Chapter 7

7.4K 338 49
                                    

Althea's POV

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa labis na frustration ko sa aking sarili. Ginawa ko lang naman kung ano sa tingin ko ay tama. Ayoko na kasing mas lumalim pa ang nararamdaman ko para kay Jade.

Sana tinanggap na lang niya ang ibinigay ko para madali na sa akin ang kalimutan siya. Pero bakit ganito? Mas pinapahirap niya ang sitwasyon.

Ilang oras akong pabaling-baling ng higa sa kama at hindi makatulog. 'Aalis na siya bukas.' Iyon ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko.

Madaling araw na siguro nang dalawin ako ng antok kaya tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Pagtingin ko sa orasan na nakapatong sa bedside table ko ay alas otso na. Matamlay na bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang maligo.

Marahil ay nakaalis na si Jade at baka hindi ko na ulit siya makita pa. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya. Pipilitin ko na lang ang sarili ko na kalimutan siya. Tutal ay meron naman siyang nobyo. Kaya malabong maging kami kahit pigilan ko pa siya.

Pagkatapos kong magblower ng buhok ay mabilis na nagbihis na ako at nag-ayos ng mukha ko.

Paglabas ko ng kwarto ay ganon na lang ang pagkagulat ko. Halos tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa. 'Hindi pa siya umaalis Althea. Pigilan mo siya.' Sigaw ng aking utak.

Pilit ang pagkakangiting tumayo siya sa pagkakaupo sa couch. "Hinintay ko po talaga muna kayong magising Ma'am para makapagpaalam po ako sa inyo ng personal." Kumirot ang puso ko nang mapatingin ako sa mga gamit niyang nakaready na. Isang hindi kalakihang maleta at isang malaking travelling bag. "Ipinagluto ko po kayo ng breakfast Ma'am. Kumain muna po kayo bago umalis papuntang trabaho. Ma'am aalagaan nyo po ang sarili nyo. Mamimiss ko po kayo." Pumiyok siya sa huli niyang sinabi at biglang napaluha. Ngunit agad niya itong pinalis at pilit ulit na ngumiti sa akin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at diretsong tumitig sa kanyang mga mata. "Ibalik mo na yang mga gamit mo sa kwarto at sabayan mo akong magbreakfast." Wala sa loob na nasambit ko.

"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bingi ka ba?" Pagtataray ko sa kanya. "Ang sabi ko ibalik mo na yang mga gamit mo sa kwar---" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong sinugod ng yakap.

"Thank you Ma'am! Sa totoo lang po ay ayaw ko pa po talagang umalis." Sumisikip ang aking paghinga kaya't dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin. Ang lakas kasi ng epekto niya sa katawan ko na kung hindi ko kokontrolin ang sarili ko ay baka kung anong magawa ko sa kanya na maaari kong pagsisihan sa bandang huli.

"Magugusot ang damit ko Jade." Hindi makatingin na palusot ko sa kanya.

Ngunit kita ko sa sulok ng kanyang mga mata na nagpipigil siya ng tawa. "What's so funny?"

Sumeryoso na siya at umiling sa akin. "Nothing Ma'am! Namiss ko lang po kasi ang pagsusungit nyo sa akin."

"Mas gusto mong sinusungitan kita?"

Nakangiting tumango siya. "Mas gusto ko po yon kaysa tahimik po kayo at hindi ako kinakausap."

"You're imposible!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. "Anyway bilisan na natin. Ihahatid pa kita sa restaurant."

"Pero late na po ako Ma'am."

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa bestfriend ko. Tara na kumain."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa sa akin na animoy batang paslit na lumambitin sa braso ng kanyang ina. "Jade yong damit ko sabi magugusot!"

"Masaya lang po ako Ma'am kasi hindi na po ako aalis." Aniyang sabay bitaw sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya at bigla akong napabulalas ng tawa. Kung matuwa kasi siya ay parang isang cute na cute na bata. "Tigilan mo ako Jade please. Kung ayaw mong magbagong bigla ang isip ko."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon