Althea's POV
Nag-tour kami sa lahat ng magagandang tourist attraction sa Barcelona. Sobrang saya naming dalawa. Nagbeach rin kami at kung ano-ano pang activities ang ginawa namin.
"Love pano kung noon pa lang ay ikanasal na ako kay Rafael?" Kasalukuyang nasa may balcony kami ng Hotel at parehong nakamasid sa napakagandang view na aming natatanaw habang nakayakap ako sa kanyang likuran.
"Hmm.. Siyempre unang-una ay masasaktan ako. Pero kahit masakit ay tatanggapin ko."
"Love naiinis pa rin ako sa ginawa mong pang-iiwan sa akin noon. Sa tuwing naaalala ko yon."
"And I'm really sorry for that baby. I'm so glad na ako pa rin ang pinili mo sa kabila ng lahat ng ginawa ko sayo."
"Hindi mo naman kasi gagawin yon kung hindi rin dahil kay Mama eh."
"But I still have choices that time baby. Pwede kong sundin ang kagustuhan ng Mama mo sa paraang hindi kita masasaktan ng sobra."
"Hindi masasaktan? Pero iiwan mo rin naman ako, tama?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at iniharap ko siya sa akin. "Malaking pagkakamali na hindi ako nagpaalam sayo. Noong sinabi mo sa akin na muntikan mo nang wakasan ang buhay mo? I swear to god Jade. Gusto kong saktan ang sarili ko. Kasi kung nangyari yon? Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Niyakap niya ako ng buong higpit. Napakasarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig niya. "Ikaw talaga ang para sa akin love. Ang dami na nating pinagdaanang dalawa pero heto at mag-asawa na tayo. Mahal na mahal kita." Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa akin. Damang-dama ko ang init ng pagmamahal niya para sa akin.
Gumanti ako ng yakap sa kanya at hinalikan siya sa gilid ng ulo niya. "Mahal na mahal rin kita."
+++++++
Balik Pinas na kami makalipas ang one week na honeymoon namin sa Barcelona.
"Tsong kamusta ang honeymoon?" Masiglang bungad sa kin ni Batchi pagpasok pa lang sa pintuan ng opisina ko sabay salampak ng upo sa upuang nasa harap ng mesa ko.
"Well, sobrang saya." Malapad ang ngiting tugon ko sa kanya.
"Mukha nga oh! Swerte mo talaga kay Jade."
"Swerte rin kaya ako diyan." Pareho pa kaming napatingin sa bungad ng pintuan. "Heto mag-lunch na muna kayo."
"Wow! Ang sweet naman nitong asawa ko." Kinikilig na tumayo ako at sinalubong siya upang abutin ang bitbit nitong paper bag. Ipinatong ko iyon sa table ko at ginawaran siya ng isang mainit na halik lips niya.
"Ano ba yan Tsong! Nakikita kayo ng makasalanan kong mga mata."
"Tse! Mamatay ka sa inggit." Ngisi ko sa kanya. Si Jade ay naiiling na napatawa lang sa amin. "Baby akala ko ba busy kayo ni Mama sa pinagpaplanuhan ninyong negosyo?"
"Busy nga love. Kaya idinaan ko lang talaga sayo yan. Paalis na rin ako."
"Teka lang baby.. Hindi mo ba ako sasaluhang mag-lunch?" Pacute ko sa kanya na kanya namang ikinangiti.
"Nah! Sa dinner na lang love. May pupuntahan pa kami ni Mama. Andiyan siya sa labas naghihintay sa kin."
Malungkot na napanguso ako. "Ganon ba? Sige mag-iingat kayo. Call mo ako kapag pauwi ka na para masundo kita." Lambing ko pa sa kanya.
"Hindi na love. Sa condo na lang tayo magkita mamaya. Uhm! Batchi.." Baling niya sa kaibigan ko.
"Yes Jade?"
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉