KABANATA 42

420 11 10
                                    

Samantala sa bahay ni aling Gina. Abalang-abalang siya sa pananahi ng bestida ni Claire. Katulong ni aling Gina ang anak niyang si Jessa sa pagkakabit ng mga kulay asul na mga sequin sa tinatahing bestida.

"Inay, siguradong mamangha si ate Claire dito sa bestidang tinatahi niyo po. Lalo na't bagay na bagay sa kaniya ang kulay asul. Mas lalong lilitaw ang mala-labanos na kaputian ni ate Claire!" natutuwang pahayag ni Jessa habang mabusising iniisa-isang isinusulot ang mga sequin sa sinulid.

"Anak, magustuhan lang ni Claire itong tinatahi nating bestida para sa kaniya ay maligaya na ako. Siyempre, ayoko namang ipahiya si kuya Pancho mo sa babaeng pinakamamahal ng kaniyang busilak na puso!" nangingiting pahayag ni aling Gina habang napatigil ito

sa kaniyang pananahi at napatingin sa larawan ni Claire na nakadikit sa harapan ng pinto ng kuwarto ni Pancho.

Pagkaraan ng ilang oras pang pananahi ni aling Gina sa buong maghapon ay sa wakas nayari na rin ang bestida ni Claire. Isinabit sa dingding ni aling Gina ang kaniyang kauna-unahang bestidang tinahi sa tanang ng buhay niya.

"Inay, nako po! Napakaganda po ang kinalabasan ng pagkakatahi niyo po sa bestida ni ate Claire. Inay, ang galing-galing niyo po talaga!" namamanghang sabi ni Jessa habang sige ito sa paghimas sa laylayan ng bestida.

"Anak, malaki ang utang na loob natin sa kaniya kaya dapat lang na suklian natin ito ng kabutihan!" nangingiting sabi ni aling Gina habang pinagmamasdan ang nakasabit na bestida sa dingding. Nang biglang may kumakatok ng malakas sa kanilang pintuan, na kulang na lang ay magiba ito.

"Gina! Buksan mo itong pinto!" sigaw ni aling Gilda habang patuloy sa pagkatok ng pinto.

Biglang napalingon si aling Gina sa pintuan nila. "Nako po! Nandiyan na naman si aling Gilda!" nag-aalalang sabi ni aling Gina kay Jessa.

Nagmamadaling naglakad patungo si aling Gina sa pinto at agad na binuksan ito. "Ah eh, magandang hapon po! Aling G-Gilda!" nauutal na pagbati ni aling Gina.

"Hoy Gina! Anong ikinaganda sa hapon maliban sa aking mukhang bata?" masungit na sagot ni aling Gilda habang nakakunot ang kaniyang kulobot na nuo. "Kailan mo ihahatid ang mga retasong basahan na inorder ko sayo?! Mukhang aabutin pa yata ng pasko't bagong taon iyang mga inorder kong basahan, ha?! Hoy! Sumosobra ka na talaga, Gina!"

Biglang napakamot ng ulo si aling Gina. "Ah eh, pasensiya na po aling Gilda. Medyo abala lang po kasi ako sa ibang bagay!" nangingiwing paliwanag ni aling Gina at saka napalunok ng laway sa kaniyang lalamunang nanunuyo na dahil sa sobrang nerbiyos.

"Bakit?! Ano ba ang pinakakaabalahan mo diyan?" naiinis na tanong ni aling Gilda habang nagpapaypay ng abaniko sa kaniyang dibdib. Habang siya nakaismid bigla niyang nasulyapan ang nakasabit na asul na bestida ni Claire sa dingding.

"Teka, ano iyang nakikita ko diyan! Hmmm...mukhang isang magarbong bestida yata 'yan?" sabi ni aling Gilda habang nakataas ang kaniyang kanang kilay at akmang papasok siya sa loob ng bahay ni aling Gina.

Biglang hinarangan ni aling Gina ang kaniyang mga braso sa pintuan. "Ah eh, aling Gilda, pangako ko po! Bukas na bukas po ihahatid ko na po 'yung mga basahang inorder niyo! Pangako ko po!" natatarantang sabi ni aling Gina habang patuloy na hinaharang ng kaniyang mga matatabang braso ang nasabing pintuan.

"Puwede ba, Gina? Umalis ka diyan sa harapan ko! Gusto kong tingnan kung ano iyang nakasabit sa dingding ninyo?" masungit na pamimilit ni aling Gilda at sabay na itinulak si aling Gina.

Walang nagawa si aling Gina at tuluyan nang nakapasok si aling Gilda sa kanilang bahay. Dahan-dahang lumapit si aling Gilda sa nakasabit na bestida sa dingding.

"Hoy Gina! Ito ba ang iyong pinagkakaabalahan?" naiinis na tanong ni aling Gilda habang nandudulak ang mga mata nitong nakatingin kay aling Gina.

"O-opo!" nanginginig na sagot ni aling Gina.

"Hmmm...kaya pala hindi mo matapos-tapos ang mga inorder ko sa iyo, eh! Abala ka pala sa ibang bagay, ha?! At bakit ka nagtatahi ng bestida? Sinong magsusuot niyan, si Jessa? Hmmm...ambisioyang pilantod, ha?!" gigil na gigil na sabi ni aling Gilda kay aling Gina at saka biglang binulyawan si Jessa.

"Hoy, Jessa! Huwag ka ngang maghangad na magsuot ng bestida! Hindi bagay sa iyo! Sa akin siguro, mas babagay pa, tse!" masungit na sabi ni aling Gilda at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang bagong makinang panahi ni aling Gina.

"Wow! Mayroon ka na ring bagong makinang panahi, ha? Saan mo iyan nakuha?! Ninakaw mo?!" pasigaw na tanong ni aling Gilda.

Biglang sumabat si Jessa habang iniikot nito ang gulong ng kaniyang wheelchair papalapit kay aling Gilda. "Aling Gilda, huwag naman po kayong ganiyan! Wala po kayong karapatan na manghimasok sa aming tahanan at tapakan ang aming pagkatao!" maluha-luhang sabi ni Jessa.

"Huh? May wheel chair na ang kutong lupa na ito? Hoy, Gina! Siguro nanalo kayo sa lotto 'no?" naiinis na sabi ni aling Gilda habang nakapamewang pa.

"Aling Gilda, parang awa niyo na po! Umalis na po kayo sa aming bahay! Pangako ko po, bukas na bukas ng umaga, Ihahatid ko na po sa inyo yung mga retasong basahan!" naluluhang sabi ni aling Gina

"Hmp! Oo! Aalis na ako sa barong-barong ninyo baka ma-tetanu pa ako dito! Basta, 'yung mga inorder ko, ha? Ihatid mo na bukas ng ala-singko ng umaga! Tse! Makaalis na nga! Yuck! Nakakadiri naman dito. Nakakasuka!" naiinis na sabi ni aling Gilda habang nangdidiri sa barong-barong nina aling Gina.

Nagmamadaling naglakad papalabas ng bahay si aling Gilda habang nakakunot ang nuo nito nang bigla nanlaki ang mga mata niya at nagmistulang naging isang maamong tupa.

End of Chapter 42

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  




Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon