KABANATA 37

479 18 6
                                    

Nang makarating na ang dyip na sinasakyan nina Pancho at Baste sa hantungan ng kanilang bayan, masayang naglakad pauwi ang magkaibigan. Halos hindi na maialis sa kanilang mukha ang mga ngiti nilang abot hanggang tainga.

"Woohoo! Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo!" nagagalak na sabi ni Pancho.

"Uy 'Tol! Anong akala mo? Ikaw lang ba? Siyempre ako rin 'no? Tayong dalawa ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Biruin mo, konsorte tayo sa gabi ng parangal ng dalawang dilag na ating pinakamamahal! Daig pa natin kaya ang nanalo sa lotto niyan!" pagmamalaking sabi ni Baste.

"Oo nga, Baste! Napakasuwerte nga talaga natin!" nangingiting sabi ni Pancho habang nakaakbay pa sa balikat ni Baste.

Nang makarating na sila sa tapat ng bahay ni Pancho, agad namang nagpaalam si Baste. "'Tol, kitakits na lang tayo bukas!" nakangiting sabi ni Baste kay Pancho.

"Sige 'tol! Ingat ka!" paalala ni Pancho kay Baste.

Pumasok na si Pancho sa kanilang bakuran at nasasabik na tinawag ang kaniyang inay. "Inay! Inay!" sigaw ni Pancho. Nagmamadali namang dumungaw ng bintana si aling Gina. "O! Ano na naman 'yan Pancho? Ikaw talaga, sa tuwing tinatawag mo ako sa labas, parang kinakabog palagi ang dibdib ko!" naiinis na sabi ni aling Gina.

Naghuhumangos na pumasok si Pancho sa loob ng kanilang bahay. "Inay! Mano po," natatarantang sabi ni Pancho.

"Sige anak! Kaawahan ka ng Panginon!" tugon naman ni aling Gina pagkatapos magmano ni Pancho sa kaniya.

"Inay! Ano po pala?" sabik na sabik na sabi ni Pancho.

"Uy! Bakit ka nga humahangos diyan? Hinahabol ka ba ng mga lasenggo sa kanto?" nagtatakang tanong ni aling Gina habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Hindi po inay. May maganda po akong ibabalita sa inyo!" nasasabik na sabi ni Pacho.

"Anong magandang balita? May promosyon ka na trabaho mo?" natutulirong tanong ni aling Gina habang napapakamot ng kaniyang ulo na puno ng mga uban.

"Naku po inay! Mas maganda pa po sa iniisip niyo! Nominado po ako bilang pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon!" nasasabik na napasigaw si Pancho sa kaniyang inay.

"Wow! Talaga?! Iyan ang anak ko! Pogi na, eh! Magaling pa!" natutuwang sabi ni aling Gina at saka napaakbay sa kaniyang anak na si Pancho.

"Kuya Pancho! Tutoo po ba? Wow! Ang galing mo naman po!" nakangiting sabi ni Jessa habang iniikot niya ang gulong ng kaniyang wheelchair patungo sa kaniyang kuya.

"Oo, Jessa! Tama ang narinig mo!" nakangiting sabi ni Pancho. "Sigurado po ako kuya Pancho na kayo ang mananalo sa gabi ng parangal, eh! Sa pogi, sipag, at galing mo ba naman kuya Pancho, halos na sa iyo na ang lahat ng katangian ng pagiging pinakamagaling at pinakamasipag na tagalinis!" papuri ni Jessa na may kasamang palakpak pa.

"Hahaha! Ikaw Jessa, kapatid nga talaga kita! Bilib na bilib ka sa akin!" nangingiting sabi ni Pancho habang hinihimas ang ulo ni Jessa.

Biglang napalingon si Pancho sa kaniyang inay nang makita ang mga retasong tela nakapatong sa ibabaw ng makinang panahian. "Inay, may ipagtatapat po pala ako sa inyo. Naalala niyo po ba ang lampasong regalo niyo po sa akin nung kaarawan ko?" hindi mapakaling sabi ni Pancho.

"Oo, anak! Ano ba iyon?" nagtatakang tanong ni aling Gina habang sinusuklayan ng buhok si Jessa.

"I-inay, napakahiwaga po pala ng lampaso ko. Tinutulungan niya po ako sa lahat ng aking paglilinis. Para ba itong may sariling buhay at isip. Nakakalipad at gumagalaw pa po!" nasasabik na sabi ni Pancho sa kaniyang inay.

"Oo, anak! Alam kong mahiwaga iyang lampasong iniregalo ko sa iyo. Kung naalala mo pa? Eh, sabi ng matandang babae na nagbigay sa akin ng mga retaso, iyan daw ang magpagbibigay sa atin ng kaginhawan sa buhay," malumanay na paliwanag ni aling Gina kay Pancho, "Malamang ito na nga ang pinakahihintay nating simula ng pagbabago ng ating kapalaran, ang manalo ka bilang pinakamagaling na tagalinis ng Marikit Produksyon!"

"Sana nga po inay, magdilang anghel po kayo. Hindi po ako nakakalimot magdasal sa ating Panginoon gabi-gabi para sa ikakabuti ng ating buhay. Kasama po kayo palagi ni Jessa sa aking mga dasal," nagagalak na sabi ni Pancho.

* * * *

Samantala, sa bahay ni Claire. Nasasabik siya sa paghahanap na maisusuot sa kaniyang aparador para sa gabi ng parangal.

"Yda, tulungan mo nga ako kung anong magandang bestida ang dapat kong isuot sa gabi ng parangal?" nababalisang tanong ni Claire kay Yda.

"Um... Claire, halos lahat na yata ng mga bestida mo dito sa aparador mo, eh! Naisuot mo na!" sabi ni Yda habang iniisa-isa ang mga nakasabit na bestida sa aparador.

"Ay! Oo nga Yda! Ayoko ko namang mag-ulit ng damit 'no?! Baka magsitaasan ang mga kilay ng mga showbiz reporter kapag nagkataon! Nakakaloka iyon!" nag-aalalang sabi ni Claire habang isinusukat ang isang mahabang bestida sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang aparador.

Nanlaki ang mga mata ni Yda nang makitang muli ang kasuutan ni Claire na pinaayos sa inay ni Pancho na nakasabit sa pinakadulo ng aparador. Biglang nangliwanag ang mukha niya. "Claire! May maganda akong naisip! Bakit hindi ka kaya magpatahi ng bestida sa inay ni Pancho para isusuot mo sa gabi ng parangal? 'Di ba pulidong manahi ang inay ni Pancho? Bakit kaya hindi mo subukan?" nagagalak na sabi ni Yda habang niyayakap niya ang kasuutang pinaayos sa inay ni Pancho.

"Wow! Ang galing mong mag-isip, Yda! Tama ka! Sigurado ako na ikaw ang mananalong pinakamagaling na alalay sa gabi ng parangal!" nagagalak na pahayag ni Claire. "Yda, pakikuha ang akong cellphone, bilis! Tatawagan ko na ngayon si Pancho!"

Nagmamadaling kinuha ni Yda ang cellphone ni Claire na nakapatong sa nakapalambot na kama ni Claire.

Nasasabik na tinawagan ni Claire si Pancho. Nang tumunog ang cellphone. "Hello Pancho, kamusta ka na? Miss na kita agad! " kinikilig na pagbati ni Claire. "Pancho, pabor naman! Baka puwedeng magpatahi ako ng bestida sa inay mo? Papayag kaya ang inay mo? nababalisang sabi ni Claire habang napapakagat pa ng labi.

Sa kabilang linya ng cellphone.

"Mabuti na man ako, Claire! Ako rin naman, hindi lang miss...miss na miss na miss na kita. Ayos lang Claire, sigurado ako papayag si inay sa pabor mo. Ako nang kakausap sa kaniya!" kinikilig na sabi ni Pancho habang nakangiting abot hanggang tainga.

End of Chapter 37

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    


Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon