Althea's POV
Huminge ng tubig si Jade. Kaya lumabas ako ng kwarto. As usual nasa kwarto na naman namin ang makulit na batang si Erika.
"Ihhhh!!!!" Gulat na gulat na napasapo ako sa dibdib ko.
"Ay! Sorry po Ma'am." Tumilapon tuloy sa dibdib niya ang tubig na laman ng basong hawak niya. Shit! Kitang-kita ko ang hakab ng kanyang katawan sa damit na suot niya. Maluwang na puting t-shirt ang kanyang suot na medyo manipis. Wala itong suot na bra kaya aninag ang malulusog niyang dibdib at halos lumuwa na rin ang kanyang cleavage. Medyo napapalunok na nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Nauhaw po kasi ako Ma'am. Kaya po ako kumuha ng tubig. Pasensya na po."
"Uhm.. It's okay Klea. Next time buhayin mo ang ilaw para hindi tayo nagkakagulatan. Aatakihin ako sayo sa puso eh."
"S-sorry po ulit. Balik na lang po ako sa room ko."
"Natapon yong tubig mo. Kumuha ka na lang ulit ng panibago." Sabi ko sa kanya.
"O-okay po." Nauutal pa niyang tugon. Ngunit bago pa ito makapihit ay nadulas na ang mga paa niya sa sahig. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Uh-ohh.. nagkadikit ang mga dibdib namin. Shit! Napamura na naman ako sa aking isipan. Ang awkward ng position namin. Agad na itinayo ko siya at iniayos.
"Ayos ka lang ba Klea? Sandali buhayin ko lang ang ilaw." Parang gusto ko tuloy pagsisihan na binuhay ko pa ang ilaw. Mas lalo kong naaninag ang hindi ko dapat na makita.
Nanlaki ang aking mga matang iniiwas ang tingin sa kanya. Waring naramdaman niya ang pagkailang ko sa kanya kaya nagtakip ito ng dibdib at tumalima na siya para kumuha ng pampunas sa nabasang sahig.
Naglakad na ako patungo sa kinalalagyan ng ref upang kumuha na ng tubig. Iniwasan kong tapakan ang basang sahig upang hindi ako madulas na kagaya niya kanina.
Waring nanuyo ang lalamunan ko kaya pagkasalin ko ng tubig sa baso ay napainom ako. Sandali bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Dapat katawan lang ng asawa ko ang pinagnanasaan ko. Sa muli kong pagsulyap sa babae ay saktong nakayuko ito habang mina-mop ang nabasang sahig. Fuck! Napapihit ulit ako pabalik at napainom ulit ng tubig.
"Okay na po Ma'am Althea. Makakadaan na po kayo."
Sinalinan ko ulit ng tubig ang basong hawak ko. "Okay ikaw na ang bahalang magpatay ng ilaw." Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Nakakasilaw kasi ang kasexyhan niya. Nakamaiksing short lang rin kasi ito kaya kitang-kita ang napakakinis nitong balat.
++++++++
"Love ano yong ingay ang narinig ko kanina?"
Kinabahan naman akong bigla sa tanong niya. Wala pa man akong ginagawang kataksilan ay feeling guilty na agad ako. Iniabot ko muna sa kanya ang hawak kong baso na may lamang tubig.
"Ah.. wala yon love. Si.. si Klea yon. Nagkagulatan lang kami kasi nakapatay ang ilaw."
"Bakit anong ginagawa niya sa kitchen?"
"Nauhaw raw siya kaya kumuha rin siya ng tubig."
Napatingin siya sa sandong suot ko. "Anong nangyari at parang basa yang suot mo?" Aniyang kinapa pa ng kamay niya.
"Ouch! Baby love marupok ako. Ano ba!" Biro ko sa kanya upang ilihis siya sa kanyang pagtatanong. Ayoko kasing makahalata siya na naapektuhan ako kanina sa nakita ko.
"Tse! May bata dito. Huwag kang pasaway. Sandali ikukuha kita ng pampalit." Tumayo siya at dumiretso sa closet.
Si Erika ay gising pa rin at busy sa paglalaro ng games sa celpon ng Mama niya. "Bata tama na yan. Dapat sayo natutulog na."
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉