KABANATA 47

373 10 3
                                    

Samantala sa kabila ng sulok ng bulwagan. "Aba! Tingnan mo nga naman! Ang kolokoy na si Pancho, syota na pala si Claire?! Ibang klase talaga iyang Pancho na iyan, ha?! Para bang maingingisdang nakapamingwit ng isang napakalaking isda!" nagulat at na naiinggit na sabi ni Robert habang napapailing pa ng kaniyang ulo.

"Eh, bossing! Bakit naman kayo naiingit kay Pancho? Di ba? Mayroon naman kayong mas malaking isdang binibingwitin, si Mam Olivia? Hehehe!" nangingising sabi ni Rene.

Biglang nagpantig ang mga tainga ni Robert kay Rene at saka pahapyaw na binatukan na naman ito. "Rene, nang iinsulto ka ba? Ikaw talaga!" naiinis na sabi Robert.

Biglang sinapo ni Rene ang kaniyang pustiso. "Uy, bossing! Hindi niyo nahulog ang pustiso ko!" nangingising sabi ni Rene.

"Ah, talaga lang ha? Teka muna, tingnan natin!" napipikon na sabi ni Robert. Biglang nanggigigil ang kamay ni Robert at walang pakundangang dinukot sa bibig ni Rene ang suot nitong pustiso. Nanggigil na tinapon ni Robert ang pustiso ni Rene at nasalo naman ito ng baso ng alak na nakapatong sa isang lamesang may gulong na nakapwesto sa kanilang likuran.

Muling nagsalita ang punong abala sa entablado. Tinawag ang sususod na magtatanghal ng parangal.

"Mahal kong mga kapatid sa industriya. Aking ipinagmamalaking ipinakikilala sa inyo ang pinakamasipag, pinakamabait at pinakamagandang babae sa bulwagang ito. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! Ang ina at ilaw ng Marikit Produksyon! Walang iba kundi si.....Mam Olivia!" pagmamalaking sabi ng punong abala. Nagsipalakpakan at nagsitayuan ang mga manunood.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Ako ay nagpapasalamat at karangalan kong ipakilala sa iyo ang susunod na parangal. Ang isang parangal na hindi mahalaga sa ilan sa inyo ngunit ito ang pagkakataon upang papurian at ipagdiwang ang kanilang kasipagan. At dahil sa kanila, hindi tayo magkakaroon ng isang malinis na bulwagan na tinatamasa natin ngayong gabi. Sila ang mga taong palaging napapabayaan at hindi natin pinapansin! Ngunit sa gabing ito, sila ang tunay na mga bituin!" nagagalak na pahayag ni Mam Olivia at muling umalingawngaw ang palakpakan sa bulwagan. "At ngayon! Malugod kong itinatanghal ang parangal para sa pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon!"

Biglang kinabog ang didbdib ni Pancho nang marinig niya ang nakakagulat na sinabi ni Mam Olivia. Nagkatinginan sina Pancho at Baste.

"'Tol, good luck sa iyo! Basta manalo ka lang, maligayang-maligaya na ako!" nababalisang pahayag ni Pancho kay Baste at sabay na tinatapik ang braso nito.

"Hindi 'tol, mas gugustuhin ko pang ikaw ang magwagi kaysa naman kina Robert at Rene, ang mga hambog na iyon! Panahon na para magwakas na ang kanilang paghari-harian dito sa Marikit Produksyon!" nasasabik na sabi ni Baste.

Biglang hinawakan ni Claire ang mga nanlalamig na mga kamay ni Pancho. "Pancho, naniniwala ako sa iyong kakayahan. Alam kong magwawagi ka," nakangiting sabi ni Claire at saka niyakap si Pancho.

* * * *

Samantala, nakikipanuod naman ng telebisyon sina aling Gina at Jessa sa bahay ng lola ni Baste para sa programa ng nasabing gabi ng parangal. Nasasabik na nakaharap sina aling Gina, Jessa at ang lola ni Baste sa lumang telebisyon. Nanginginig ang kamay ni aling Gina habang hawak-hawak ang kaniyang rosario.

"J-Jessa, ayan na! Itatanghal na ang magwawagi para sa pinakamasipag na tagalinis! Ituloy natin ang pagdadasal. Pancho! Ikaw na sana ang magwagi!" natutulirong sabi ni aling Gina habang hindi magkamayaw sa kaniyang kinauupuan habang patuloy na nagdadasal.

"Gina, pakiramdam ko! Ang anak mong si Pancho ang magwawagi. Maraming magagandang bagay na naikukuwento si Baste tungkol sa kahusayan, kabaitan at kasipagan ng iyong anak na si Pancho!" nasasabik ring sabi ng lola ni Baste. "Kaya't hindi impossibleng makamit niya ngayon gabi ang rurok ng kaniyang tagumpay!" dagdag pa ng lola ni Baste.

Biglang napalingon si aling Gina sa lola ni Baste. "Nako po, lola! Sana po magdilang anghel po kayo!" nababalisang sabi ni aling Gina.

"Inay, malaki po ang aking tiwala kay kuya Pancho! Lahat ng mga balakid sa kaniyang buhay ay kayang-kaya niyang ilampaso!" nangingiting sabi ni Jessa habang nakaupo sa kaniyang wheelchair.

"Nako po! Ikaw talaga Jessa, nakuha mo pang magbiro! Samantalang ako, eh! Hindi na maipinta ang aking mukha sa sobrang nerbiyos ko! Pati dibdib ko kumakabog na ng malakas! Hay nako, bata ka!" nababalisang sabi ni aling Gina.

* * * *

Samantala, balik sa bulwagan. Dahan-dahan binuklat ni Mam Olivia ang sobre. "Ang mga nominado para sa pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon ay sina...." nakangiting sabi ni Mam Olivia habang pakurap-kurap pa ng kaniyang mga mata.

" Rene..."

Walang pumalakpak kahit ni isang manunood.

"Baste..."

May iilang pumalakpak.

"Robert...."

Biglang nagsipalakpakan ang mga manunood at biglang itinutok ng kamera ng telebisyon ang mukha ni Robert. Kumaway siya sa kamera at panay ang turo niya sa kaniyang sarili. "Ako pa rin ang mananalo!" sigaw ni Robert sa nakatutok na kamera ng telebisyon.

"...at si Pancho!"

Dumagundong ang buong bulwagan dahil sa lakas nang palakpakan na mga manunood na may kasamang sigawan at hiyawan pa.

"Pancho! Pancho! Pancho!" sigaw ng mga manunood.

Biglang itinutok rin ng kamera ng telebisyon ang mukha nina Pancho at Claire at agad naman silang kumaway sa kamera.

* * * *

Balik sa bahay ng lola ni Baste. Nakita ni aling Gina at Jessa sina Pancho at Claire sa telebisyon.

"Inay, si kuya Pancho, o! Wow! Ang pogi-pogi ni kuya, parang artista!" namamanghang sigaw ni Jessa.

"Ay! Oo nga anak! Parang artista si kuya Pancho mo! Walang binatbat sa kuya mo ang mga sikat na kapareha ni Claire sa pelikula! O, di ba? Panalo! Bagay talaga silang dalawa ni Claire, o!" nagagalak na sabi aling Gina habang patalon-talon pa.

****

Samantala, nasasabik na si Mam Olivia na itanghal ang nagwagi. Nanginginig ang kaniyang kamay at napabuntong hininga pa.

"Whew! Heto na po! Handa na ba kayong malaman kung sino ang nagwagi?"

Balisang-balisa si Pancho ng mga oras na iyon. Hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan habang hawak-hawak ang kamay ni Claire. Ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Robert.

"Ako pa rin ang mananalo!" pagmamayabang na sabi ni Robert habang panay ang ayos nito sa kaniyang suot na barong tagalog. Kinindatan ni Robert si Rene na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

"Ang itinanghal na pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon ngayog taon ay si...R-Robert?" nagtatakang sabi ni Mam Olivia. Nagkukumahog niyang pinunasan ang kaniyang suot na salamin sa mata at muling tiningnan ang pangalang nakasulat sa sobre.

End of Chapter 47

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon