Althea's POV
Naniniwala ako na hindi ako basta-basta makakalimutan ni Jade. Kaya hindi dapat ako pinang-hihinaan ng loob. Maiksing panahon man ang pinagsamahan namin ay tinitiyak kong lahat iyon ay tumatak sa kanyang isipan.
Kinabukasan ay napakiusapan ko si Tita Judith na kung pwede kong puntahan si Jade sa bahay nila. Pumayag naman ito at sinabing alam na raw ng security guard ng subdivision. Maging ang kasambay nila ay sinabihan rin para agad akong papasukin.
Huminga ako ng malalim bago ako nagdoorbell ng dalawang beses. Wala pang dalawang minuto ay may nagbukas na ng gate. "Pasok po kayo Ma'am."
"Nandiyan ba si Jade?" Kinakabahan kong tanong rito. May bitbit akong flowers at chocolate para kay Jade.
"Opo Ma'am.. kachat po sa skype si Sir Rafael sa kwarto niya."
Bahagyang kumirot ang puso ko sa tinuran nito. Pero okay lang, ano pa bang ineexpect ko?
"Sige hintayin ko na lang na matapos sila. Huwag mo na lang muna istorbohin."
"Sure po kayo Ma'am? Naku! Matagal po mag-usap ang dalawang yon. Kahit po yata makatulugan na ni Ma'am Jade nakabukas pa rin ang skype nilang dalawa."
Nag-isip akong sandali. "Ganon po ba? Teka saan po ba yong wifi nyo dito."
"Yon po Ma'am." Turo nito. "Kaso po hindi ko po alam ang password niyan. Wala naman po kasi akong mamahaling gadgets."
Nagtungo ako roon at pinatay ko ang switch ng wifi. Nagulat ang may edad na nasa middle thirties na katulong. "Hala! Baka magalit po si Ma'am Jade."
"Relax Manang, ako po ang bahala. Iwan nyo na lang po muna ako dito sa living room."
"Okay po Ma'am. Gusto nyo po ba ng maiinom or ipaghahanda ko po kayo ng meryenda?"
"No thanks." Ngiti ko sa kanya. "Okay lang ako Manang, busog pa ako."
"Sige po Ma'am. Kapag may kailangan po kayo puntahan nyo na lang po ako sa likod ng bahay. Magsisimula na po kasi ako maglaba."
"Sige Manang, go ahead. Salamat."
"Bakit nawalan ng connection?" Narinig kong hiyaw ni Jade mula sa kwarto niya. Parang tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Namiss ko kasi ang boses na iyon. "Manang Cyn---"
Nakatalikod ako sa gawi ng hagdanan ngunit ramdam kong sa akin nakatutok ang tingin niya. Bagaman kinakabahan ay dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya.
Ang pagkagulat sa mukha niya ay napalitan ng matinding galit at poot. "A-anong ginagawa mo dito?"
Maluha-luhang pinagmasdan ko siya sa taas ng hagdanan. Grabe mas lalo siyang gumanda. Nakapambahay lang siya at walang kahit na anong kolorete sa mukha. "Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" Nahihikbi kong tanong sa kanya. Shit! Ang tatalim ng tingin ipinupukol niya sa akin.
"Girlfriend mo?" Sarcastic na tanong niya at tumawa pa ng nakakaloko. Bumaba siya ng hagdanan upang harapin ako. "Ang kapal rin talaga ng pagmumukha mo Althea! Sa pagkakaalam ko matagal nang tapos yon. Tinapos mo na simula nang umalis ka at iwan ako."
"Jade patawarin mo ako.." Tuluyan nang naglaglagan ang mga luha ko.
"Matagal na kitang pinatawad Althea. Pati sarili ko pinatawad ko na rin. Kaya magpakita ka man sa akin o hindi ay wala nang saysay. Iba na ang buhay ko ngayon. Kasi kung hindi mo naitatanong ay may boyfriend na ako."
Pinalis ko ang aking mga luha at tumingin ako sa malayo. "Mahal mo ba siya?"
"Oo mahal ko siya." Mabilis niyang tugon na hindi man lang nag-isip ng isasagot.
BINABASA MO ANG
You Got Me
Fiksi PenggemarSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉