KABANATA 10

664 31 2
                                    


Pagkatapos kausapin ni Pancho si Yda, agad itong bumalik sa lamesa kung saan kumakain ang mga kasamahang tagalinis. Nagmamadaling tinapos ni Pancho ang kaniyang pagkain. Napansin ni Baste ang kilos ni Pancho na tila ba natataranta pa.

"'Tol, bakit ba nagmamadali ka yata? Halos lunukin mo na lang iyang kinakain mo sa sobrang pagmamadali mo, ah!" nagtatakang tanong ni Baste habang napapakamot sa kaniyang ulo.

"Baste, pinapatawag kasi ako ni Claire sa kuwarto niya?" nakangiting sabi ni Pancho.

"Ano?! Bakit daw?" biglang nanlaki ang mga mata ni Baste habang ngumunguya pa.

"Marumi raw yung sahig doon, kaya pinapalinis sa akin," sagot ni Pancho habang pakurap-kurap pa ang mga mata.

"'Tol sama naman ako diyan!" biglang natuwa si Baste sa narinig na sagot ni Pancho.

"Huwag na. Ako na lang! Moment ko 'to!" nangingiting sabi ni Pancho na tila ba na idinuduyan ng alapaap sa sobrang sayang nararamdaman niya.

Napansin din ng ibang tagalinis ang kakaibang ikinikilos ni Pancho kaya naman pinagbubulangan siya.

"'Tol, nasaan si bossing Robert? Nandito lang siya kanina, kumakain!" nagtatakang tanong ni Pancho habang lumilingon sa paligid.

Biglang sumabat si Rene na tila ba na natataranta na animoy mayroong asong humahabol sa kaniya.

"Pancho, nandoon si bossing sa banyo! Mukhang naparami yata nang kain ng ginataang talangka mo?" nangingising sabi ni Rene habang kagat-kagat ang ulam niyang pritong pusit na makunat pa sa gulong ng kotse at kulang na lang na ay lumuwa ang suot niyang pustiso.

Sa loob ng banyo kinuha ni Robert sa kaniyang bulsa ang botelya ng sukang puti.

"Hehehe...Pancho, tingnan natin kung maipagmamalaki mo pa rin itong sukang puti mo?" nangingising sabi ni Robert habang dahan-dahang ibinubuhos ang mabantot na laman ng botelya. Biglang nakarinig ng mga katok sa pinto si Robert. Agad niyang ibinalik sa kaniyang bulsa ang botelya ng sukang puti. Binuksan niya ang pinto ng banyo na tila ba walang nangyari. Bumungad sa kaniyang harapan si Pancho.

"Pancho, bakit ?" nakangiting bati ni Robert.

"Kukunin ko lang po sana 'yung timba at lampaso ko. Naiwan ko kasi diyan sa loob ng banyo," nagmamadaling sabi ni Pancho.

Biglang napalingon si Robert. "Ganun ba? Ayun! Nandoon nakasabit sa sulok!" akmang lalabas na si Robert nang bigla siyang pinigilan ni Pancho at sabay hawak sa balikat ni Robert.

"Bossing Robert, alam ko po kung ano ang ginawa niyo diyan sa loob," seryosong tingin ni Pancho kay Robert.

Biglang kinabahan ni Robert at sabay lunok nito sa kaniyang lalamunan. " Ah eh, P-Pancho s--sorry, ha? K-kasi---," nauutal na sabi ni Robert nang biglang sumabat si Pancho na nangingiti pa.

"Bossing, kayo naman hindi mabiro. Ako nga dapat mag sorry, eh! Mukhang kumulo ang tiyan niyo sa ginataang talangka na bigay ko!" nakangiting sabi ni Pancho sabay tingin sa tiyan ni Robert.

Biglang napatawa ng malakas si Robert. "Oo, Pancho! Tama ka! Mukhang naparami kasi ang pagkain ko ng ginataang talangka. Ang sarap kasi, eh!" sabi ni Robert sabay hawak sa kaniyang tiyan.

Napatingin ang buong tagalinis sa kanila at sabay na napatawa na rin. Nabalot ng halakhakan ang buong kuwarto ng mga tagalinis.

End of Chapter 10

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon