KABANATA 18

631 31 2
                                    

Habang naglalakad sa pasilyo pabalik ng bulwagan sina Pancho at Baste bigla silang nakaramdam ng pangamba.

"'Tol, paano pala natin lilinisin yung bulwagan? Eh! Sa tingin ko mukhang mahihirapan tayong tanggalin ang mga dumi doon lalo na ang mga pinturang nagkalat dun? Kulang pa ang isang oras para linisin ang buong bulwagan!" nag-aalalang tanong ni Baste sabay lunok ng laway sa kaniyang lalamunan.

"Oo nga, eh! Iyan din nga ang iniisip ko, pero ang tanong, eh! Sino kayang masamang tao ang gumawa 'non?" sabi ni Pancho habang nagkakamot ng ulo.

"'Tol, hindi kaya si Robert ang salarin? O, kaya yung alalay niyang si Rene na mukhang kuhol na sobra kung makasipsip sa bossing niya?" nanggigigil sa galit na sabi ni Baste.

"Uy, Baste! Huwag kang basta magbibintang kung wala ka namang matibay na ebidensya, ha!? At 'yan ang laging pangaral sa akin ni inay?!" nagulat na sabi ni Pancho sabay tapik sa balikat ni Baste. "Bakit? Nakita mo ba mismo na sina Robert at Rene ang talagang gumawa 'nun!? At saka Baste! Huwag tayong basta manghuhusga ng kapwa natin, masama iyan!" dagdag pa ni Pancho.

Napakamot ng ulo si Baste na tila napapahiya. "Ikaw naman,'tol! Hindi ka naman mabiro. Kalma lang!" nangingiting sabi ni Baste sabay kiliti sa kilikili ni Pancho.

Habang naglalakad ang magkaibigan patuloy pa rin ang kanilang biruan nang bigla silang napahinto. "Ano ba 'yan? 'Tol! Paano pala tayo makakapaglinis doon, eh! Hindi pala natin dala ang mga lampaso at timba!" nangingiting sabi ni Pancho habang napapakamot pa ng ulo.

"Ay, oo nga 'no? Tingnan mo nga naman masyado tayo nalilibang sa pag-uusap natin!" sabi naman ni Baste. Nagmadali silang naglakad patungo sa kuwarto ng tagalinis.

Pagbukas nina Pancho at Baste ng pinto ng kuwarto, nadatnan nila sina Robert at Rene na abalang nag-uusap. Biglang napalingon si Robert na tila nagulat pa.

"Uy! Pancho, bro! Kanina pa ba kayo diyan?" nangingising sabi ni Robert habang pinupunasan pa ang bahid ng pintura sa kaniyang buhok.

"Ah eh, dumaan lang kami ni Baste para kunin ang mga lampaso at timba namin," sabi ni Pancho na tila may napansing kakaiba sa buhok ni Robert.

"Ah eh, Pancho anong meron doon sa bulwagan at bakit nagkagulo ang mga tao doon kanina?" maamong tanong ni Robert kay Pancho na animoy walang kaalam-alam sa pangyayari.

"Ah eh, nadatnan nina Mam Olivia at Claire na madumi ang bulwagan kaya ayun! Sinabon na naman kami," dagdag pa ni Pancho habang patungo sa banyo.

Napansin din ni Baste na may kakaiba sa buhok ni Robert. "Ah eh, bossing! Ano po 'yang nasa buhok niyo, pintura?" nagtatakang tanong ni Baste habang nakaturo sa buhok ni Robert.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Robert at sabay na napatigil sa pagpupunas ng bahid ng pintura sa kaniyang buhok. "Ah eh, Baste. Ehem! Hindi mo ba alam? Na ito ang bagong istilo ng buhok ngayon. 'Di ba Rene?" nangingising sabi ni Robert at sabay tapik ng malakas sa balikat ni Rene.

"Ay oo nga! A-ko ang nagkulay ng buhok niya. 'Yan ang u-usong sikat na istilo ng buhok ngayon! Mayroong k-kulay ang patilya at ang tuktok ng buhok!" nauutal na sabi ni Rene habang nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod.

Biglang tinawag ni Pancho si Baste na pumunta na rin sa banyo para kunin ang gamit na panglinis. Nang papaalis na sila. Biglang binati ni Pancho ang buhok ni Robert.

"Uy, bossing, ang ganda po pala ng istilo ng buhok niyo, ah? May pakulay-kulay pa po kayong nalalaman, ha?" nangingiting sabi ni Pancho habang hawak ang kaniyang lampaso.

Biglang kinalabit ni Baste si Pancho at sabay na binulungan ito. "Pancho, parang alam ko na kung sinong salarin?" halos mabaliko na ang nguso ni Baste sa pasimpleng kabubulong kay Pancho.

Biglang nakaramdam si Robert ng pag-aalinglangan kay Baste. Sa takot na mabisto sila bigla niyang pinuri si Pancho. "Pancho! Mukhang bago 'yang lampaso mo, ha?! 'Di ba Rene?" nangingising sabi ni Robert sabay tapik kay Rene.

"Ay! Oo nga Pancho! Mukhang bago 'yan, ah! At makukulay pa ang lampaso mo. Ano 'yan binili mo?" nangingising sabi ni Rene sabay hawak sa lampaso ni Pancho.

"Ah eh, ginawa ito ng inay ko. Mananahi kasi siya ng mga retasong basahan," nakangiting sabi ni Pancho. Biglang inakbayan ni Robert si Pancho.

"Ah eh, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo na kung malalaspag na ang inyong mga ginagamit na lampaso. Humingi lang kayo ng bagong kapalit kay Mam Olivia. Hindi niyo na kailangan bumili pa, " paliwanag ni Robert.

Biglang inalis ni Pancho sa kaniyang balikat ang nakaakbay na braso ni Robert. "Ganun po ba? Sige po, sa susunod alam na po namin ang gagawin," naiilang na sabi ni Pancho.

"Sige po bossing. Liilinisin po muna namin 'yung bulwagan!" sabi naman ni Baste.

Tuluyan nang nagpaalam sina Pancho at Baste.

Nang makaalis na ang magkaibigan, para namang biglang nabunutan ng tinik sa lalamunan sina Robert at Rene. "Whew! Bossing 'Bert! Muntik na tayong mabisto, ha?!" nangangatal na sabi ni Rene.

Bigla namang nainis si Robert. "Ikaw talaga, Rene! Pahamak ka talaga kahit kailan! Bakit kasi hindi nakakandado 'yung pinto! Talagang muntikan na tayong mabisto niyan!" naiinis na sabi ni Robert habang tinatanggal ang bahid pintura sa kaniyang buhok.

Biglang nagulat na naman sina Robert at Rene nang bumukas muli ang pinto. "Ah eh, pasensya na po naiwan ko itong timba!" nakangiting sabi ni Pancho at sabay dampot sa timba.

Agad na sinenyasan ni Robert si Rene at sabay na sinabing, "Ayan nga ba ang sinasabi ko sa iyo! Isara mo na ng maigi ang pinto, bilis!" naiinis na sabi ni Robert kay Rene.

"Ay! Oo nga, bossing!" nangingising sabi ni Rene.

Akmang isasara na sana ni Rene ang pinto nang muli itong bumukas at sumilip si Pancho. "Siya nga po pala bossing! Bagay po sa inyo ang kulay ng buhok niyo!" dagdag pa na sabi ni Pancho kay Robert.

Pagkasara ng pinto. Nagkukumahog naman itong agad na kinandado ni Rene.

End of Chapter 18

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  



Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon