Mga ilang saglit pang nakakaraan.
Biglang nakarinig ng katok sa pinto ng kuwarto si aling Gina. "Sino 'yan?" nagtatakang tanong ni aling Gina habang nagkakamot pa ng kilikili.
Nagmamadaling binuksan ni aling Gina ang pinto. Bigla itong nagulat sa kaniyang nakita.
"Maganda araw po!" nakangiting bati ni Claire habang inaayos ang kaniyang buhok.
"Magandang araw din naman po. T-teka...k-kayo po ba s-si Claire? 'Yung sikat na a-aktres?" nauutal na tanong ni aling Gina habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Biglang siyang napalingon kay Pancho at muling humarap kay Claire. Ngunit bago pa makasagot si Claire, agad na lumapit si Pancho sa kanila.
"Ah eh, inay. Tama po kayo. Siya po si Claire. 'Yung pinakamaganda at pinakamahusay na aktres," nangingiting pahayag ni Pancho.
"Kamusta po kayo? Sa inyo po pala namana ni Pancho ang mamula-mulang kutis at mimistisohing itsura niya." nangingiting bati ni Claire habang marahang kinakamayan si aling Gina.
"Ah eh, salamat po. Ay! Ang lambot-lambot po ng inyong kamay," namamanghang sabi ni aling Gina habang namumula ang kaniyang mga pisngi.
Habang nagkakasarapan ng kuwentuhan sina Pacho, Claire at aling Gina. Biglang tinawag ni Jessa si Pancho.
"Kuya Pacho! Si Claire po ba iyan?" nangingiting tanong ni Jessa habang nakaratay sa papag.
Biglang napalingon si Claire kay Jessa. "Oh! Pancho. Siya ba si Jessa?" nagtatakang tanong ni Claire.
"Oo, Claire! Siya nga," sabi ni Pancho at saka nilapitan si Jessa sa papag.
Nagmamadaling lumapit rin si Claire kay Jessa. "Jessa, kamusta ka?" tanong ni Claire.
"Mabuti naman po ako kahit maraming sugat," nangingiting sabi ni Jessa. "Ate Claire, napakaganda niyo po talaga sa personal at ang bango-bango niyo pa po," sabi ni Jessa habang inaamuy-amoy pa niya si Claire.
"Salamat, Jessa," nangingiting sabi ni Claire habang nakaupo sa gilid ng papag ni Jessa.
"Kaya po pala si Kuya hangang-hanga po sa iyo. Para po talaga kayong diyosa ng kagandahan. Halos tuwing umaga po lagi na lang ginising ni inay si kuya Pancho na kayo po ang laging napapanaginipan," natutuwang sabi ni Jessa at saka siya napatingin sa kuya Pancho niya.
"Uy, Jessa! Ikaw bata ka! Napataklesa mo talaga. Binibisto mo si Kuya Pancho. Ayan, o! Namumula na ang kaniyang pisngi sa kahihiyan!" nangingiting pahayag ni aling Gina.
"At laging niyayakap ang kaniyang unan. Mwah! Mwah! Tsup! Tsup! Claire, aking mahal! Ang lagi niyang binabanggit sa tuwing nanaginip siya," natutuwang dagdag pa ni Jessa.
"Wow! Talaga? Nakakatuwa naman pala si kuya Pancho mo, hihihi!" natatatawang sabi ni Claire habang kinikilig pa. At sabay na napatingin kay Pancho.
Patuloy sa pamumula ang pisngi ni Pancho dahil sa hiya kaya naman iniba niya ang usapan. "Uy! Jessa, may sorpresa kami ni ate Claire sa iyo!"
"Wow! Kuya talaga po?" nagagalak na sabi ni Jessa. "Oo, Jessa!" dahan-dahang binuhat ni Pancho si Jessa.
"Jessa baka ito na 'yung kasagutan mo sa iyong dalangin at kahilingan," natutuwang sabi ni aling Gina habang patalon-talon pa dahil sa sobrang kagalakan.
Napansin ni Claire ang pagiging malambing ni Pancho sa kaniyang inay at kapatid na si Jessa. "Napakabait talaga ni Pancho. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya. Hay! Ang pag-ibig nga naman," nangingiting sabi ni Claire sa kaniyang sarili habang patuloy pa rin siyang tahimik na pinagmamasdan si Pancho.
Biglang napatingin si Pancho kay Claire habang binubuhat ang kaniyang kapatid mula sa pagkakahiga sa papag.
Para bang biglang nakarinig ng musika si Claire sa mga oras na iyon. Para siyang sorbetes na natutunaw sa mga titig ni Pancho. At para na namang may makulit na kupidong napadaan at agad na pinana ang kaniyang puso. Bigla muling bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama ng oras na iyon. "Umiibig na ba ako kay Pancho?" nababalisa at natutulirong tanong ni Claire sa kaniyang sarili.
Nang mabuhat na ni Pancho si Jessa. Agad na rin tumayo si Claire sa pagkakaupo sa papag at sumunod na rin siya kina Pancho sa paglabas ng kuwarto.
"Surprise!" sigaw ni Yda at mang Bobby na nasa harapan ng hapag kainan.
Gulat na gulat si Jessa at si aling Gina sa kanilang nakita. Maraming pagkain sa hapag kainan, may mga ibat-ibang kulay ng mga lobo na nakasabit sa paligid at birthday keyk na nakapatong sa gitna ng lamesa.
Biglang lumingon si Pancho kay Claire. "Wow! Claire pati ako nasorpresa, ha?! Paano ninyo nagawang ayusin ang paligid ng ganiyang kabilis?" namamanghang tanong ni Pancho kay Claire.
"Surpise! hahaha!" bukod tanging sagot ni Claire kay Pancho.
Biglang natuwa si Pancho sa ginawang sorpresa ni Claire sa kanilang mag-iina. Biglang kinindatan ni Pancho si Claire. "Maraming salamat, Claire!" nagagalak na sabi ni Pancho habang dahan-dahang niyang inuupo si Jessa sa wheelchair na regalo ni Claire.
Nanlalaki ang mga mata ni Jessa at hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Bumuhos ang sobrang kaligayan sa puso ni Jessa at saka tumingin kay aling Gina. "Inay! Tama po kayo. Natupad na po ang aking mga dalangin. Maraming salamat po, Panginoon! " natutuwang sabi ni Jessa habang hindi magkamayaw sa kaligayahang nadarama. Bigla siyang napatingala sa itaas at nagpasalamat sa Panginoon.
"Oo, anak ko. Sabi ko sa iyo basta magtiwala ka lang sa ating Panginoon. Ang lahat na mga dalingin natin ay ibibigay Niya sa tamang panahon. Huwag tayong maiinip at magsasawang magdasal sa Kaniya. Kaya Jessa, heto na! Dumating na rin ang iyong mga kahilingan!" payo ni aling Gina kay Jessa habang dumadaloy sa kaniyang pisngi ang kaniyang mga luha, ang mga luha ng kasiyahan. Biglang niyakap ni aling Gina si Jessa.
"Kuya Pancho. Maraming salamat po talaga sa regalo ninyo ni ate Claire!" Biglang niyakap ni Pancho si Jessa.
"Basta ikaw Jessa! At mahal na mahal ko kayo ni inay! Dapat din tayong magpasalamat kina Yda at mang Bobby," naluluha na ring pahayag ni Pancho. Pati si Yda at mang Bobby ay mga naiyak na rin sa mga mala-dramang eksena nina Pancho, Jessa at aling Gina.
Biglang lumingon si Jessa kay Claire na tahimik na nagmamasid. "Ate Claire sana po sagutin niyo na po si Kuya Pancho ko. Mabait po siya at pogi pa!" nangingiting sabi ni Jessa kay Claire.
Nagulat si Claire sa sinabi ni Jessa. "Jessa, paano ko naman sasagutin si kuya Pancho mo, eh! Hindi naman siya nanliligaw sa akin. Ang tagal-tagal nga niya, eh! Naiinip na nga ako!" nangingiting sabi ni Claire. Bigla siyang nagulat sa kaniyang sinabi. "Oh my gosh!" Agad na tinakpan ni Claire ng kaniyang kamay ang bibig niyang nadulas. Nanlaki ang mga mata niya at namula ang kaniyang pisngi sa nadulas nitong sinabi.
Biglang nagtawanan sina Yda, mang Bobby at aling Gina sa usapan nina Jessa at Claire.
"Oo nga naman, Jessa! Hayaan mo munang manligaw ang kuya Pancho mo kay Claire!" natatawang sabi ni aling Gina habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha.
Biglang nagkatinginan sina Pancho at Claire na tila napapahiya at pareho pang namumula ang kanilang mga pisngi.
End of Chapter 33
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
No to Plagiarism!
Everybody have their own unique imagination. That's why there is no room for plagiarism.
PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...