Chapter 37

4.3K 201 26
                                    

Althea's POV

Hindi ako mapakali kaya kinontak ko agad ang kaibigan ni Jade na si Gee. Good thing na pumayag naman itong makipagkita sa akin.

"Hello Althea.. Kamusta, bakit hindi mo kasama si Jade?" Nakangiti nitong bati at nagbeso pa sa akin na para bang wala siyang ginawang masama sa amin ng kaibigan niya.

"Actually Gee may problema kami ni Jade kaya ako nakipagkita sayo ngayon."

"So anong maitutulong ko?" Nakangiti pa rin niyang tanong na tila wala talagang idea.

"Gee may.. may problema ka ba sa amin ni Jade?"

Naguluhan siya sa itinanong ko. Kunot ang noo na tumingin siya ng diretso sa akin na waring binabasa ang laman ng utak ko. "Althea ano bang klaseng tanong yan? Isa ako sa mga naging masaya para sa kaibigan ko nang magkabalikan kayong dalawa."

"Then why you sent those pictures to Jade? Alam mo bang nag-away kami dahil doon? Ngayon hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkagulat. "Teka sandali lang Althea. I don't understand. Wala akong kinalaman sa sinasabi mo."

"Walang kinalaman? Pero bakit galing sayo ang message?!"

"Hey! Please calm down. I really don't know about it. Okay?" Pakiusap niya sa akin at waring natigilan na parang biglang may naalala. "Unless---"

"Unless ano?"

"Well ganito kasi yon. Nakipagpalit sa akin ng cellphone ang boyfriend ko kahapon. Over protective kasi yon at may pagkaseloso pa."

Napahawak ako sa aking sintido. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kinuha niya ang cellphone niya at chineck ang mga convo nila ni Jade. "It was deleted here in my phone Althea. Maybe---"

"Anong motibo ng boyfriend mo para sirain kami?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Uhm.. Kasi Althea ano eh. Barkada niya yong isang ex ni Jade. Si.. si Dandan."

Saka lang nagsink-in lahat sa utak ko. So talagang planado ang nangyari at malamang na kasabwat rin nila si Cheska.

"Hayaan mo Althea. Tutulungan kita kay Jade. Ako ang magpapaliwanag sa kanya."

"Yon nga ang problema Gee. Hindi ko siya makontak."

"Bakit, nasaan ba siya?"

"May kilala ka bang Sally? Ang sabi nina Tito at Tita isinama raw nito si Jade sa Tarlac."

Sandali itong nag-isip. "Oo minsan na siyang naipakilala sa akin ni Jade."

"Alam mo ba kung paano siya makokontak?"

"Sorry Althea pero wala akong kontak number niya."

Inis na naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. "Gee mababaliw na yata ako sa kakaisip sa kaibigan mo. Sana man lang magkaroon siya ng tiwala sa akin. Hindi ko naman siya kayang lokohin eh."

"Althea sorry sa ginawa ng boyfriend ko. Sorry talaga.."

"Hindi mo kailangang magsorry Gee. Wala ka rin namang alam sa nangyari. Itong boyfriend mo lang ang may kasalanan dito."

"Ako na ang humihinge ng pasensya para sa kanya. Promise tutulungan kita para magkaayos na kayo ni Jade."

Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Salamat Gee.. Kailangan ko nang umalis. Tawagan mo ako kapag may balita kana kay Jade ha?"

"Oo at tawagan mo rin ako kapag nakontak mo na siya. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya kung ano talaga ang totoo."







You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon