ni Babe mo." Si Felix na pasimpleng siniko ng katabing si Mateo. "Oops! Sorry." Anitong nag-peace sign sa akin. Tila biglang nahiya at napahimas sa kanyang batok.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ulit nagsalita. "Hindi ba pwedeng namiss ko lang kayo? Masyado akong matagal na nagmukmok. So I guess time for me to have fun."

"That's awesome! At masyado mo rin kaming pinag-alala sayo Dude! So let's celebrate guys." Sabi naman ni Mateo. Saktong dumating na ang kanilang mga inorder.

Yohoo! Woo woo! Yeah!

Kanya-kanyang hiyawan dahil sa pagbaha ng mga pulutan at alak sa aming harapan.

"Okay ka lang ba?" Pasimple kong bulong kay Jade. Tahimik kasi siya at tila pangiti-ngiti lang. Tumango siya at tumingin sa akin.

"Oo naman basta alam kong nandiyan ka lang sa tabi ko." Ganting bulong niya rin sa akin.

Nginitian ko siya ng matamis. "Hindi ako mawawala sa tabi mo."

Hindi nakaligtas sa iba naming mga kasama ang pagbubulungan at ngitian naming dalawa. Ngunit dahil pinagtaasan ko sila ng kilay ay hindi na sila nagsalita upang tuksuhin kami.

Nagsimula nang umikot ang baso ng whiskey. Nakakailang rounds pa lang nang biglang dumating ang bestfriend kong si Solenn. "Oh, Bessy you're here!" Hindi ko ito inimbita. Marahil ay si Batchi ang nag-aya rito. Napangisi sa akin ang gaga nang masulyapan ko ito katabi si Abby.

"I'm sorry kung na-late ako." Isa-isa nitong pinagbabati ang lahat. "Teka may kasama nga pala ako." Nakakapagtakang kay Jade tumutok ang tingin nito at biglang ngumiti. Lumingon ito sa likuran upang silipin ang sinasabi nitong kasama."Daniel please come, Jade is here."

Namilog ang mga mata ni Jade at bigla na lang napatayo sa kinauupuan. "D-dandan?"

Isang masaya at maaliwalas na mukha ng lalaki ang bumungad sa amin. Halatang kagagaling lang nito sa flight dahil may jetlag pa ito. "Hello guys!" Hiyang bati nito sa lahat.

Tumingin muna sa akin si Jade bago ito tuluyang lumapit sa boyfriend niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka na?" Sa halip na sagutin siya ng nobyo ay niyakap siya nito ng buong higpit.

"Namiss kita Beh! Sobra!" Kumirot-kirot ang puso ko dahil sa natutunghayan ko. Ramdam ko ang mga ipinupukol na tingin sa akin ng aking mga kaibigan na nakikisampatya sa akin. Hindi man ako nagsasalita ay alam nilang special sa akin ang babaeng kayakap ng lalaking kasama ng bestfriend ko.

"Uhm! Lovers baka pwedeng mamaya na yang loving-loving nyo?" Biglang hirit ni Wila sa tinig na parang iritable. "Nandito tayo para mag-enjoy. Hindi para manood ng teleserye." Napatawa ang ilan sa aming mga kasama.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon