KABANATA 30

511 22 3
                                    

Masayang-masaya si Jessa sapagkat kaarawan niya ngayon.

"Inay, nagdasal po ako kagabi na sana regaluhan ako ni kuya Pancho ng wheelchair ngayong kaarawan ko po," nangingiting sabi ni Jessa.

Nangingiti rin si aling Gina sa mga sinasabi ni Jessa habang abala sa pagpupunas ng kariton.

"Sana nga anak matupad na ang iyong pangarap. Hayaan mo pagbalik natin galing sa telahan ipagluluto kita ng paborito mong tinolang tahong!" nangingiting sabi ni aling Gina.

"Inay, wala naman po tayong mga tahong sa kusina, ah?" nagtatakang tanong ni Jessa habang napapakamot ng ulo.

"Jessa, kaya lang nauna na ang mga papaya, luya at mga dahon ng sili sa kusina. Pero 'yung mga tahong, eh! Sasunod na lang natin bilhin kapag nakabenta na tayo ng mga retasong basahan," natatawang sabi ni aling Gina.

"Ayos lang po iyon inay. Kahit ano pong lutong gawin niyo, eh! Napapasarap niyo naman po," nangingiting sabi ni Jessa.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ni aling Gina patungo sa telahan. Napansin niya na mahirap nang itulak ang kariton kung saan nakasakay si Jessa. Nang biglang nagkalasan ang nasabing kariton at tuluyan na ngang nasira ito.

"Naku po! Ano ba iyan? Bumigay na ang kariton natin!" gulat na gulat na sabi ni aling Gina.

"Inay ko po!" sigaw naman ni Jessa. Napapailing si aling Gina habang binubuhat si Jessa at inilagay sa tabing kalsada.

Kinuha rin aling Gina ang tablang de gulong ni Jessa na natabunan ng nasirang kariton.

"Jessa, anak! Mukhang hindi na tayo makakapunta pa sa telahan. Hindi ko na kayang gawin pa itong kariton na lagayan natin ng mga retasong tela!" malungkot na sabi ni aling Gina.

"Inay, di bale po. Mayroon pa naman akong tablang de gulong na masasakyan. Kaya puwede pa po tayong makapunta sa telehan," nangingiting sabi ni Jessa. Muling tinahak ng mag-ina ang kalsada patungo sa telahan nang bigla namang nasira ang tablang de gulong na sinasaksyan ni Jessa.

"Hala! Jessa, anak!" natarantang sigaw ni aling Gina nang mahulog si Jessa sa sinasakyang tablang de gulong.

"Inay, aray ko po!" sigaw ni Jessa habang nagpagulong-gulong sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng maraming sugat si Jessa sa kaniyang pisngi, braso at binti.

"Anak! Ayos ka lang ba? Kaarawan mo pa naman ngayon!" natatarantang sabi ni aling Gina habang binubuhat si Jessa.

Napansin ni aling Gina ang isang pampublikong gamutan na may libreng konsulta sa kabilang kanto. Nagmamadali siyang naglakad patungo doon upang ipagamot ang mga sugat ni Jessa sa katawan.

* * * *

Samantala. Habang papalabas na ang sasakyan ni Claire sa paradahan ng Marikit Produksyon. Napansin ni Claire si Pancho na naglalakad mag-isa.

"Uy Yda! 'Di ba si Pancho iyon?" nagtatakang tanong ni Claire kay Yda. Nagmamadaling pinatabi ni Claire sa kaniyang personal drayber ang sinasakyang kotse sa gilid ng kalsada.

"Ay, oo nga! Si Pancho iyon!" natatarantang sagot ni Yda at sabay na ibinababa ang salamin ng bintana ng kotse.

"Uy, Pancho! Anong ginagawa mo sa labas? Bakit ka nag-iisa? Nasaan si Baste?" nagtatakang tanong ni Yda habang nanlalaki ang butas ng kaniyang ilong.

"Ah eh, Yda! Nagpaalam ako ngayon kina Mam Olivia at bossing Robert na uuwi ako ng maaga. May lakad kasi ako ngayon!

napapahiyang sabi ni Pancho habang napapakamot ng ulo.

"Ha?! Saan ka ba pupunta?" nagtatakang tanong ni Yda.

"Hi, Pancho! Sumabay ka na sa amin! Ihahatid ka namin sa pupuntahan mo!" Sambit pa ni Claire.

"Ay nako po! Huwag na Claire. Nakakahiya naman sa inyo!" napapahiyang sabi ni Pancho habang nangingti pa.

"Sige ka! Kapag hindi ka pumayag babawiin ko iyang apat na libong pisong na binayad ko sa inay mo?" nagtatampong sabi ni Claire kay Pancho.

"Nako! Huwag Claire! Ipambibili ko kasi iyon ng wheelchair ng kapatid kong si Jessa. Kaarawan niya ngayon!" nabibiglang pahayag ni Pancho at saka niya biglang tinakpan ng kamay ang kaniyang bibig na animoy nabuking na kambing.

"Ha? Ganun ba? Pancho, nagbibiro lang ako! Halika na! Sakay ka na, sige na!" nangingiting sabi ni Claire.

"Sige na Pancho. Huwag ka namang maarte diyan, ha?!" sambit pa ni Yda.

Napasakay na rin si Pancho sa kotse ni Claire. Habang nasa loob ng kotse si Pancho tila naiilang at nahihiya pa ito.

"Pancho, tama ba ang aking narinig? Bibilhan mo nga ba ng wheelchair ang iyong kapatid? Anong nangyari sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Claire.

"Ah eh, Claire. Nalumpo kasi ang kapatid kong si Jessa. Nahulog kasi siya sa puno ng duhat habang umaakyat siya upang manguha ng mga bunga nito, eh! Sa kasamaang palad wala kaming perang pampagamot, kaya ayun! Habang buhay na siyang lumpo at hindi na nakakalakad pa," malungkot na sabi ni Pancho.

Biglang naantig ang puso ni Claire sa ikinuwento ni Pancho. "Aww! Ganun ba? Nakakaawa pala ang iyong kapatid," nalulumbay na sabi ni Claire at bigla itong napalingon kay Yda.

"Yda, pakitingnan mo naman ang ikedyul ko ngayon. Anong oras 'yung ribbon cutting sa Spa Saloon?" tanong ni Claire.

"Claire, mga alas-kuwatro pa naman!" nakangiting sagot ni Yda habang binubuklat ang hawak nitong kalendaryong aklat.

"Yda! Magaling!" nakangiting sabi ni Claire. "Pancho, saan ka nga ba pupunta?" tanong ni Claire.

"Ah eh, sa kabilang siyudad doon sa bilihan ng mga kagamitang pangmedikal. Bakit Claire?" nagtatakang sagot ni Pancho.

"Ah eh, sasamahan ka naming bumili ng wheelchair para sa kapatid mo!" nagagalak na sabi ni Claire.

"Nako po. Claire huwag na! Baka makaistorbo pa ako sa mga lakad ninyo?" napapahiyang pahayag ni Pancho.

"Ayos lang Pancho, wala akong lakad sa mga oras na ito. Pupunta lang sana kami sa restawran kaya puwede ka naming samahan ngayon!" nangingiting sabi ni Claire habang inaayos ang kaniyang buhok.

Biglang napanganga si Pancho sa kaniyang narinig. "Ha?! Ah eh--" at bigla siyang nakaramdam ng tuwa kay Claire.

End of Chapter 30

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

 All rights reserved 2017  

No to Plagiarism! 

Everybody have their own unique idea and imagination. There is no room for plagiarism.

PLAGIARISM IS A CRIME!

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  






Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon