Althea's POV
Five years later...
"Welcome back Tsong! Yohoo!! Kamusta ang buhay sa Germany?" Masayang salubong sa akin ni Batchi sa airport. Mahigpit na niyakap niya ako. "Grabe namiss kita, sobra!"
I can't imagine na nasa Pilipinas na talaga ako. Mahabang panahon na ang lumipas pero tila biglang nanariwa ang sakit na naidulot sa akin ng mga nakalipas.
Kamusta na kaya siya? Siguro may sarili na siyang pamilya.
Kasunod ay ang patulo ng aking mga luha. Agad ko iyong pinalis upang hindi makita ni Batchi. "Okay naman Tsong! Tara na, ihatid mo na ako sa condo." Nagsuot ako ng tinted na sun glasses upang itago ang malungkot kong mga mata sa kanya.
"Huwag kang mag-alala Tsong. Palagi kong pinalilinisan ang condo mo. Kaya wala kang madadatnang alikabok. Nag-grocery na rin pala ako para may maluto at makain ka don."
"Okay good. Alam ko naman na maaasahan kita sa lahat ng bagay. Kaya kulang na kulang talaga ang salitang thank you sayo."
Naglakad na kami patungo sa sasakyan. "Tsong nasa talyer ang kotse ko. Kaya itong sayo ang ginamit ko. Magtataxi na lang akong pauwi pagkahatid ko sayo."
"Okay sige, ikaw bahala." Tinulungan niya akong ipasok ang mga bagahe ko sa sasakyan.
Magmula nang umalis ako ng bansa ay iniwan ko ang mga negosyo ko sa pangangalaga ng bestfriend kong si Batchi, sa secretary kong si Sanya at maging kay Daddy na siyang bihasa sa negosyo.
Sa email na lang sila nag-uupdate sa akin. Tumatawag rin naman ako sa kanila regularly.
Kumain muna kami ni Batchi sa isang restaurant na aming nadaanan. Medyo kumakalam na rin kasi ang sikmura ng kasama ko dahil sa tagal ng paghihintay niya sa kin sa Airport.
"Alam mo tsong kahit itago mo yang mga mata mo sa akin ay alam ko ang lungkot na nakapaloob diyan."
"Tsk! Huwag mo nga akong pansinin. Naninibago lang ako sa paligid. Ang tagal ko ba namang namalagi sa Germany."
"So kamusta nga pala si Bea doon?"
"Hmm.. yon may asawa na siya. Pinoy rin napangasawa niya don."
"Sayang noh? Gustong-gusto pa naman yon ni Gerald. Sabagay baka hindi lang type o di kaya ay ayaw niya ng LDR."
Tumango-tango ako. "Yap! Maybe." Natigilan ako nang may mahagip ang mga mata ko sa kabilang sulok ng restaurant. Patuloy lang si Batchi sa pagkukwento ngunit wala na akong naiintindihan. "Jade.." Wala sa loob na bigkas ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Masayang nalulungkot ako na makita siyang muli.
Nagulat si Batchi at lumingon sa kung saan nakatutok ang aking tingin. "Oh, gosh! Si Jade nga tsong." Nag-aalalang napatingin siya sa akin. "Tsong kung.. kung gusto mong umuwi na. Walang problema sa kin. I-take out na lang natin itong mga foods."
Bumalik lahat ng sakit sa dibdib ko. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kaya tama lang na nangyayari ito sa akin. Sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. Nakapawalang kwenta kong tao. "Sandali lang tsong. Gusto ko pa siyang pagmasdan. Sobrang namiss ko siya." Hinayaan ko lang na maglandas ang mga luha sa mga mata ko. Mas lalo siyang gumanda. Halos marami nang nabago sa kanya. Wala na ang simple at inosenteng Jade na minahal ko noon. Sophisticated na siyang manamit ngayon. Even the way she talks and laughs ay ibang-iba na rin. Siguro talagang masaya na siya ngayon sa buhay niya.
"Masaya na siya Tsong, sana maging masaya ka na rin. Dapat kasi naghanap ka na rin sa Germany eh."
"Batchi alam mo ang dahilan kung bakit ako lumayo. Tingin mo ganon lang kadali na makalimot?"
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉