KANANATA 39

458 15 6
                                    

Laking gulat ni Pancho na tumambad sa kaniyang harapan si Claire. "Claire! anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Pancho.

"Pancho, nakalimutan mo na ba? Magpapatahi ako ng bestida sa inay mo!" nakangiting sabi ni Claire habang inaayos ang kaniyang bagong kulay na buhok.

"Ah, ganun ba? Halika kayo, p-pasok kayo ni Yda sa loob!" natatarantang sabi ni Pancho sa dalawa. Agad namang pumasok sina Claire at Yda.

"Claire, mukhang hindi ka mapapaunlakan ni inay sa pabor mo!" nangingiwing sabi ni Pancho kay Claire. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Claire.

"Nasira kasi ang makinang panahi ni inay, eh! Pasenya na talaga Claire!" napapahiyang sabi ni Pancho habang napapakamot ng kaniyang ulo.

"Pancho, iyon lang ba? Teka, may sorpresa pala ako sa inay mo. Um, Yda! Pakitawag naman si mang Bobby sa loob ng kotse. Pakisabi na ipasok na 'yung binili kong eletric sewing machine!" natatarantang sabi ni Claire kay Yda.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Pancho nang marinig ang sabi ni Claire.

"Wow! Claire, tama ba ang narinig ko? Binili mo si inay ng bagong makinang panahi! Nako po! Claire, nakakahiya naman sa iyo!" napapahiyang sabi ni Pancho.

"Oo, Pancho! Natutuwa kasi ako sa inay mo! At saka karapatan ng inay mo na magkaroon ng bagong makinang panahi. Lalo na't ang inay mo ay napakagaling na mananahi!" natutuwang sabi ni Claire.

Biglang pumunta si Pancho sa kusina at nasasabik na tinawag ang kaniyang inay. "Inay! Hali na po kayo dito sa sala. May espesyal po kayong bisita!"

Biglang napatingin si aling Gina kay Pancho habang humihigop pa ng kape. "O, ano iyan? May pahabol ka pang magandang balita? Ikaw talaga Pancho, halos masamid-samid ako sa gulat sa iyo!" sabi ni aling Gina habang pinupunasan ng tuwalya ang kaniyang bibig.

Nagmamadaling inalalayan ni Pancho ang kaniyang inay papunta sa sala. Nagulat si aling Gina nang makita niya ang bagong makinang panahing de kuryente sa sala ng bahay nila.

"Magandang umaga po, aling Gina. Magpapatahi na po ako sa inyo ng bestida. Kung ayos lang po sa inyo?" nakangiting pagbati ni Claire at saka itinuro ang bagong makinang panahi na nasa gitna ng sala.

Biglang tumulo ang mga luha ni aling Gina. "Claire...oo, puwedeng-puwede kitang tahian ng pinakamandang bestida sa buong mundo! Claire...maraming salamat," biglang niyakap ni aling Gina si Claire.

Bigla namang nagulat si Claire nang bigla siyang yakapin ni aling Gina. "Aling Gina, wala pong anuman. Para po sa inyo talaga 'yang makinang panahi," sabi Claire.

"Claire, labis mong pinaligaya ang aking inay. Hindi ko pala sa iyo nabanggit kagabi na kaarawan niya ngayon. Alam mo ba? Na isang bagong makinang panahi ang kaniyang kahilingan sa kaniyang kaarawan ngayon!" halos maluha na rin si Pancho habang kinakausap si Claire.

"Talaga, Pancho? Kaarawan ng inay mo ngayon? Wow! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon!" nagagalak na sabi ni Claire at agad na lumapit kay aling Gina. Muling niyakap ni Claire si aling Gina at kaniyang pinahiran ng panyo ang tumutulong luha ng kasiyahan ni aling Gina. "Aling Gina, maligayang kaarawan po," nangingiting bati ni Claire sa inay ni Pancho.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Pancho nang makita niya si Claire na pinupunasan ng mga luha ang kaniyang inay. Lalong nuhulog ang kalooban ni Pancho sa ipinakitang kabutihang asal ni Claire.

"Ang suwerte ko kay Claire...bukod sa maganda na, napakabait pa niya talaga!" kinikilig na bulong ni Pancho sa kaniyang sarili habang nahihibang kay Claire.

"Hoy, Pancho! Nakatulala ka diyan! Hindi mo ba aalukin ng almusal sina Claire?" nagtatakang tanong ni aling Gina.

"Ah eh, Oo nga pala C-Claire, baka hindi pa kayo nag-aalmusal nina Yda at mang Bobby. Hali na kayo! Mag-almusal na rin kayo!" napapahiyang sabi ni Pancho.

Nang matapos na mag-almusal ng sabay-sabay sina Pancho, Claire, Yda at mang Bobby. Agad namang sinukatan ni aling Gina si Claire para sa bestidang tatahiin.

"Ayan, Claire. Ayos na! Kaya lang, saan kaya kita ikukuha ng tela para sa tatahiing bestida?" nag-aalalang tanong ni aling Gina.

Biglang sumabat si Yda sa usapan. "Ah eh, aling Gina! huwag na po kayong mag-alala. Alam niyo naman po si Claire, laging handa sa lahat ng oras! May dala na po kaming tela para sa bestida ni Claire!" nagagalak na sabi ni Yda.

"Ah eh, ganun ba? Hay, salamat!" natutuwang sabi ni aling Gina habang inilalagay ang kaniyang lapis sa kaliwang tainga nito. Tinawag ni Claire si mang Bobby para kunin sa loob ng kotse ang napakagandang kulay asul na tela na gagawing bestida ni Claire. Namangha si aling Gina nang makita niya ang kulay asul na tela. "Claire, napakaganda naman ng telang iyan?" namamanghang sabi ni aling Gina nang iabot ni Claire ang nasabing tela.

"Aling Gina, kayo na pong bahala sa disenyo ng bestida. Malaki po ang aking tiwala sa inyo," nakangiting sabi ni Claire.

"Oo, Claire! Hindi kita bibiguin. Pagagandahin ko ang bestidang tatahiin ko para sa iyo," nasasabik na sabi ni aling Gina habang yakap-yakap ang kulay asul na telang mamahalin.

"Aling Gina, maligayang kaarawan po ulit. Gamitin niyo na po 'yung bago niyong makinang panahi. Sige po, aalis na po kami!" nakangiting nagpaalam na si Claire.

"Anak, pakihatid na sina Claire sa labas!" sabi ni aling Gina.

"Opo, inay!" nagagalak na sabi ni Pancho.

Nang makarating na sila sa labas ng bakuran nina Pancho.

"Sige, Pancho! Magkita na lang tayo ulit bukas, ha?! I will miss you!" kinikilig na sabi ni Claire.

"Claire, I will miss you more!" mas lalong kinikilig na sabi ni Pancho.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, agad na hinalikan ni Claire si Pancho sa kanang pisngi. Biglang nakaramdam ng kuryente si Pancho sa kaniyang buong katawan. Napagiling ang kaniyang balakang sa sobrang kilig na kaniyang naramdamn. Hindi inaasan ni Pancho na makakatanggap siya ng isang napakatamis na halik sa kaniyang pisngi mula sa malambot na labi ni Claire.

Tuluyan nang nakaalis na ang kotse ni Claire ngunit hindi pa rin umaalis sa pagkakatayo si Pancho. Hibang na hibang na hinihimas ang kaniyang kanang pisngi kung saan siya ay hinalikan ni Claire. Lubos na kaligayahan ang nararamdaman ni Pancho nang mga sandaling iyon. Nang bigla itong napasigaw ng, "Aray ko!

"Ay patawad! 'Tol! Heto na 'yung hinihiram mong makinang panahi ng lola ko!" nakangiting sabi ni Baste.

"Uy! 'Tol! Ang sakit 'nun ha?! Aray ko! Ang paa ko!" napapangiwing sabi ni Pancho habang hinihimas ang paang nabagsakan ng makinang panahi na dala ni Baste.

"Hay! Nako 'tol, hindi mo lang binasag ang trip ko! Huhuhu! Pati na rin yata ang buto-buto ko sa paa, binasag mo na rin! Ikaw talaga, pambihira ka! Waaah!" humahagulgol na sabi ni Pancho habang patuloy na hinihimas ang paa nitong namamaga na.

End of Chapter 39

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon