Samantala, sa kuwartong bihisan ng mga artista.
Habang nagsusuklay ng buhok si Claire sa harap ng salamin bigla siyang napatingin kay Yda.
"Yda, saan mo inilagay yung mga damit kong pinalabhan ko sa iyo?" tanong ni Claire.
"Nandoon nasa aparador mo. Inaayos ko na rin ang mga iyon," sagot naman ni Yda habang abala naman sa paglilinis ng mga sapatos ni Claire.
"Alam mo, Yda? Naisip ko lang bigla! Gusto ko nang itapon ang lahat ng damit na bigay sa akin ni Darius!" natatawang sabi ni Claire.
Biglang napalingon si Yda kay Claire. "Ha?! Ayos ka lang, Claire? Eh, halos bago pa 'yung mga damit na binigay sa iyo ni Darius, ha!" gulat na gulat na sagot ni Yda.
"Malungkot kasi ako ngayon," sabi ni Claire kay Yda.
"Bakit naman? Huwag mong sabihing wala na kayo ni Darius...hihihi, echos!" pabirong tanong ni Yda.
Si Darius ay ika-sampung nobyo ni Claire. Si Darius ay sikat na basketbolista pero kilala rin siya bilang isang palikero. Maraming nagkakagustong babae sa kaniya, maliban sa guwapo't matangkad na, lagi pang siyang tinatanghal na pinakamagaling na basketbolista taon-taon.
"Oo! Tama ka, Yda! Wala na kami ni Darius. Kaya nga gusto ko nang itapon ang lahat ng bagay na makapagpapaalala sa akin kay Darius!" nainis na paliwanang ni Claire.
Biglang tumunog ang cellphone ni Claire. Nataranta si Claire at biglang inabot ang cellphone kay Yda. "Yda! Bilisan mo! Si Darius! Tumatawag sa cellphone ko! Sabihin mo wala ako. Nagpunta ako sa Paris. O kaya nagbakasyon ako sa Brazil! Bahala ka na basta wala ako dito!" pasigaw na sabi ni Claire habang natataranta pa. Kinuha ni Yda ang cellphone ni Claire.
"Hello, Claire, sige na! kausapin mo na ako! Magpapaliwanag ako!" nagmamakaawang boses na sabi ni Darius sa cellphone ni Claire.
"Hello, paumanhin w-wala si Claire sabi niya...este, ako si Yda ang alalay ni Claire. Umalis na si Claire! Biglaan ang bakasyon niya. Tumawag ka na lang ulit?!" nanginginig ang boses ni Yda habang kinakausap si Darius sa cellphone.
"Ha?! Ano?! Bakit hawak mo ang kaniyang cellphone, Yda?!" biglang tumaas ang boses ni Darius habang kausap si Yda.
"Ah, eh...Iniwan niya talaga sa akin ang cellphone niya. Pasensiya na talaga, Darius! Tumawag ka na lang sa isang b-buwan o kaya sa isang t-taon! S-sige na! Paalam na!" nanginginig ang kamay ni Yda habang hawak ang cellphone ni Claire.
"Whew! Grabe ka Claire! Muntik na akong mabisto doon, ha? Alam mo namang hindi ako sanay magsinungaling, eh! Hay nako! Pinagpawisan ako ng husto, ha?!" sabi ni Yda kay Claire habang nagpupunas ng pawis sa nuo at leeg. "Maraming salamat, Yda!" Tuwang-tuwang sabi ni Claire kay Yda.
End of Chapter 7
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...