Sa kantina ng Marikit Produksyon. Habang nagmemerienda si Yda. Napalingon si Yda at napansin niya si Pancho habang naglalampaso sa labas. Agad na tumayo si Yda sa pagkakaupo at nilapitan si Pancho.
"Hoy, Pancho!" nakangiting sigaw ni Yda at sabay tapik sa braso ni Pancho.
Biglang napalingon at tila nagulat pa si Pancho. "Uy, Yda! Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ni Pancho kay Yda.
"Hindi ba halata! Siyempre nagmemerienda. Ikaw talaga Pancho patawa ka lagi!" natatawang sabi ni Yda.
"Halika. Sabayan mo akong kumain. Ililibre kita. Anong gusto mong kainin?" alok ni Yda habang hinihila ang kamay ni Pancho papasok ng kantina.
"Ah eh, Yda. Huwag na, busog pa ako?" nahihiyang sabi ni Pancho habang hawak ang sikmurang kumakalam sa gutom. " At saka baka makita ako ni Mam Olivia. Mapagalitan na naman ako," nangingiting sabi ni Pancho sabay kamot sa kaniyang ulo, "Pero kung pipilitin mo ako. Sige puwede na rin," dagdag pa ni Pancho habang nanlalaki ang kaniyang mga mata sa mga nakikitang masasarap na pagkain sa estante ng kantina.
Umorder na si Pancho ng dalawang pirasong turon, isang platitong leche plan, isang platong pancit canton, isang baso ng halo-halo espesyal at isang basong sago't gulaman. Nagulat at nanlaki ang mapupungay na mga mata ni Yda sa mga inorder ni Pancho. Hindi niya akalin na ganun pala kalakas kumain si Pancho.
"Uy Pancho! Para ka palang kabayo kung kumain!" nangingiting sabi ni Yda na halos umabot na hanggang tainga ang kaniyang labi sa pagkakangiti.
"Yda, salamat nga pala at nilibre mo ako. Alam mo naman na masamang tumanggi sa grasya 'di ba?" nakingiting sabi ni Pancho habang hinahalo ang inorder niyang isang baso ng halo-halo espesyal.
"Pancho, nakita pala kita kanina na kinakausap ni Mam Olivia?" nagtatakang tanong ni Yda habang nakatingin ito sa halo-halo espesysal ni Pancho.
"Ah eh, ano? Nagpasalamat lang si Mam Olivia sa amin ni Baste kasi nalinis naming mabuti yung mga kalat sa bulwagan," nakangiting sabi ni Pancho at saka kinagat ang turong malutong.
"Ah, ganun ba? Congrats! Tama lang pala na ilibre kita ngayon!" nakangiting pinuri ni Yda si Pancho.
Hindi na binanggit pa ni Pancho ang iba pang pangyayaring naganap sa loob ng bulwagan. Ingat na ingat siyang mabisto tungkol sa kaniyang mahiwagang lampaso. Napunta ang usapan nila ni Yda tungkol kay Claire nang kamustahin niya si Claire kay Yda.
"Yda, kamusta na pala si Claire? Sana humupa na ang galit niya sa akin!" nag-aalalang sabi ni Pancho.
"Hay, nako Pancho! Alam mo ba na kabaliktaran iyang iniisip mo? Tuwang–tuwa kaya sa iyo si Claire," nangingiting sabi ni Yda.
Nagulat si Pancho at biglang natuwa sa sinasabi ni Yda at halos mabulunan na siya habang kumakain ng pancit canton.
"A-ano, tutoo ba 'yang sinasabi mo Yda? Weh, di nga?" nagtatakang tanong ni Pancho at halos lunukin na lang ang kaniyang kinakaing pancit canton dahil sa sobrang tuwa.
"Oo, tutoo 'yan! Anong akala mo sa aking echosera?" sabi ni Yda habang tumaas ang kaniyang kanang kilay.
"Wow! Sa wakas napansin din ako ni Claire! Woohoo!" biglang napatayo at napasigaw si Pancho sa sobrang tuwa. Nagulat at napalingon kay Pancho ang mga taong kumakain sa loob ng kantina.
"Hoy Pancho! Ano ka ba? Huwag kang gumawa ng eksena dito. Umupo ka nga! Pati ang mga tao dito ginulat mo!" napapahiyang sabi ni Yda kay Pancho habang napapalingon sa paligid.
End of Chapter 22
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...