Tuwang-tuwa si Pancho. Hindi siya makapaniwala na kasama niya ang sikat at magandang aktres na si Claire na minsan ay sa panaginip lang niya nakakapiling.
Nang makarating sina Pancho, Claire at Yda sa tindahan ng mga gamit pangmedikal. Agad na binili ni Pancho ang wheel chair na ireregalo sa kaniyang kapatid na si Jessa sa halagang apat na libong piso. Akmang magbabayad na sana si Pancho sa kahera nang biglang pinigilan siya ni Claire.
"Pancho, ako na ang magbabayad niyan. Huwag kang tatangi, ha?!" nangingiting sabi ni Claire.
"Nako Claire, nakakahiya naman sa iyo!" napapahiyang pahayag ni Pancho.
Bigla namang nataranta ang kahera nang mapansin niya na isang sikat na aktress pala ang nasa kaniyang harapan.
"Mam, k-kayo po ba si C-claire? Ang m-magaling na aktres?" namamanghang tanong ng kaherang tagahanga habang nauutal pa sa pagsasalita.
"Opo, ako nga po!" nakangiting sabi ni Claire.
"Wow! Mam Claire puwede po bang magpalitrato?" nagagalak na tanong ng kaherang tagahanga. "Oo naman," nakangiting sagot ni Claire.
Biglang sumingit si Pancho sa usapan ng dalawa. "Ah eh, Claire ako na lang ang kukuha ng litrato ninyo," nangingiting sabi ni Pancho. Agad namang inabot ng kahera ang cellphone nito kay Pancho.
"Picture! Picture! Say Cheese!" Sabi ni Pancho habang kinukuhanan niya ng litrato sina Claire at ang kaherang tagahanga.
Habang tinitingnan ni Pancho ang camera ng cellphone. Nangingiti siya at para bang lalong nahuhulog ang kaniyang puso kay Claire. "Nakatutuwa naman si Claire. Mas lalo akong napapamahal sa kaniya. Ang bait niya talaga sa personal," kinikilig na sabi ni Pancho sa kaniyang sarili.
"O, Claire! Wacky pose naman kayo diyan!" nangingiting sabi ni Pancho.
"Ano Pancho? Tiyak matutuwa ang iyong kapatid na si Jessa sa regalo ni Claire," nangingiting sabi naman ni Yda habang papungay-pungay pa ang mga mata nito.
"Oo, Yda! Sigurado akong matutuwa si Jessa! Kaya lang nakakahiya naman kay Claire, siya pa ang nagbayad ng wheel chair!" nahihiyang sabi ni Pancho kay Yda.
"Tara, Halina na kayo! Pumunta na tayo sa restawran!" masayang alok ni Claire sa dalawa.
Sumakay na sina Pancho, Claire at Yda sa sasakyan. Umandar na ang makina ng kotse at tumungo na sila sa Lutong Pinoy Restawran at Kapihan.
"Ah eh, Claire. Puwede ba munang dumaan ako sa carinderia ni aling Tonya malapit doon sa Lutong Pinoy Restawran at Kapihan?" napapahiyang sabi ni Pancho habang namumula ang kaniyang pisngi.
"Oo naman, Pancho. Bakit naman hindi? Sa katunayan nga, doon talaga kami pupunta ni Yda sa Lutong Pinoy Restawran at Kapihan. Pero bakit kailangan mo pang dumaan sa carinderia ni aling Tonya?" nagtatakang tanong ni Claire at saka napatingin kay Yda.
"Oo nga, Pancho!" sambit pa ni Yda.
Biglang napakamot ng ulo si Pancho at parang naiilang pa. "Ano kasi, C--Claire. Ibibili ko ng pancit habhab sana si Jessa para handa sana niya sa kaarawan niya, " napapahiyang sabi ni Pancho.
"Ah ganun ba, Pancho? Ako ng bahala sa handa ng kapatid mo. Gagawin nating espesyal ang mga pagkaing handa ni Jessa. Doon nalang nating bilhan ng pancit sa Lutong Pinoy Restawran at Kapihan. At saka Pancho! Bakit hindi natin sopresahin si Jessa sa kaniyang kaarawan?" nagagalak na alok ni Claire.
"Claire, nako po! Sobra-sobra na itong kabutihan mo sa akin!" napapahiyang sabi ni Pancho kay Claire.
"Pancho, hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa iyo? Nawawala ang aking pagiging masungit kapag kaharap kita," nangingiting pahayag ni Claire. Habang si Yda naman ay kinikilig sa pag-uusap ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...