Nagmamadaling umuwi si Pancho sa kanilang bahay.
"'Nay! 'Nay! 'Nay!" nagmamadaling sigaw ni Pancho sa harap ng kanilang barong-barong na bahay.
Biglang sumilip si aling Gina sa bintana. "O, anak! Bakit mayroon bang nangyaring masama sa iyo?" nag-aalalang tanong ni aling Gina kay Pancho. Pagkasilip ni aling Gina sa bintana. Nagmamadali siyang sinalubong ni Pancho sa pintuan at saka nagmano sa kaniya.
"Nako anak! Anong nangyari sa iyo?" biglang bumuhos ang mga luha ni aling Gina.
Napansin si Jessa na umiiyak ang kaniyang ina kaya naman nagmamadali niyang pinaikot ang tablang de gulong na kaniyang sinasakyan at pumunta papalapit kay aling Gina. "Inay! Ano pong nangyari?" halos lumuwa na rin ang mga mata ni Jessa sa kakaiyak.
Gulat na gulat naman si Pancho. "Inay at Jessa, bakit po kayo mga nag-iiyakan diyan?" natutulirong tanong ni Pancho habang napapakamot pa ng ulo.
"Anak, magtapat ka! Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ni aling Gina habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Inay! Wala naman pong nangyaring masama sa akin?" nagtatakang sabi ni Pancho.
Biglang tumigil ang pagpatak ng mga luha ni aling Gina. "Ayun naman pala anak, eh! Wala naman palang nangyari sa iyong masama!" naiinis na sabi ni aling Gina.
"Eh, inay naman po! Sobra naman po kasi ang reaksyon ninyo ni Jessa," paliwanag ni Pancho.
"Hay, naku Pancho! Eh, paano naman kasi kung maka-inay ka diyan para bang may masamang nangyari sa iyo!" naiinis na sabi ni aling Gina. "Eh, bakit ka ba nagkukumahog na tawagin ako sa labas ng bahay? Ano bang nangyari sa iyo talaga?" nagtatakang sabi ni aling Gina.
"Si Yda po! Humihingi po siya ng pabor sa akin. Kung maaari niyo raw po na ayusin ang nasirang kasuutan ni Claire na gagamitin sa fantaserye?" nagagalak na sabi ni Pancho habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Nagmamadaling kinuha ni Pancho ang dala-dala niyang kahon. Agad niya itong binuksan at saka kinuha ang laman ng kahon. Ipinakita ni Pancho ang kasuutan sa kaniyang inay.
"Uy Pancho! Mukhang mamahalin ang kasuutan na iyan. Sa uri palang ng tela at mga batong nakakabit diyan, eh! Mukhang prinsesa lang ang nagsusuot niyan!" namamanghang sabi ni aling Gina.
"Eh, inay kaya niyo po bang ayusin ang likuran ng siper nitong kasuutan ni Claire?" nangingiting tanong ni Pancho.
Agad na kinuha ni aling Gina ang kasuutan at saka niya ito kinilatis. "Mukhang kaya ko namang ayusin ito. Kaya lang Pancho unang beses ko palang magtatahi ng ganitong klaseng tela pero sige! Susubakan ko!" malumanay na sabi ni aling Gina.
"Wow! Talaga inay?! Salamat po! Sabi ko na nga ba hindi niyo po ako ipapahiya kay Yda at Claire!" tuwang-tuwa na sabi ni Pancho at sabay na niyakap ang kaniyang inay.
Biglang kinalabit ni Jessa si Pancho. "Kuya Pancho, eh! Paano naman ako? Ako kaya ang magaling na alalay ni inay sa pananahi," nangingiting sabi ni Jessa.
"Aba! Siyempre naman Jessa! Kasama ka sa aking pinasasalamatan!" nangingiting sabi ni Pancho habang niyakap din niya ang kaniyang bunsong kapatid.
End of Chapter 27
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...