KABANATA 24

597 24 3
                                    

Nang makarating sina Pancho at Baste sa istudyo. Madilim at walang tao sa loob nito. Binuksan ni Pancho ang pindutan ng ilaw.

"'Tol! Salamat at pumayag kang samahan akong linisin itong istudyo!" nangingiting sabi ni Baste.

"Wala 'yun, 'tol! Ano ka ba? Para ka namang others niyan. At saka natapos ko na ring ilampaso 'yung pasilyo ng kantina, bago mo pa ako istorbohin doon, este tawagin!" pabirong sabi ni Pancho habang patuloy na nilalampaso ang sahig. "Teka muna, nasaan ang lampaso at timba mo?" dagdag pa ni Pancho.

"Ay, oo nga 'no?! Ano ba 'yan?" biglang napakamot ng ulo si Baste.

"Ikaw talaga Baste kung makahila ka pa naman sa akin wagas sa pagmamadali! Eh, wala ka naman palang dalang panglinis dito!" nangingiting sabi ni Pancho at sabay hampas ng kaniyang lampaso sa binti ni Baste.

"Teka muna pupunta lang ako sa ibaba. Kukunin ko lang 'yung mga panglinis ko!" nangingiting sabi ni Baste.

Biglang sumagot si Pancho at sinabi na, "'Tol relax ka lang. Huwag kang magmadali. Ako munang bahala dito!" sabi ni Pancho habang pinapaikot-ikot niya ang kaniyang lampaso.

Nagmamadaling umalis si Baste. Agad namang sumilip si Pancho sa labas ng pinto. Sumulyap sa paligid at siniyasat kung mayroong papasok na tao sa nasabing istudyo. Nagmamadaling isinara ni Pancho ang pinto. Nakangiting kinausap ni Pancho ang mahiwagang lampaso.

"Ayos Tsong! Wala ng tao!" biglang lumipad ang mahiwagang lampaso sa ere at nagpaikot-ikot pa ito. Kinuha ni Pancho ang kaniyang cellphone at ipinatong sa isang lamesa. Kinindatan ni Pancho ang mahiwagang lampaso. "Let's party, Tsong!" sigaw ni Pancho. Pinindot niya ang kaniyang cellphone at biglang tumugtog ang musika.

Agad na umalingaw-ngaw ang masayang tugtugin sa loob ng nasabing istudyo. Tumayo si Pancho sa gitna at nagsimulang kumumpas na animoy isang kundoktor ng malaking orkestra. Kumukumpas, gumigiling at kumekendeng si Pancho sa saliw ng tugtugin ng masayang musika. Habang ang mahiwagang lampaso naman ay sumusunod sa lahat ng kumpas ng mga kamay ni Pancho. Lahat ng madaanan at madampian ng mahiwagang lampaso ay nagiging malinis at makintab. Halos mabalot ng mga ginintuang alikabok ang buong palagid na nanggagaling sa mahiwagang lampaso.

Biglang tumigil sa pagkumpas ng kamay si Pancho at agad na kinuha ang mahiwagang lampaso. Sumakay si Pancho sa tangkay nito. Tinapik ni Pancho ang mahiwagang lampaso. Agad silang lumipad patungo sa mga naglalakihang ilaw ng lente sa itaas ng kisame at masayang nililinis ni Pancho ang mga ito. Tuwang-tuwa si Pancho habang inililipad ng mahiwagang lampaso.

"Tsong, paano ko kaya magagawa ang lahat ng ito kung wala ka? Ikaw ang hulog ng langit sa akin!" nakangiting sabi ni Pancho na paindak-indak pa habang nakasakay sa tangkay ng mahiwagang lampaso. Nang biglang mayroong kumakatok sa pinto.

"Ay naku, Tsong! Baka si Baste na 'yun?" sabi ni Pancho.

Agad na muling tinapik ni Pancho ang mahiwagang lampaso at nagmamadali silang bumaba sa sahig. Isinandal ni Pancho ang mahiwagang lampaso sa dingding at agad niyang binuksan ang pinto.

"Uy, Baste! Nandiyan ka na pala?" natatarantang sabi ni Pancho.

"O, bakit para kang nakakita ng multo diyan?" nagtatakang tanong ni Baste. "O, heto na 'yung panglinis ko. Tara na let's go! Maglinis na tayo! Go! Go! Go! Let's go!" nagmamadaling sabi ni Baste habang pasayaw-sayaw pa.

"Ah eh, s-sige! L-let's g-go?!" nangingiwing sabi ni Pancho.

Nang makapasok si Baste sa loob ng istudyo. Bigla niyang kinusot ang kaniyang mata. "Wow!" gulat na gulat na sabi ni Baste. "Nananaginip ba ako? Tutoo ba itong nakikita ko?" namamanghang sabi ni Baste kay Pancho. "Kung nananaginip ako 'tol! Pakigising mo naman ako, bilis!?" natatarantang sabi ni Baste.

Bigla namang kinuha ni Pancho ang timba na may lamang tubig at agad niyang ibinuhos kay Baste.

"Ay! Ano ba 'yan? Whew! Grabe ang lamig! Grrr!" gulat na gulat na sabi ni Baste. "Ano ka ba 'tol? Bakit mo ako binuhusan ng tubig?" naiinis na tanong ni Baste.

Biglang natawa si Pancho. "Eh, ikaw 'tong may sabi na gisingin kita sa iyong panaginip. Kaya nang makita ko 'yang timba mong may tubig, iyan ang ibinuhos ko sa iyo para magising ka?" halos sumakit ang tiyan ni Pancho sa kakatawa.

"Uy! Hindi pala ako nananaginip, ano?" natutulirong sabi ni Baste.

"Oo naman!" sabi ni Pancho.

"Eh, ano itong nakikita ko? Bakit sobrang linis na ng buong istudyo?" nagtatakang tanong ni Baste.

" Ah eh, 'tol! P-puwede bang sikreto muna? Mahirap kasing ipaliwanag. Ayoko namang magsinungaling sa iyo pero huwag kang mag-alala pagdating ng tamang panahon, sasabihin ko rin naman sa iyo ang sikreto ko! Pangako!" napapangiwing sabi ni Pancho kay Baste habang napapakamot ng ulo.

At Agad na nilampaso ni Pancho ang sahig na may lusak ng tubig. Biglang iniba ni Pancho ang usapan nila ni Baste.

"Uy 'tol! Halika! Magpahangin muna tayo sa tuktok ng gusali at doon ka na rin magpatuyo ng nabasa mong damit!" sabi ni Pancho habang isinandal ang kaniyang lampaso sa dingding.

"Oo nga, mabuti pa! Kailangan ko kasing matuyo agad ang damit ko baka masita pa ako ni Mam Olivia niyan!" sabi ni Baste habang pinupusan ang kaniyang basang mukha.

Lumabas na ng pinto si Baste. Samantala, nagpaalam muna si Pancho sa kaniyang mahiwagang lampaso. "Tsong, ikaw na munang bahala dito, diyan ka lang, ha?" biglang gumawayway ang mahiwagang lampaso.

Nang makaakyat na ang magkaibigan sa tuktok ng gusali, nagkukumahog namang pumasok sina Robert at Rene sa loob ng istudyo. Nanlilisik ang mga mata ni Robert. "Ngayon Pancho at Baste! Hindi ko na kayo papopormahin pa!" biglang nabalot ng mga halakhakan nina Robert at Rene ang buong paligid ng istudyo.

End of Chapter 24

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 redvelvetpencil

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  



Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon