Sa opisina ng Marikit Produksyon.
Abala si Mam Olivia na nakikipagpulong sa mga opisyales ng Marikit Produksyon para sa gaganaping taunang gabi ng parangal. Isa sa mga parangal na ipamamahagi ay ang pinakamasipag na tagalinis ng taon. Sa kategoryang ito, nominado sina Robert, Rene, Baste at Pancho. Pagkatapos ng ilang oras ng masusing pag-iisip ay sa wakas may resulta na sa bawat kategorya. Nang makaalis na ang mga opisyales ng Marikit Produksyon muling tiningnan ni Mam Olivia ang listahan ng mga nominado. Hanggang sa makita niya ang pangalan ni Pancho.
"Hmmm. Mukhang mapapalitan na si Robert ng baguhang ito," sabi ni Mam Olivia sa kaniyang sarili. Nagulat siya nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Sino yan?!" sigaw ni Mam Olivia.
"Mam, si Robert po ito!" sagot naman ni Robert habang nagagalak na hawak-hawak ang isang palumpon ng mga rosas.
Nagmamadaling itinago ni Mam Olivia ang mga listahan ng mga nominado sa kaniyang kabinet.
"Sige, Robert! Puwede ka nang pumasok!" natatarantang sabi ni Mam Olivia.
Binuksan ni Robert ang pintuan. Gulat na gulat si Mam Olivia nang makitang may hawak si Robert ng isang palumpon ng mga rosas.
"Uy, Robert anong okasyon ngayon?" natutulirong tanong ni Mam Olivia.
"Ah eh, Mam Olivia wala pong okasyon. Nais ko lang alayan ng mga bulaklak ang pinakamagandang babae dito sa gusaling ito at kayo po iyon!" nangingiting pambobola ni Robert.
Napakagat ng labi si Mam Olivia na animoy kinikilig na pusa sa kalye, "Nako! Robert nag-abala ka pa! Pero salamat, ha?!" sabi ni Mam Olivia habang nagpapapungay pa ng kaniyang mga mata. Agad na tinanggap ni Mam Olivia ang isang palumpon ng mga rosas at inamoy-amoy pa ang mga ito.
"Mam Olivia, mabuti naman po at tinanggap mo ang mga rosas na iyan. Kinumpleto niyo po ang aking araw ngayon!" nangingiting sabi ni Robert. Biglang kumatok ang kalihim ni Mam Olivia.
"Mam, nakahanda na po ang inyong meriendang sotanghon," magalang na paalala ng kalihim ni Mam Olivia.
"O, paano Robert! Diyan ka muna at magmemerienda muna ako," nangingiting sabi ni Mam Olivia.
"Sige po, ako na po munang bahala dito," nagingiting sabi ni Robert.
Nang makalabas na si Mam Olivia sa opisina. Nagmamadaling hinalughog ni Robert ang bawat laman ng mga kabinet.
"Nasaan na iyon?" natutulirong tanong ni Robert sa kaniyang sarili na halos umikot na ang kaniyang mga mata sa kakahanap.
Hanap dito, hanap doon. Halukay dito, halukay doon. Nang biglang may kumatok. Nagulat si Robert at nagmamadaling isinara ang kabinet. Biglang pumasok si Pancho at nagkagulatan pa ang dalawa.
"Uy, bossing Robert! Anong ginagawa mo po dito sa opisina ni mam Olivia?" nagtatakang tanong ni Pancho.
"Eh, ikaw ano rin ang ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ni Robert.
"Bossing naman! Nakalimutan mo pa ba? Ngayon po ang iskedyul ko sa paglilinis ng opisina ni Mam Olivia!" nagingiting sabi ni Pancho.
"Ha?! Oo nga pala tuwing miyerkules, ikaw pala ang nakatoka dito. Pasensya na! Bukas pa pala ako dito!" nangingising sabi ni Robert.
Akmang maglalampaso na sana si Pancho nang biglang tawagin siya ng kalihim ni Mam Olivia.
"Uy! Pancho! may tawag ka sa telepono! Si Mam Yda!" sabi ng kalihim ni Mam Olivia.
"Ha?! Bakit kaya?" nangingiwing sabi ni Pancho habang napapakamot ng ulo at saka isinandal ang mahiwagang lampaso sa dingding.
"Sige na Pancho! Sagutin mo muna ang tawag sa iyo. Ako munang bahala dito!" nangingising sabi ni Robert.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...