Chapter 15

6.7K 308 35
                                    

Althea's POV

Upang masulit ni Jade ang aming bakasyon ay inilibot ko siya sa bayan ng Batangas City. Dinala ko rin siya sa pinakamalapit na mall at ipinag-shopping ng ilang mga damit. Bagaman panay ang tanggi niya ay wala siyang magawa kapag nagsusungit na ako. Ginagawa ko lang naman yon upang mapasunod siya at tanggapin niya ang mga ibinibigay ko.

"Althea masyadong mahal itong mga pinipili mo. Atsaka madami na itong mga bitbit natin. These are enough!"

"Ok fine! Kain na lang tayo. Saan mo ba gustong kumain?"

"Mas masarap kumain sa resthouse." Halata sa mukha niya ang pagkabagot. Tila hindi na siya nag-eenjoy sa aming pamamasyal.

"Sige take out na lang tayo."

"Malamig na yon pagdating natin. Magluluto na lang ako for us."

"Alright! This time ay ikaw na ang masusunod. So let's go?" Inilahad ko ang isa kong kamay sa kanya. Tiningnan niya muna iyon at nakangiting tumingin sa akin.

"Nagpapakagentlewoman ka na naman sa kin. Baka mas lalo akong mainlove sayo niyan."

"Walang pumipigil sayo." Mabilis kong sagot sa kanya. "Binibigyan kita ng karapatan na mahalin ako at kahit ipagdamot mo pa ako sa iba. Okay lang sa akin."

"Tara na nga! Baka mahalikan pa kita dito ng hindi oras." Aniyang tila kinikilig. Kinuha niya ang kamay ko at siya na ang humila sa akin palabas ng mall.

Pagdating sa parkinglot ay ipinagbukas ko pa siya ng pintuan ng ng sasakyan. Naiiling na napangiti siya sa akin. "What? May kapalit ito, kala mo ha!" Nangingiti kong biro sa kanya.

Napahagikhik naman siya ng tawa na animoy kinikiliti. "Kaya nga mas gusto ko sa resthouse para nasosolo natin ang isa't-isa."

Ngiting ewan na naman ako na may halong kamanyakan. Ewan ko ba! Bigla na naman kasing nag-init ang katawan ko dahil sa sinabi niya.

Pagkasakay niya ay saka ako umikot patungo sa driver seat. Pagkaupo ko doon ay ini-start ko na agad ang engine. "Let's go back to our secret paradise."

Isang nakabibighaning tawa ang narinig ko mula sa kanya. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa maganda niyang mukha. "Baka naman matunaw na ako niyan."

Nangingiting kamot-kilay na binawi ko na ang pagtitig ko sa kanya at nag-focus na ako sa pagda-drive.

Sa kalagitnaan ng biyahe. "Alam mo simula nang iwan ako ni Anne. Feeling ko parang hindi ko na kayang tumapak pa dito sa Batangas, sa resthouse. Napakarami rin kasi ng magagandang memories namin together sa lugar na ito." Pagsulyap ko sa kanya ay tila napawi ang mga ngiti sa mukha niya. "Pero dahil sayo kinaya ko." Huminga ako ng malalim at muling itinutok ang tingin sa daan. "Alam mo bang napaka-importante ng resthouse na yan sa akin?" Pagsulyap kong muli sa kanya ay hindi na siya nakatingin sa akin at ang masaya niyang mukha kanina ay tila napalitan na ng lungkot.

Hinagilap ko ang isa niyang kamay at pinisil-pisil. "Don't be jealous to Anne." Nangingiti kong sulyap sa kanya.

"Yeah I know, right? Wala naman kasi akong karapatan." Aniya sa mapait na tinig.

"May karapatan ka Jade." Huminga muna ulit ako ng malalim at muling itinutok ang tingin sa daan. "Patapusin mo muna kasi akong magsalita bago ka malungkot ng ganyan."

Dumaan ang ilang minutong katahimikan habang abala pa rin ako sa pagmamaneobra ng sasakyan. "Importante sa akin ang resthouse hindi dahil kay Anne. Kundi dahil nag-iisang properties na naiwan ng parents ko ang resthouse. May masasayang memories din kami nina Daddy at Mommy sa lugar na ito. Yong mga panahon na buo pa ang pamilya ko."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon