KABANATA 3

941 37 3
                                    

Nakarating na rin sa Marikit Produksyon sina Pancho at Baste sakay ng kotse ni Yda. "Nandito na tayo! Paano na? Saan ko kaya ibaba ni Baste?" tanong ni Yda.

"Puwede na kami diyan malapit sa may pasukan ng gusali," sagot naman ni Pancho. Bumaba na ng sasakyan sina Pancho at Baste.

"Ah eh, Yda! Maraming salamat ulit at isinakay mo kami sa kotse mo," nakangiting sabi ni Pancho.

"Hay nako, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyong dalawa dahil pinagpasensyahan ninyo ako sa abalang nagawa ko sa inyo," nakangiting sabi ni Yda.

"Sige, paano? Paalam na sa inyong dalawa, ha? At Good luck na rin!" nakangiting nagpaalam na si Yda sabay harurot ng kotse nito na may kasamang busina pa.

Nagmamadali namang pumasok sa gusali ng Marikit Produksyon ang magkaibigan. Ngunit mayroon biglang pumigil sa kanila.

"Hep! Hep! Hep! Saan ang punta ninyo mga bossing?" tanong ng maliit at matinis na boses.

Lumingon sa paligid ang dalawang magkaibigan. "'Tol, mayroon ka bang narinig?" natatakot na tanong ni Pancho kay Baste.

"Oo, mayroon. P-pero saan nanggagaling ang boses na iyon? Ngii!" nangiginig na sabi ni Baste. Muli nilang narinig ang maliit at matinis na boses.

"Hoy! Mga bossing, naririnig ninyo ba ako? Saan kayo pupunta?" Kahit natatakot ang magkaibigan ay sumagot pa rin sila sa tanong ng maliit at matinis na boses.

"Opo. Naririnig po namin kayo. P-pero h-hindi po namin kayo talaga n-nakikita," natatatakot na sagot ni Pancho habang palingon-lingon sa paligid. At si Baste naman ay nangiginig pa ang kaniyang magkabilang tuhod at kagat-kagat ang mga daliri sa kaniyang bibig.

"Ah, ganun ba? Hindi ninyo ako nakikita? Teka muna," sagot ng maliit at matinis na boses.

Nakita nina Pancho at Baste na umuusog ang upuan sa likod ng lamesa. Biglang mayroong umakyat.

"Ngayon! Nakikita ninyo na ako, mga bossing?" tanong ng maliit at matinis na boses ng guwardiyang nakasimagot.

"Ay! Kayo po pala ang naririnig namin, akala po kasi namin tiyanak!" pabirong sagot ni Pancho.

"Pasenya na mga bossing kung natakot ko kayong dalawa. Bago kasi itong lamesa ko. Hindi man lang tinantya ng karpintero ang taas nito. Wala akong magawa, hindi ako nabiyayaan ng kahit konting tangkad man lang," paliwanang ng guwardiya habang

inaayos ang lamesa nito. "Saan nga ba kayo pupunta?" tanong muli ng guwardiya.

"Ah eh, doon po sa opisina ng Marikit Produksyon. Unang araw po namin ngayon sa trabaho bilang mga tagalinis," nagmamalaking sagot ni Pancho.

"Ganun ba?! Sige isulat ninyo muna ang inyong mga pangalan dito sa log book ko bago kayo pumunta sa opisina," sabi ng guwardiya.

Pasakay na sana sila sa elebeytor nang bigla itong sumara. Nag-antay muli sila sa pagbubukas ng elebeytor at nang bumukas muli, sabay-sabay namang nagsakayan ang mga taong mga nagmamadaling pumasok. Sina Pancho at Baste ay nakasingit din pero sa may bungad nga lang. Nang biglang may narinig silang malakas na tunog. "Eengt! Eengt! Eengt!" Biglang nagtaka si Pancho sa tunog na narinig.

"Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Pancho kay Baste.

"Ewan ko! Ako pa tinanong mo, Eh! Pareho lang naman tayong ngayon lang sumakay ng elebeytor, 'no?" naiinis na sagot ni Baste kay Pancho.

Nang may biglang sumabat na matandang masungit sa likod nila. "Psst! Mga 'dong! 'Yung naririnig ninyong tunog, ang ibig sabihin 'non ay mabigat na ang elebeytor na ito. Kaya puwede ba tsupi! Mag-antay na lang kayo ng susunod na elebeytor!" pagalit na sabi ng masungit na matandang babae.

Lumingon si Pancho sa kaniyang likuran upang tingnan kung sino 'yung kumakausap sa kanila. "Ganun po ba? Sige po lalabas na po kami," sabi ni Pancho. Nang makalabas na sila ng elebeytor napansin nila na nakatingin sa kanila ang mga taong nakasakay at sabay-sabay na nagbubulungan. Napansin din ni Pancho na ang masungit na matandang babae na kausap nila ay si Mam Olivia pala, superbisor ng Marikit Produksyon.

"Tol! Teka si Mam Olivia 'yun, o!" gulat na gulat na sabi ni Pancho habang tinatapik si Baste. "Ay! Oo nga 'no? Si Mam Olivia nga!" sagot ni Baste na gulat na gulat rin.

At bago sumara ang elebeytor, muli silang sinungitian ni Mam Olivia at sabay sigaw ng, "Tse!" Biglang nagkatinginan ang magkaibigan.

"Pambihira naman! Kapag minamalas nga naman tayo, o!" naiinis na sabi ni Pancho habang napapailing pa. Tumingin si Pancho sa paligid at nakita niya na mayroon palang hagdanan na patungo sa ikalimang palapag.

"'Tol! Mabuti pa, eh! Huwag na tayong sumakay ng elebeytor. Ayun,o! Meron hagdanan papunta sa itaas. Tara! Akyatin natin parang ehersisyo na rin natin!" sabi ni Pancho kay Baste habang tinuturo ang isang pintuan patungo sa hagdanan.

End of Chapter 3

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.  

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon