Samantala, sa kuwarto ng mga tagalinis halos umalingawngaw ang halakhakan ng buong paligid.
"Grabe talaga! Biruin ninyo naniwala naman sa akin 'yung dalawang baguhang tagalinis na mga iyon!" natatawang sabi ni Robert habang hawak-hawak ang tiyan dahil sa kaniyang walang tigil na halakhak.
"Bossing 'Bert, mukhang pinatikim mo agad 'yung dalawa ng bagsik mo, ha?" sabi ni Rene habang kaniyang sinasapo ang pustisong muntik-muntikan ng mahulog dahil sa walang humpay na pagtawa. Siya si Rene ang matapat na alalay ni Robert.
"Dito sa Marikit Produksyon! Ako ang hari ng mga tagalinis! Kung sino man ang lalabag sa aking mga alituntunin! Tiyak makakatikim sa akin!" nangingising pagyayabang na sabi ni Robert habang nakatayo sa ibabaw ng lamesa sabay na itinuturo ang kaniyang sarili.
"Eh, bossing 'Bert! Paano kung 'yung dalawang yun, eh! Mayroon palang ibubugang galing?" sabi ni Rene.
Nagsimulang kumunot ang nuo ni Robert at nagpantig ang magkabilang tainga nito nang marinig ang sinabi ni Rene. Agad na tumalon pababa ng lamesa si Robert at dali-daling hinawakan ang kwelyo ng polo ni Rene.
"Ano ulit ang sinabi mo, Rene?" nanlilisik ang mga mata ni Robert at mistulang isang takure na umuusok sa galit.
"Ah eh, b-bossing. A-ang sabi ko, eh! K-kayo ang pinakamagaling sa lahat ng tagalinis dito," napalunok si Rene ng kaniyang laway. Pinagpawisan at nanginginig pa ang kaniyang dalawang tuhod. At biglang naihi sa kaniyang pantalon ng dahil sa takot.
Halos hindi mapigilan ng ibang tagalinis na matawa sa hitsura ni Rene. Nang biglang mayroong kumumatok sa pinto ng kuwarto. Nahinto ang usapan nila Robert at Rene. Binuksan ni Rene ang pinto.
"Magandang umaga po, Mam Olivia. Kayo po pala," pagbungad na bati ni Rene.
Hindi agad muna sumagot si Mam Olivia bagkus tiningnan mula ulo hanggang paa si Rene. "Rene, anong nangyari sa iyo? Bakit pawis-pawisan ka at basang-basa iyang suot mong pantalon?" nagtatakang tanong ni mam Olivia ngunit bago pa sumagot si Rene, agad na binati ni Robert si Mam Olivia.
"Mam Olivia, ang pinakamandang babae sa buong gusali na ito. Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo?" matamis na ngiting pagbati ni Robert na animoy isang maamong tao na hindi makabasag pinggan.
Biglang kumurap ang mga mata ni Mam Olivia nang marining ang mga pambobola ni Robert sa kaniya.
"Robert, ipinakikilala ko sa iyo sina Pancho at Baste. Sila ang mga bagong tagalinis," nakangiting sabi ni Mam Olivia kay Robert habang patuloy na kukurap-kurap ang mga mata nito.
"Mam, nasaan po sila?" nagtatakang tanong ni Robert.
Biglang lumingon sa kaniyang likuran si Mam Olivia at biglang nagtaka dahil wala sa kaniyang likuran sina Pancho at Baste.
Sumilip si Mam Olivia sa labas ng pinto. "Psst! Pancho at Baste! Puwede ba pumasok na kayo dito sa loob! Bilisan ninyo!" sigaw ni Mam Olivia habang nagsasalubong ang kaniyang dalawang kilay.
Agad na pumasok ang magkaibigan.
"Robert, ikaw na ang bahala sa kanila. Mayroon silang hindi magandang nagawa kanina pero napagsabihan ko na sila," sabi ni Mam Olivia kay Robert sa malambing na pananalita.
"Sige po mam, ako na pong bahala sa kanila," nagagalak na sagot ni Robert.
Nagpaalam na si Mam Olivia at iniwan na sina Pancho at Baste kay Robert.
Nagulat at nagkatiningan ang magkaibigan nang makita nila si Robert.
"Ikaw?!" sabay na tanong nina Pancho at Baste.
"Oo, ako nga mga bro!" nangigiting sabi ni Robert na para bang walang nangyari.
"Ako pala si Robert. Ang pinuno ng mga tagalinis sa gusaling ito!" pagmamalaking sabi ni Robert.
"Ako naman si Pancho at siya naman si Baste, ang matalik kong kaibigan," sagot naman ni Pancho na hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
"Pasenya na mga bro sa nangyari kanina. Ang pagkakarinig ko kasi, sa istudyo kayo pupunta," kalmadong sabi ni Robert na parang isang inosenteng bata na walang bahid ng dumi sa mukha.
"Ah eh, ganun ba? Ayos lang 'yun, bossing Robert," sagot naman ni Pancho.
"Anong okay lang?" naiinis na sabi ni Baste na may panghihinalang nararamdaman.
Kinalabit ni Pancho si Baste at sabay binulungan. "Baste, ayos lang yun...'di ba?" sabi ni Pancho na halos pumulupot na ang kaniyang dila sa kakabulong kay Baste.
"Ah eh, oo nga! Ayos lang yun!" nag-aalangang sagot ni Baste.
"Paano iyan mga bro?! Ayos na kayo, ha?" nangigiting sabi ni Robert at isa-isang ipinakilala kina Pancho at Baste ang iba pang mga kasamahang tagalinis.
"Basta Pancho at Baste kapag niloko kayo ng mga kolokoy na iyan. Isumbong niyo lang sa akin," nangingiting sabi ni Robert sa magkaibigan habang nakaturo ang kaniyang hinlalaking daliri sa mga tagalinis.
Biglang inakbayan ni Robert ang magkaibigan. "'Tingnan natin ang tibay ninyong dalawa," bulong ni Robert sa kaniyang sarili at sabay na ngumingisi na parang aso.
End of Chapter 5
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...