Opisyal nang nagsimula ang gabi ng parangal ng Marikit Produksyon. Bumukas na ang mga ilaw ng lente at nagliwanag na ang entablado. Tumugtog na ang orkestra at isa-isang naglabasan ang mga punong abala at pati na rin si Mam Olivia. Palakpakan ang lahat ng mga manunood.
Sa harap ng entablado. Masayang nagsasalita si Mam Olivia na nakasuot ng isang magarbong pulang bestida at ang buhok nito ay nakapusod na animoy kandidata ng isang paligsahan ng kagandahan. "Ako ay nagagalak na makita kayong muli ngayon gabi ng parangalan. Halina't ating ipagdiwang ang gabing kumikinang!" nagagalak na panimulang pagbati ni Mam Olivia at bigla muling nagsipalakpakan ang mga manunood.
Pinakilala na ng punong abala ang unang artistang magtatanghal ng parangal. Unang itatanghal ay ang parangal para sa pinakamagaling na alalay. Nanginginig si Yda at hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Biglang pinisil ni Yda ang kamay ni Baste.
"Baste, h-heto na, kinakabahan na ako. Hay nako po! Baste, kakayanin ko ba ito?" nababalisang sabi ni Yda kay Baste.
Biglang inakbayan ni Baste si Yda para pakalmahin ito. "Yda, huwag kang kabahan. Naniniwala ako sa iyo na ikaw ang magwawagi. Basta kumalma ka lang," nakangiting sabi ni Baste habang patuloy na pinakakalma ang ninenerbiyos na si Yda.
Biglang lumingon si Yda kay Claire. "C-Claire, heto na! Para akong hihimatayin. Ano ba ito? Ngii!" nababalisang sabi ni Yda na tila pinagpapawisan pa ng malamig.
"Yda, huminahon ka! Manalo-matalo, para sa akin ikaw pa rin ang aking pinakamagaling na alalay," malumanay na sabi ni Claire sabay pisil sa nagpapawis at nanlalamig na kamay ni Yda.
Binasa na ng tagapagtanghal ang hawak nitong sobre kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga nominado. Nang mabasa na ang pangalan ng lahat ng mga nominado. Hihirangin na ang nagwagi.
"Heto na! Ang pinakaaabangan ng lahat! Ang nagwagi sa gabing ito bilang pinakamagaling na alalay ng Marikit Produksyon ay si....Yda!" sabi ng tagapagtanghal at biglang nagpalakpakan ang mga tao.
"Nako po! Baste, panalo ako!" gulat na gulat na sabi ni Yda at saka biglang napayakap kay Baste.
"Congrats! Yda!" nagagalak na sabi ni Claire.
Nagmamadaling umakyat si Yda sa entablado habang inaalalayan ni Baste. Nanginginig na tinanggap ni Yda ang kaniyang tropeo. Garalgal na nagpasalamat si Yda sa mga bumubuo ng gabi ng parangal at pati na rin kay Claire.
"Nako po! Ah eh, hindi po ako makapagsalita! Um, h-hindi ko po ito makakamit kung wala ang aking pinakamamahal na amo na si Binibining Claire! Palakpakan po rin natin siya! Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng gabi ng parangal!" nagagalak na sabi ni Yda habang tumutulo ang kaniyang mga luha ng kaligayahan.
Patuloy ang pagbuhos ng mga parangal sa ibat-ibang kategorya. Marami pang nakatanggap at pinaligaya ng pinakaaasam na tropeo ng Marikit Produksyon.
Ipinakilala ng punong abala ang sikat na sayaw na pangkat para sa isang espesyal na sayaw. Habang ang lahat ay naaliw at napapaindak sa pagsasayaw ng sikat na sayaw na pangkat, mayroon namang biglang lumapit na babaeng tagapagsilbi ng bulwagan kina Pancho at Claire. Biglang nagpaalam si Claire kay Pancho.
"Pancho, saglit lang. Pupunta lang ako sa likod ng entablado," pabulong na sabi ni Claire kay Pancho.
"Claire, bakit? Sasamahan na kita!" nagtatakang sabi ni Pancho habang hawak-hawak ang malambot na kamay ni Claire.
"Pancho, huwag na. Dumito ka na lang sa upuan, kasama nina Yda at Baste. Huwag kang mag-alala. Babalik ako kaagad," pabulong na sabi ni Claire kay Pancho.
Habang naglalakad si Claire patungo sa likod ng entablado, hindi ma-ialis ang nag-aalalang tingin ni Pancho kay Claire. Pagkatapos sumayaw ng sikat na sayaw na pangkat. Agad na muling nagsalita sa harapan ng entablado ang punong abala ng gabi ng parangal upang ipakilala ang susunod na magtatanghal.
"Mga kababaihan at mga ginoo! Ikinagagalak kong ipinakikilala sa inyo ang nag-iisang diyosa ng kagandahan! Ang kasalukuyang prinsesa ng mga pelikula, ang bituin ng gabi at sinta ng karamihan! Walang iba kundi ang nag-iisang si......Claire!" nagagalak na pagpapakilala ng punong abala at saka muling umalingawngaw ang palakpakan ng mga manunood.
Biglang nagliwanag ang gitna ng entablado at tumambad sa mga manunood ang napakagandang si Claire. Halos masilaw ang lahat dahil sa malabanos na kutis ni Claire at sa suot niyang bestidang asul na talaga namang nagniningning lalo na't natatamaan ng mga ilaw ng lente. Nagsimulang tumugtog ang nakakabighaning musika at bago pa magsimulang umawit si Claire, tumingin muna siya sa 'di kalayuan kung saan nandoon si Pancho at sabay sinabi ang, "Mahal kita, Pancho! Para sa iyo ito..." kinikilig na sabi ni Claire at saka nagpalipad ng halik para kay Pancho.
Gulat na gulat si Pancho sa kaniyang nasusulyapan. Namamamangha at hindi magkamayaw sa pagsalo sa pinalipad na halik ni Claire. Nagsimula nang umawit si Claire at ang lahat ay nabighani sa magandang tinig niya. Ang iba ay nagulat pa dahil hindi nila akalain na bukod sa mayroong magandang mukha si Claire, ay mayroon din pa lang magandang tinig sa pag-awit.
Hindi magkamayaw si Pancho sa kaniyang kinauupuan. Halos lumutang na ang kaniyang pakiramdam dahil sa pinaghalong saya at kilig na bumabalot sa puso niyang pumapag-ibig. Titig na titig si Pancho kay Claire habang ito ay umaawit. Ni hindi mo makikitang kumukurap ang mga matang nangungusap ni Pancho.
"Claire, ang aking sinisinta! Ang aking bituin sa lupa..." nahihibang na sabi ni Pancho. Dahil dito, mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ni Pancho kay Claire. Una rin niyang marinig na umawit si Claire kaya naman siya ay lubos na namamangha.
Pagkatapos umawit ni Claire. Muling nagsipalakpakan ang mga taong manunood. Tuwang-tuwa si Pancho habang pumapalakpak na may kasamang sipol pa. Napansin ni Pancho na akmang baba na si Claire sa entablado kaya naman nagmamadali niyang pinuntahan si Claire.
Inilalayan ni Pancho si Claire sa pagbaba ng entablado. Biglang niyakap ni Claire si Pancho. "Nasorpresa ka ba? Para talaga sa iyo iyon!" nangingiting sabi ni Claire kay Pancho.
"Oo naman, Claire! Pinaligaya mo ang puso kong titibok-tibok sa iyong nakabibighaning awitin. Hindi ko alam na magaling ka rin pa lang bumirit. Hehehe!" nangingiting sabi ni Pancho at sabay na inalalayan si Claire pabalik sa kanilang upuan.
End of Chapter 46
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No to Plagiarism!
Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.
Plagiarism is a CRIME!
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...