KABANATA 50

528 19 17
                                    

Nang makalabas na ng bulwagan sina Pancho at Claire. "Pancho, saan mo ba ako dadalhin?" nagtatakang tanong ni Claire.

Biglang napangiti si Pancho at sabay na kinindatan si Claire. "Doon sa itaas," sabay turo sa hagdanan patungo sa tuktok ng gusali. Muling hinawakan ni Pancho ang kamay ni Claire at sabay silang nasasabik na tumungo sa hagdanan.

Nang makarating sila sa tuktok ng gusali, nagtatakang pinagmasmasdan ni Claire ang madilim na paligid. "Pancho, anong ginagawa natin dito? Nakakatakot naman, medyo madilim dito!" nagtatakang tanong ni Claire at biglang nakaramdam ng konting kaba.

"Claire, ipikit mo lang ang iyong mga mata," nasasabik na sabi ni Pancho.

"Ha? Bakit? Anong ganap? Kinakabahan na ako, Pancho!" natatakot na tanong ni Claire habang napapahawak sa kaniyang dibdib. "Pancho, hindi na ako kumportable dito! Sige na! Umalis na tayo dito!" nababalisang sabi ni Claire at saka napahawak sa kamay ni Pancho.

"Claire, basta magtiwala ka lang sa akin. Walang masamang mangyayari sa iyo dito," nakangiting sabi ni Pancho at marahang ipinikit ng kaniyang kamay ang mga mata ni Claire.

"S-sige, may tiwala ako sa iyo, Pancho!" nag-aalalang pahayag ni Claire habang napapahimas sa kaniyang dibdib at ang isang kamay naman niya ay nanginginig na hawak-hawak ang kamay ni Pancho.

Habang nakapikit si Claire biglang sumipol si Pancho para tawagin ang mahiwagang lampaso. Biglang nagpakita ang mahiwagang lampaso mula sa kawalan at lumipad papalapit kay Pancho.

"Tsong, alam mo na ang iyong gagawin, ha? Huwag mo akong ipapahiya kay Claire!" nasasabik na sabi ni Pancho sa mahiwagang lampaso at saka niya ito kinindatan.

Biglang nagpaikot-ikot sa ere ang mahiwagang lampaso at saka mabilis na lumipad. Habang lumilipad ang lampaso, nagbubuga ito ng mga kumukislap na mga butil ng alikabok. Nagmistulang bumaba ang mga nagniningning na bituin mula sa kalangitan. Naging maliwanag ang buong paligid at biglang nagkaroon ng isang nakakamanghang mahiwagang bukal sa ibabaw ng gusali. Lumutang ang mga kumikislap na mga butil ng alikabok sa paligid.

"Claire, pagbilang ko ng tatlo, puwede mo nang imulat ang iyong mga mata. Handa ka na ba? Isa...dalawa...tatlo!" nagagalak na sabi ni Pancho at saka muling hinawakan ang malambot na kamay ni Claire.

Namangha at napanganga si Claire nang inimulat niya ang kaniyang mga mata. "Pancho! Wow! Katakataka! Para ba sa akin ang mga ito?" hindi magkamayaw si Claire sa kaniyang natatanaw.

"Surprise! Oo, Claire! Para sa iyo ang lahat na mga iyan!" nagagalak na sabi ni Pancho habang itinuturo ng kaniyang mga kamay ang mga kumikislap ng mga butil ng alikabok sa paligid.

"Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala! Ito ba ay isang panaginiip?" nasasabik na sabi ni Claire habang nanlalaki ang mga mata niyang pinagmamasadan ang buong paligid.

Nagmamadaling lumapit si Claire sa nakakamanghang mahiwagang bukal. Hinawakan niya ang mga kumikislap na butil na animoy tubig na dumadaloy sa bukal. Tuwang-tuwa si Claire. Hindi siya makapaniwala sa mga nakakamanghang nagniningning na mga butil ng alikabok sa kaniyang paligid na para bang mga alitaptap sa bukid.

Nilapitan ni Pancho si Claire. "Claire, nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa iyo?" nakangiting pahayag ni Pancho.

"Oo, Pancho! Ito na ang pinakamasayang gabi na magkasama tayong dalawa!" nagagalak na sabi ni Claire at saka biglang napayakap kay Pancho. "Pancho, paano mo nagawa ang mga ito? Abot kamay na natin ang mga bituin! Maraming salamat sa iyo sapagkat pinaligaya mo ako ngayong gabi!" dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Claire, ang mga luha ng kaligayahan.

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon