Althea's POV
Kanina pang pinagmamasdan ni Jade ang sarili niya sa harap ng salamin. Medyo nadagdagan kasi ang timbang niya na siyang tipikal na nangyayari sa mga nagbubuntis. Patingin-tingin lang ako sa kanya. Busy kasi ako pagba-browse ng magagandang design ng house. Balak ko kasing patayuan ng sariling bahay ang mag-ina ko. Masyadong masikip ang condo kapag may baby na kami.
"Love ang panget-panget ko na!!" Naiiyak niyang maktol na may pagpadyak pa ng isang paa.
Marahas na napabuntong hininga ako bago ulit ako tumingin sa gawi niya. "Baby love maganda ka pa rin naman. Huwag ka nga masyadong magworry diyan." Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa ginagawa ko.
"Pati braso ko love lumalaki na oh! Baka mamaya ipagpalit mo na ako sa Kim Domingo na yon."
Biglang napaangat na naman ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ba naman ay binabanggit pa rin niya ang pangalan ng babaeng iyon? Ibang klase, hindi niya makalimutan. Minsan kasing nakasalubong nito sa mall si Kim a month ago noong sinamahan siya ni Gee na magshopping para malibang.
Pagdating ko ba naman sa bahay ay inaway-away ako. Wala naman akong idea kung anong ikinagagalit niya. Iyon pala ay nagseselos lang siya. Tsk-tsk! Sobrang ganda raw kasi ni Kim. Imposible ko raw na tanggihan kung ito na mismo ang nag-aaya sa akin. My god! Sobrang praning nitong asawa ko. "Baby love, makinig ka sa akin. Wala akong nakikitang dahilan para ipagpalit kita sa kanya. Kaya magtiwala ka lang sa akin. Mahal na mahal kita, lalo na ngayon na magkakababy na tayo." Tumayo ako at nilapitan siya. Kailangan ko siyang lambingin para tumigil na siya sa kanyang kapraningan. Niyakap ko siya sa kanyang likuran at hinaplos-haplos ang nakaumbok niyang tiyan. "Masayang-masaya ako kasi ilang buwan na lang ay magiging tatlo na tayo dito sa bahay."
Thanks God! Napangiti na siya at pagkatapos ay ipinaling ang mukha sa akin. Kaya ginawaran ko siya ng isang mabilis na halik sa mga labi niya. Bahagya pa siyang napahagikhik ng tawa. "Love after kong magpacheck up sa doctor bukas. Ipasyal mo naman ako sa park."
"Oo ba! Iyon lang pala eh.. Pero bawal ang street foods sayo ha?"
Napanguso siya sa akin. "Okay. Para kay baby hindi ako kakain ng street foods. Burger at fries na lang sa Jollibee." Sabay pacute sa akin. Alam niya kasing aangal rin ako sa sinabi niya.
Hays! Kaya siya tumataba dahil sa hilig niyang kumain ng burger at fries. Pero anong gagawin ko? Mas okay naman iyon kaysa kumain siya ng mga streetfoods. "Sige pero huwag masyado madami baby love. Hindi rin healthy sa baby boy natin yon."
Yes po tama po ang nabasa nyo guys. Lalaki ang unang magiging baby namin ayon sa ultrasound sa kanya noong nakaraang buwan.
"Love.." Malambing niyang tawag sa akin pagkatapos ay pumihit paharap.
"Aray!" 😫 Napanganga ako sa sobrang sakit. Kinagat niya na naman kasi ako sa balikat. 😖 Mabuti na lang at hindi ako nakasleeveless. Kundi ay baka bumaon ang pangil niya este ang ngipin niya sa balat ko.
Napahagikhik pa siya ng tawa. Seriously?! Ang sakit kaya. 😳😖 Saka siya malambing na lumambitin ng yakap sa akin. "Sorry love I can't help it eh. I love you so much." Tapos hinalikan pa niya ako sa lips. "Hoy! Love.. sorry na nga.." Kiss pa ulit sa lips ko. Saka lang ako tuluyang napangiti.
"Kiss mo pa ako baby love." Sabay nguso ko sa kanya. Ngunit tinampal lang ng kamay niya ang pisnge ko. "Ouch!" 😕 Hala! Bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas. So weird!
"Love higa ka sa bed." Utos niya sa akin bagaman malambing ang tono ng boses.
"Ayoko nga.. Baka kung anong kabaliwan na naman ang gawin mo sa akin." Minsan kasi ay pinahiga niya rin ako sa bed. Siyempre ako sobrang na-excite kasi minsan na lang ako maka-score sa kanya kaya nahiga agad ako. But then pinahiga niya lang pala ako para pagpraktisan na ibalot sa manipis na kumot at gawing literal na sanggol na bagong panganak. Kawawa pa ako ng kurot at palo kapag naglilikot ako. Juicecolored na mahabagin! 😂😂
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉