EPILOGUE

373 16 7
                                    

Pagkalipas ng apat na buwan.

Naging maayos na ang buhay ni Pancho.

Kinuha ng Movie Stars Company si aling Gina bilang, 'In-house Couturier' kapalit nang nag-resign na si Lady Finger. Maraming humanga sa angking galing ni Aling Gina sa pagtatahi na ibat-ibang klaseng costume at mga engrandeng gown. Nakapaglakad na muli si Jessa sa tulong ng salamangka ng mahiwagang lampaso.

" Inay, nakatutuwa naman po ang mga nangyari sa atin. Sa isang iglap ay nagbago ang ating kapalaran." Nagagalak na pahayag ni Jessa  kay aling Gina na busy sa pananahi.

Biglang napalingon si aling Gina at napatigil sa pananahi. " Jessa, pagkakatandaan mo. Ang taong madasalin at laging nagpapasalamat sa Poong May Kapal ay siyang laging binibiyayaan ng walang katapusang grasya at gabay. Kaya Jessa, huwag tayong magbabago ng ugali. Lagi tayong magpapasalamat sa Poong May kapal at mahalin natin ang ating kapwa." Nangingiting pangaral ni aling Gina.

" Opo, Inay." Nakangiting sabi ni Jessa at saka niyakap ng sobrang higpit ang kanyang mahal na inay.

***

Samantala, naging mapalad din si Baste. Na promote si Baste bilang bagong head ng Janitor ng Movie stars Company. Binago nya ang bulok na patakaran at sistema ng dating head ng Janitor na si Robert. Naging masaya ang mga kapwa janitor ni Baste sa maayos at maganda niyang pamamalakad. Nagkaroon ang bawat janitor ng tig-isang oras na lunch break and 15 minutes break.

***

Samantala habang bigo naman si Robert sa pangliligaw kay mam Olivia sa kabila ng pangungulit at pagiging masigasig nito. Lingid sa kaalaman ni Robert, mayroon palang pagtingin si mam Olivia sa alalay nitong si Rene. Na-in love si mam Olivia kay Rene nung gabi ng parangal kung saan ang pustiso nito ay napunta sa wine glass ni Robert. Natuwa at nahumaling si mam Olivia sa nakatutuwa at very candid nitong kilos. Niligawan mismo ni mam Olivia si Rene at agad naman itong sinagot ni Rene. Kinasal sina mam Olivia at Rene sa isa sa pinakamalaki at pinakalumang simbahan sa karatig probinsiya.

Nagresign si Robert sa Movie Stars Company dahil sa hindi niya natanggap ang kanyang pagkakasawi sa pag-ibig ni mam Olivia. Naging tindero siya ng mga retasong basahan sa paradahan ng jeep at minsan ay taga linis ng napakapanghing toilet ng terminal ng jeep.


WAKAS.

*******************************************************************

AUTHOR'S NOTE:

Hanggang sa muli mga giliw kong mambabasa.

Survey lang po, Gusto nyo po bang magkaroon ng Book 2 si Pancho at ang mahiwagang lampaso?

Muli, salamat po sa pagbibigay ng inyong oras para basahin ang simpleng istory ni Pancho.

Hanggang sa muli.


WOW! ANOTHER AWARD FOR PANCHO!

SI PANCHO AT ANG MAHIWAGANG LAMPASO IS THE WINNER OF 2017 WATTPAD WOLD AWARDS FOR BEST IN ADVENTURE STORY.

CONGRATULATIONS PO SA ATING LAHAT, MGA GILIW KONG MAMBABASA.

MARAMING SALAMAT PO!

PAMASKONG HANDOG SA MGA GILIW KONG MAMBABASA AT TAGASUPORTA NI PANCHO.

Maraming salamat po sa walang sawang ninyong pagsuporta sa istorya ni Pancho.

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!

I LOVE YOU ALL GUYS! HANGGANG SA MULI!

_________________________________________________________________

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

© 2017 redvelvetpencil

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  




Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon