KABANATA 17

615 31 1
                                    

Sa kuwarto ng tagalinis. Masayang nag-uusap sina Robert at Rene.

"Bossing, congrats! Tagumpay ang plano natin!" nangingising sabi ni Rene sabay na kinakamayan si Robert.

"Ako pa?! Siyempre, magaling talaga ako!" natatawang sabi ni Robert habang tinuturo ang kaniyang sarili. "Sigurado ako! Sinasabon na ngayon ang dalalawang kolokoy na iyon sa opisina ni Mam Olivia!" dagdag pa niya.

Tinapik ni Rene si Robert. "Ah eh, bossing paano kung mabisto pala tayo?" natatawang tanong ni Rene.

Biglang napalingon si Robert at nagdilim ang mga paningin niya kay Rene. Bigla niyang hinawakan ang kwelyo ng polo ni Rene at sabay na binuhat. "Anong sinabi mo?" nanggigigil na sabi ni Robert.

"Ah eh, bossing. Ang sabi ko po, eh! Paano kung malaman nila na tayo pala yung may kagagawan ng lahat?" nangingising sabi ni Rene habang napapalunok pa ng kaniyang laway.

"Hindi tayo mabibisto! Ayan,eh! Kung kakanta ka sa kanila! Naiintindihan mo ba?!" pasigaw na sabi ni Robert.

"O-opo. N-naiintindihan ko po! Aguy ko!" takot na takot na sabi ni Rene habang patuloy na nanginginig ang kaniyang mga tuhod.

''Ayun naman pala, eh! Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo!" nangingising sabi ni Robert at agad na ibinababa si Rene sa sahig.

* * * *

Samantala sa opisina ni Mam Olivia. Galit na galit na sinesermonan sina Pancho at Baste. Halos umapoy at umusok na sa sobrang galit si Mam Olivia.

"Ano ba naman kayo? Pancho at Baste! Akala ko ba nilinis ninyo ang bulwagan? Eh! Mas lalo ninyo pang dinumihan!" nanggagalaiting sabi ni Mam Olivia habang sinasabunutan niya ang kaniyang buhok dahil sa sobrang galit sa dalawa.

"Nakakainis! Ipinahiya ninyo ako sa mga showbiz reporter pati na rin kay direk at sa iba pang bisita doon, ha?! Ano na lang sasabihin nila? Kesyo pinapabayaan ko itong Marikit Produksyon?!" sigaw ni mam Olivia. "Magsalita kayo?! Anong nangyari sa bulwagan?!"

Nakatungo sina Pancho at Baste halos hindi makatingin ng diretso kay Mam Olivia. "Ah eh, M-Mam Olivia, talaga naman pong nilinis namin 'yung bulwagan," nauutal na sabi ni Pancho habang nakatungo pa.

"M-mam, nagsasabi po talaga ng tutoo si Pancho," malungkot na sabi ni Baste na halos tumulo na ang kaniyang mga luha.

"Kung nilinis ninyo talaga 'yung bulwagan, eh! Bakit ganun na lang kadumi! At bakit mayroon pang mga bahid ng mga pintura ang mga dingding at pati na rin ang mga larawan ng mga artista, aber?" galit na galit na sabi ni Mam Olivia habang napatayo sa kaniyang pagkakaupo.

"Mam Olivia, kahit po kami nagtataka rin po sa nangyari," sabi ni Pancho habang napapakamot pa kaniyang ulo.

"Gusto niyo bang patalsikin ko kayong dalawa sa inyong trabaho?" galit na galit na sabi ni Mam Olivia at tuluyan na ngang tumalsik ang kaniyang mga pekeng pilik mata dahil sa sobrang galit.

"M-mam Olivia, parang awa niyo na po huwag niyo po kaming tanggalin sa trabaho. Mayroon po akong inay na tinutulangan at kapatid na may kapansanan. Umaasa po sa sila sa akin. Parang awa niyo na po," napaluhod at dahan-dahang umaagos ang mga luha ni Pancho habang nagmamakaawa kay Mam Olivia.

Humagugol na rin si Baste. "Mam, parang awa niyo na po. Huwag niyo po kaming tanggalin sa trabaho ni Pancho. Nagmamakaawa po kami sa inyo. Kailangang-kailangan po ng lola ko ang pambili ng mga gamot para sa kaniyang sakit sa puso! " pakiusap ni Baste habang lumuluha na rin ang kaniyang mga mata.

Biglang naantig naman ang puso ni Mam Olivia kina Pancho at Baste. Napaiyak na rin si Mam Olivia. Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bag at sabay na ipahid sa mga mata niyang lumuluha.

"Ano ba naman kayo? Pati ako nahawa na sa kakaiyak ninyo," sabi ni Mam Olivia at sabay na siningahan ang hawak niyang panyo. "Teka, makinig kayong dalawa sa akin! Bibigyan ko pa kayo ng pangalawang pagkakataon ngunit sa isang kondisyon! Iyan ay kung malilinis ninyong muli ang bulwagan sa loob ng isang oras. Hindi ko na kayo patatalsikin pa dito sa Marikit Produksyon!" sabi ni Mam Olivia habang patuloy na nagpapahid ng luha at sabay singhot sa kaniyang panyo.

Biglang natigil sa pagbuhos ng mga luha ang mga mata nina Pancho at Baste nang marining ang magandang sinabi ni mam Olivia.

"Mam, talaga po? Hindi niyo na po kami tatangalin sa trabaho?" biglang napatalon si Pancho sa galak. "Mam, maraming-maraming salamat po!" dagdag pa ni Pancho.

Napatalon rin si Baste sa sobrang saya. "Hay! Nako po mam! Ito po ang pinakamasayang araw ko!" nagagalak na sabi ni Baste.

"Iyan ay kung magagawa ninyo ang aking kondisyon! Hmmm!" sabi ni Mam Olivia habang nakataas pa ang kaniyang kaliwang kilay.

"Opo mam! Gagawin po namin ang inyong ipinag-uutos. Sisikapin po naming gawin ang inyong kondisyon." masayang sabi ni Pancho.

"Sige na! Umalis na kayong dalawa sa harapan ko! Tama na ang mga drama ninyo, tse!" bigla na namang nagmasungit si Mam Olivia.

"Sige po mam. Aalis na po kami. Maraming salamat po ulit," sabay na sinabi Pancho at Baste.

Masayang nagpaalam na ang dalawa at tuluyan nang umalis sa opisina ni Mam Olivia.

End of Chapter 17

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things,  events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  


Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon