KABANATA 26

586 27 3
                                    

Sa kuwartong bihisan ni Claire. Abalang-abala itong nagsusukat ng kaniyang kasuutan na gagamitin sa fantaserye.

"Yda, pakisara nga ang siper ng kasuutan ko!" nagmamadaling utos ni Claire.

Biglang nagtaka si Yda. "Claire! Eh, bakit ito ang isusuot mo? Hindi ba masikip na sa iyo ang kasuutan na ito?" sabi ni Yda habang pilit na isinasara ang siper sa likuran ni Claire. Nang biglang napunit ang bahagi ng likuran ng kasuutan. "Heto na nga ba ang sinasabi ko sa iyo Claire, eh!" sabi ni Yda habang napapailing pa.

"Oh no?!" gulat na gulat na sabi Claire. "Yda! Pakitawagan mo naman ang mananahi sa ikatlong palapag! Dali!" natatarantang utos ni Claire.

"Okey! Huminahon ka! Tatawagan ko na ngayon!" nagmamadaling sabi ni Yda at saka tumawag sa telepono.

Habang may kausap si Yda sa telepono. Bigla itong napangiwi at sabay tingin kay Claire na patuloy pa ring nababalisa sa pagkapunit ng kaniyang kasuutan. Agad na lumapit si Yda kay Claire.

"Claire huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, ha?" nag-aalalang sabi ni Yda.

"Sige lang, Yda! Kalmado na ako!" sabi ni Claire habang nagpapaypay ng kamay sa kaniyang mukha.

"Claire. Wala daw mananahi ngayong araw na ito," nangingiwing sabi ni Yda.

"Ha?! Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Claire habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Wala daw si Madam Katrina. Umalis daw! Pumunta sa telahan at sa isang araw pa raw papasok!" nag-aalalang sabi ni Yda. Si Madam Katrina ang mananahi ng Marikit Produksyon. Walang ibang puwedeng gumalaw ng mga kasuutan ni Claire kundi si Madam Katrina lang.

"Ano na ang gagawin natin niyan?" nag-aalalang tanong ni Claire.

"Claire, huwag kang mag-alala at hahanap ako ng paraan!" sabi ni Yda at tinulungan na niya si Claire na makapagpalit ng ibang kasuutan.

Nang makagpalit na ng kasuutan si Claire. Kinuha ni Yda ang nasirang kasuutan. Tiniklop niya ito at saka inilagay sa kahon. Agad na nagpaalam pasamantala si Yda kay Claire. Nagtaka naman si Claire nang biglang umalis si Yda. Pagkalabas ng pinto ni Yda, nagmamadaling siyang naglakad. Patingin-tingin siya sa paligid na para bang mayroong hinahanap. Hanggang sa bigla silang nagkabunguan ni Pancho.

"Oops! Ay! Nako sorry, Yda!" nagulat na sabi ni Pancho.

"Bakit parang nagmamadali ka? Ayan tuloy nabunggo kita!" nagtatakang sabi ni Pancho habang pinupulot ang nahulog na kahon sa sahig at agad na inabot kay Yda.

"Nako, sorry Pancho! Actually, ikaw talaga ang hinahanap ko!" natutulirong sabi ni Yda.

"Ako?! Bakit naman?" nagtatakang sabi ni Pancho.

"Ah eh, di ba? Mananahi ang inay mo?" nahihiyang tanong ni Yda.

"Oo, bakit mo naman naitanong?" nagtatakang sabi ni Pancho habang napapakamot ng ulo.

"Ah eh, kasi ipapaayos ko sana itong kasuutan ni Claire. Napunit kasi nang isinara ko ang siper ng kasuutang ito!" nangingiwing sabi ni Yda at sabay niyang inilapit ang hawak na kahon sa mukha ni Pancho.

"Ah, ganun ba? Oo, tama ka Yda. Mananahi nga ang inay ko pero mananahi ng mga retasong basahan tulad nitong hawak ko!" sabi ni Pancho sabay angat sa hawak niyang lampaso.

"Baka puwede naman! Sige na, Pancho!" nagmamakaawang pakiusap ni Yda.

"Okay, sige! Basta ikaw, malakas ka sa akin, eh! Pero walang sisihan kung magmukhang retasong basahan ang kasuutan ni Claire, ha?" nangingiting sabi ni Pancho.

Tuwang-tuwa si Yda at bigla niyang ibinaba ang hawak na kahon at saka niyakap si Pancho. Biglang nanlaki ang mga mata ni Pancho.

"Uy, Yda! Ano ka ba? Baka may makakita sa atin! Ano na lang ang sasabihin nila!" nag-aalalang sabi ni Pancho at sabay na umatras sa kaniyang pagkakatayo.

"Nako sorry! Nabigla ako! Natuwa lang kasi ako sa iyo dahil napakabait mo talaga! Salamat ulit at pumayag ka!" natutuwang sabi ni Yda.

"Ayos lang iyon, Yda! Basta inuulit ko, ha! Walang sisihan!" nangingiting sabi ni Pancho.

"Oo, pangako! Walang sisihan!" nangingiting sabi ni Yda at saka masayang nagpaalam kay Pancho.

Bumalik na si Pancho ng kuwarto ng mga tagalinis. Ipinatong niya ang kahon sa ibabaw ng lamesa. Napansin niya si Baste na nakaupo at mukhang malungkot.

"Uy, 'tol! Anong ginagawa mo diyan? Tapos mo na bang linisin ang opisina ni Mam Olivia?" nangingiting tanong ni Pancho.

Biglang nagtaka si Pancho nang hindi pa rin siya pinapansin ni Baste. Kikilitiin na sana ni Pancho si Baste sa kilikili ngunit biglang tinabig ni Baste ang kamay ni Pancho.

"Uy, 'tol! Bakit nananahimik ka diyan? Naninibago tuloy ako sa iyo! May problema ka ba?" pag-aalala ni Pancho

Biglang tumayo si Baste sa kaniyang pagkakaupo. "'Tol wala namang ganyanan! Bakit mo naman inagaw sa akin si Yda? Akala ko pa naman eh, magkaibigan tayo?" naiinis na sabi ni Baste habang namumugto na ang kaniyang mga mata at saka biglang napadabog sa lamesa.

"Uy, 'tol huwag ka ngang magdrama diyan? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Pancho habang napapakamot ng ulo. "Wala kaming relasyon ni Yda at alam mo iyan, 'di ba? Iyan ang tutoo!" paliwanag ni Pancho habang napapailing pa.

"Huwag mo nga akong lokohin! Kitang-kita ng dalawa kong mata. Nagyayakapan kayong dalawa ni Yda sa labas! Sige nga, paano mo maipapaliwanag ang mga 'yon?" naiinis na sabi ni Baste. "Pinagkatiwalaan pa naman kita 'tol! Tapos ganito lang? Lolokohin mo lang pala ako?! Binalewala mo ang ating mabuting samahan. Bakit naman ganun 'tol?! It's unfair! Ang sakit-sakit! sa dibdib!" dagdag pa ni Baste habang umaagos ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.

Biglang natawa si Pancho nang marinig ang mga sentimyento ni Baste. "Uy 'tol! Iyon ba ang pinuputok ng butse mo? 'Yung nakita mo kanina, walang malisya 'yun!" sabi ni Pancho habang napapakamot ng ulo.

Biglang napalingon si Baste at nagtataka. "Huh?! Tutoo ba 'yang sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Baste habang pinupusan niya ang mga luha ng kaniyang mga mata.

"Ganito kasi ang nangyari! Humingi ng pabor si Yda sa akin. Nakikiusap siya na kung puwede raw na tahiin ng inay ko ang napunit na kasuutan ni Claire. Eh, nung pumayag ako. Bigla niya akong niyakap. Nagulat nga ako! Halos hindi nga ako makakilos ng oras na iyon. Pero nag-sorry naman siya agad. Nabigla lang daw siya kaya napayakap siya sa akin. Hiyang-hiya nga si Yda sa nangyaring iyon!" paliwanag ni Pancho at saka tinapik sa likod si Baste. "At saka wala iyon! Alam mo namang si Claire ang gusto ko, 'di ba?" nangingiting sabi ni Pancho.

"Ah, ganun ba, 'tol? Nako po! Pasensya na at nagdrama ako sa iyo!" napapahiyang sabi ni Baste at sabay pahid ng panyo sa kaniyang sipon na tumutulo. "Bigla tuloy akong nahiya sa iyo, 'tol! Mabuti na lang at nag-usap tayo ng mahinahon. Iba talaga, kapag pinag-uusapan ang mga hindi pagkakaunawaan ng magkakaibigan. Sa susunod dapat alamin ko muna ang buong pangyayari bago ako manghusga. Masama talagang manghusga ng kapwa. Muntikan na tuloy tayong mag-away at magsuntukan! Ano ba iyan? 'Tol, patawad at hinusgahan kita agad!" napapahiyang sabi ni Baste kay Pancho.

"Ayos lang! Nauunawaan kita. Ano 'tol? Bati na tayo?" nangingiting tanong ni Pancho.

"Oo 'tol, bati na tayo! Ikaw ang aking bestfriend forever!" nakangiting sabi ni Baste sabay na kinamayan si Pancho. Nag-akbayan ang magkaibigan at saka nagtawanan.

End of Chapter 26

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  


Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon