KABANATA 32

598 20 4
                                    

Tawa ng tawa si Baste kina Robert at Rene. "Hahaha! Ano kayang nangyari doon sa mag-among iyon!" Biro ni Baste na halos kabagan ang tiyan sa kakatawa.

Nang matapos maglampaso si Baste sa pasilyo, nagmamadali na itong naglakad pabalik sa kuwarto ng mga tagalinis. Nang mapadaan sa harap ng pinto ng bulwagan, nakarinig si Baste ang mga kaluskos sa loob. Biglang nagtaka si Baste at napapakamot pa ng ulo.

"Si Pancho talaga, o! Akala ko ba may lakad siya?" nagtatakang tanong ni Baste sa kaniyang sarili.

Dahan-dahang binuksan ni Baste ang pinto ng bulwagan upang gulatin sana si Pancho. Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Siya ang nagulat sa nakita niya.

"Ngii! Lumilipad 'yung lampaso ni Pancho!" napasigaw na sabi ni Baste habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

Nakita ni Baste na kusang gumagalaw at lumilipad ang mahiwagang lampaso habang naglilinis ito sa loob ng bulwagan. Biglang napatigil sa paglilinis ang mahiwagang lampaso nang mabisto ito ni Baste at tuluyang bumagsak sa sahig.

"P-Pancho! L-lumabas ka na diyan. A-alam ko n-nandito ka lang! Huwag ka nang m-magbiro!" nauutal na sabi ni Baste. Agad na sinilip ni Baste ang ilalim ng mga lamesa ngunit wala si Pancho doon. Pumunta si Baste sa loob ng banyo ngunit wala pa rin doon si Pancho.

Nagtatakang nilibot ni Baste at hinalughog ang buong bulwagan ngunit bigo pa rin niyang mahanap si Pancho. Hanggang sa napagod na si Baste at napaupo na lang sa sahig.

"Hindi kaya talagang wala dito si Pancho? Pero kung wala siya dito, eh! Bakit kaya nandito ang kaniyang lampaso at gumagalaw pa? Hindi kaya ito 'yung sinasabi niyang sikreto sa akin? Kaya pala napakabilis at napakahusay niyang maglinis dito sa Marikit Produksyon. Aha! Mayroon pala siyang mahiwagang Lampaso!" nagtataka at aligagang tanong ni Baste sa kaniyang sarili habang napapakunot pa ito ng kaniyang nuo. Biglang napatingin si Baste sa mahiwagang lampaso na nasa sahig na kumikinag-kinang pa.

* * * *

Nang makarating ang kotse ni Claire sa bahay nina Pancho.

"Pancho! Dito pala kayo nakatira!" tanong Claire habang dinudungaw niya ang bahay ni Pancho sa bintana ng kotse.

"Oo, Claire! pasensya ka na sa aming bahay na barong-barong," malumanay na sabi ni Pancho.

"Ano na? Tara! Sorpresahin na natin ang kapatid mo!" nagagalak na sabi ni Claire.

"Claire, ayos lang ba sa iyo na pumasok sa loob ng bahay namin?" nag-aalalang tanong ni Pancho.

"Oo naman, Pancho! Hindi mo ba alam na bago pa ako maging sikat na artista? Dati rin naman akong mahirap katulad mo, Pancho. At nagsikap ako upang matupad ko ang aking pangarap na maging isang artista. Sinamahan ko ito ng mga dasal at determinasyon! Kaya, heto na ako ngayon!" nangingiting sabi ni Claire.

"Uy! Pancho. Hindi mo ba kami papasasukin sa loob ng bahay ninyo?" nasasabik na tanong naman ni Yda.

"Ah eh, sige na nga p-pero pagpasensyahan ninyo na lang! Maliit lang talaga ang bahay namin," napapahiyang sabi ni Pancho.

"Pancho, ayos lang! Walang problema sa iyan amin! Ah eh, mang Bobby pakibaba na po 'yung mga pinamili natin!" nagmamadaling utos ni Claire sa personal drayber niya.

"Opo, Mam Claire!" magalang namang sagot ni mang Bobby.

Bumaba na sina Claire at Yda sa kotse. Inalalayan ni Pancho sina Claire at Yda sa pagbaba.

Parang nakuryente ang mga kamay ni Pancho ng mahawakan niya ang malambot at maputing kamay ni Claire. Kilig na kilig si Pancho na para bang nasa alapaap ng mga sandaling iyon. Muli na namang nahibang si Pancho at hindi magkamayaw sa paghawak ng kamay ni Claire. Bigla na naman silang nagkatitigang dalawa at ang kanilang mga kamay ay para bang hindi na mapaghihiwalay pa. Napansin ni Yda na parehong nahihibang sa isa't-isa sina Pancho at Claire. Agad niyang tinapik si Pancho sa braso nito.

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon