KABANATA 43

403 14 12
                                    

Natulala si aling Gilda nang tumambad sa kaniyang harapan si Claire. "C-Claire, i-ikaw ba si C-Claire ang napakagandang artista? Nako po, para akong nakakita ng isang angel na bumaba sa lupa!" namamanghang sabi ni aling Gilda.

"Hello po! Magandang umaga! Opo, ako nga po si Claire 'yung artista. Um, nandiyan po ba si aling Gina?" nakangiting pagbati ni Claire sa harapan ng pinto.

"Ah eh, opo Mam Claire nasa loob po sila. Pasok po kayo!" nagkukumahog na sabi ni aling Gilda kay Claire. Inalalayan ni aling Gilda si Claire sa pagpasok sa loob ng bahay ni aling Gina.

Nagmamadaling tinawag ni aling Gilda si aling Gina. "Gina! May mga magagandang dalaga kang bisita!" malumanay na sabi ni aling Gilda habang nakangiti na animoy isang mabait na nilalang na hindi makabasag pinggan.

Nang makapasok sa loob ng bahay sina Claire at Yda, nakita nila si aling Gina na nakatayo sa kusina at pinapahiran ng mga luha si Jessa.

"Aling Gina, magandang umago po!" nakangiting pagbati nina Claire at Yda.

Biglang napalingon si aling Gina at Jessa. "Ay! Claire at Yda, nandito pala kayo? Sinong nagpapasok sa inyo?" nagtatakang tanong ni aling Gina.

"Ah eh, siya po ang sumalubong sa amin!" sabi ni Claire kay aling Gina habang itinuturo si aling Gilda. "Ano po pala pangalan niyo?" nakangiting sabi ni Claire kay aling Gilda.

"Ah eh, M-mam Claire, ako po si aling Gilda. Ang mabait na suki ni aling Gina!" nangingiting sagot ni aling Gilda.

"Salamat po sa inyo, aling Gilda at inalalayan niyo po kaming makapasok dito sa bahay ni aling Gina," pasasalamat naman ni Yda kay aling Gilda.

Biglang nilapitan ni aling Gina sina Claire at Yda. "Ah eh, wala na dito si Pancho, nakapasok na sila ni Baste!" nagtatakang sabi ni aling Gina.

"Aling Gina kayo po talaga ang sinadya ko dito," sambit pa ni Claire. Biglang napansin ni Claire na namumugto ang mga mata ni Jessa habang malungkot na nakaupo ito sa kaniyang wheelchair.

"Hi, Jessa! O, bakit para kang malungkot diyan?" nag-aalalang tanong ni Claire habang hinihimas ang mahabang buhok ni Jessa.

"Jessa, umiyak ka ba?" nagtatakang tanong naman ni Yda kay Jessa habang hinihimas ang braso nito.

Sasagot na sana si Jessa sa mga katanungan nina Claire at Yda nang biglang sumabat si aling Gilda. "Ah eh, Mam Claire! Kaya po siya malungkot, gusto po niya sanang isuot 'yung bestidang nakasabit sa may dingding pero hindi siya pinayagan ng kaniyang inay!" nangingising sagot ni aling Gilda sabay lingon kay aling Gina. "'Di ba, Gina? Ikaw naman kasi, eh! Ayaw mo pang ipasuot kay Jessa! Ayan tuloy umiyak siya!" nakangiting sabi ni aling Gilda sabay na inirapan si Jessa.

"Ah eh....a-ano kasi C-Claire!" pautal-utal na sabi ni aling Gina.

Biglang napalingon si Claire sa asul na bestida na nakasabit sa dingding. "Wow! Aling Gina! Ito po ba 'yung bestidang pinatahi ko po sa inyo?" namanghang tanong ni Claire.

"O, 'di ba Claire? Sabi ko na sa iyo panalo ang bestida mo, eh!" pagbibirong sabi ni Yda kay Claire habang pumapalakpak pa ito.

"Opo, yata Mam Claire. Iyan siguro ang bestida niyo po? Ang ganda! Bagay sa iyo po iyan! Mukha kang reyna diyan! Siguro, kaya naman pala iyang si Jessa, eh! Gustong-gustong isuot iyan! Hmp! Mukhang hindi naman babagay sa kaniya, pero sa inyo bagay na bagay po! Siguradong mamamangha ang mga showbiz reporter pati na rin po ang mga tagahanga niyo. Ikaw na po talaga ang pinakamagandang aktress sa mundo ng showbiz!" namamanghang litanya ni aling Gilda habang pumapalakpak at patalon-talon pa.

Biglang napalingon si Claire kay aling Gilda. "Um, paumanhin po! Kayo po ba ang kausap ko?" naiiritang tanong ni Claire habang nakataas ang kaniyang kilay.

"Ah eh, hindi po, aaay? hehehe!" napapahiyang sabi ni aling Gilda.

"Ayun naman po pala, eh! Ayoko po sana kayong bastusin pero puwede po ba na umalis na po kayo sa aking harapan! At hindi ko po kailangan ang opinyon niyo. My gosh!" pagtataray ni Claire kay aling Gilda.

Agad na inalalayan ni Yda si aling Gilda papalabas ng pintuan. "Aling Gilda, paumanhin po! Puwede po ba umalis na po kayo! Pasensya na po! Ayaw lang po ni Claire sa taong halatang masyadong echosera na katulad niyo po!" naiinis na ring pahayag ni Yda habang inaalalayan ang matabang braso ni aling Gilda.

"Tse! Ang sungit naman pala ni Claire sa personal. Akala niya kung sino siyang maganda at magaling na artista! Hay, nako! Hinding-hindi ko na pipilahan sa sinehan ang mga corny at walang kuwenta niyang mga pelikula, tse!" naiinis na sabi ni aling Gilda kay Yda.

"Sige po, paalam na po!" nangingising paalam ni Yda at saka isinara ang pinto. Agad na bumalik si Yda sa kusina kung saan nandoon sina Claire, aling Gilda at Jessa.

"Ano Yda, umalis na si aling Gilda?" tanong ni Claire.

"Oo! Umalis na siya! Pero infairness, Claire! Kulang na lang halikan niya ang mga paa mo sa sobrang kapupuri niya sa iyo, ha? Hahaha!" natatawang biro ni Yda. "Grabe! Masyadong hyper ang peg ng lola mo, day! hahaha!" biro pa ni Yda.

"Nako po, pagpasensyahan ninyo na si aling Gilda. Medyo makulit lang talaga 'yun. Masyadong madaldal 'yun! Sa katunayan nga, siya talaga ang nagpaiyak kay Jessa. Kinukulit niya ako sa mga inorder niyang basahan sa akin," natutulirong sabi ni aling Gina.

"Ah, ganun po ba? Pinaiyak niya si Jessa? Kawawa naman pala si Jessa!" nag-aalalang sabi ni Claire.

"Ayos na po ako, ate Claire! Salamat po talaga! Mabuti na lang po dumating kayo ni ate Yda at pinaalis niyo na po si aling Gilda!" nagagalak na sabi ni Jessa habang hinihimas niya ang mga kamay ni Claire.

"Claire, hali ka na, isukat mo na 'yung bestidang tinahi ko para sa iyo!" nagagalak na sabi ni aling Gina.

Nagmamadaling kinuha ni aling Gina ang asul na bestida na nakasabit sa dingding. Nang makuha ang nasabing bestida, agad itong inabot ni aling Gina kay Yda. Dahan-dahan at maingat na binuksan ni Yda ang siper ng bestida. Tinulungan ni Yda si Claire na maisuot ang bestida. Nang maisuot na ni Claire ang bestida biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kaniyang sarili sa salamin.

"Wow! Ako ba ang nasa salamin?" namamanghang tanong ni Claire habang dinadama nito ang mga sequin na nakakabit sa kaniyang bestida.

"OMG! Claire, mas lalo kang gumanda sa suot mong asul na bestida! Wow na wow, Claire!" namamanghang sabi ni Yda habang pinagmamasdan si Claire.

End of Chapter 43

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon