Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang gabi ng parangal ng Marikit Produksyon. Kung saan ang buong tauhan at mga artista ay abalang-abala sa paghahanda.
Sa opisina ni Mam Olivia isinagawa ang pagtatagubilin isang oras bago magsimula ang gabi ng parangal. Kinausap ni Mam Olivia ang lahat ng mga opisyales ng Marikit Produksyon at muling sinuri ang pagkakasunod-sunod ng takbo ng programa. Dahan-dahang inayos ni Mam Olivia ang lahat ng mga sobre kung saan nakalakip ang opisyal ng mga resulta para sa mga parangal ng ibat-ibang kategorya. Maingat niyang inilagay ang lahat sobreng selyado sa isang bantay saradong kabinet. Biglang napabuntong hininga si Mam Olivia at sabay tumingin sa mga opisyales.
"Mga mahal kong kasamahan. Dumating na ang gabi ng parangal! Nawa'y maging matagumpay ang gabing ito!" nakangiting sabi ni Mam Olivia at saka nagpalakpakan ang lahat.
Samantala. Sa kuwartong bihisan ni Claire. Hindi mapakali si Claire dahil na rin sa sobrang kasabikan para sa gabi ng parangal. Habang si Yda naman ay panay ang kilatis sa asul na bestida ni Claire na nakasabit sa aparador. Pagtakapos ng ilang oras ng paghahanda ay sa wakas natapos din si Claire sa kaniyang paggagayak. Nang maisuot na ni Claire ang asul na bestida, nagmamadali siyang humarap sa malaking salamin.
"Yda! Napakaganda talagang manahi ng inay ni Pancho! Nagmukha akong prinsesa dito sa suot kong bestida!" natutuwang sabi ni Claire.
"Oo naman, Claire! At si Pancho naman ang iyong prinsipe! Hihihi! Pero pwera biro, Claire! Bagay na bagay nga talaga sa iyo iyang asul na bestida!" namamanghang sabi ni Yda.
"Yda! Teka, maghanda na tayo! Baka mamaya dumating na ang ating mga konsorte!" nagmamadaling sabi ni Claire.
Biglang may kumatok sa pinto at sabay na napalingon ang dalawa sa pintuan. Muling nagkatinginan sina Claire at Yda. "Oh My Gosh! Hay! Nandiyan na sila!" nasasabik na sabi ng dalawa na animoy kinikilig na mga pusa.
Nagmamadaling pumunta sina Claire at Yda sa pinto. "Yda, hayaan mong ako na ang magbukas ng pinto! Moment ko ito! Hihihi!" kinikilig na sabi ni Claire habang binubuksan ang pinto.
Nang buksan ni Claire ang pinto. Nagkatinginan silang dalawa ni Pancho na para bang may tumalamsik na kwitis sa kanilang paligid. Biglang napaatras si Pancho at tiningnan mula ulo hanggang pa si Claire.
"Wow! C-Claire, tutoo nga ang tsismis! Ikaw nga ang tunay na diyosa ng kangandahan! Grabe! Napakaganda mo talaga, Claire!" napanganga si Pancho at kulang na lang ay sumayad ang kaniyang panga sa sahig dahil sa sobrang pagkamangha. Nagmamadaling pinapasok ni Claire si Pancho sa loob ng kuwarto.
"Pancho, napakaguwapo mo diyan sa suot mong barong tagalog! Bagay na bagay sa iyo!" tuwang-tuwang sabi ni Claire.
"Claire, salamat! Siyanga pala, para sa iyo," nakangiting sabi ni Pancho habang inaabot ang isang palumpon ng mga bulaklak ng katuray. Biglang napatingin si Claire sa hawak na mga bulaklak ni Pancho. "Aww! Sa akin ba iyan, Pancho? Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong klaseng bulaklak. Salamat, ha?!" nagagalak na sabi ni Claire at sabay na inamoy ang mga bulaklak. Muli silang nagkatitigan na para bang may kupido na napadaan na naman at pinana ang kanilang mga pusong titibok-tibok.
"Ehem! Ayan na naman tayo! Nandito kami! Hello! Hi! Tao po! May tao po ba?" papansin na sabi nina Yda at Baste. Natawa na lang sina Yda at Baste nang mapatingin sa kanila sina Pancho At Claire. Biglang napaatras si Pancho kay Claire na tila napapahiya pa. Namula ang pisngi ni Pancho at sabay na napakamot ng ulo. Natawa rin si Claire na tila napapahiya rin.
"Hoy! Tama na iyan Pancho! Baka langgamin na kayo ni Claire sa sobrang ka-sweetan ninyo, ha?! Hihihi!" biro pa ni Yda sa dalawa.
Biglang napatingin si Baste sa kaniyang relo. "Hali na kayo sa bulwagan at baka nagsisimula na ang gabi ng parangal!" nagmamadaling sabi naman ni Baste.
"Oo nga, baka mahuli pa tayo at magalit pa sa atin si Mam Olivia!" nakangiting paalala ni Yda at saka niya hinablot ang braso ni Baste.
Dahan-dahang muling lumapit si Pancho kay Claire. "Claire, puwede na ba kitang alalayan patungo sa bulwagan?" nakangiting tanong ni Pancho habang inaabot niya ang kaniyang kamay kay Claire. Dahan-dahang lumapit si Claire at inabot ang kamay ni Pancho. "Oo, Pancho," kinikilig na sabi ni Claire at saka napangiti. Marahang hinawakan ni Pancho ang kamay ni Claire. Yumuko siya at saka hinalikan ang malambot na kamay ni Claire. Ipinatong ni Pancho sa kaniyang malaking braso ang kamay ni Claire at saka sinabing, "Claire, hali ka na---"
End of Chapter 44
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
No to Plagiarism!
Everybody have their own unique idea and imagination. There is no room for plagiarism.
PLAGIARISM IS A CRIME!
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...