Kinabukasan ng umaga. Iika-ikang naglalakad si Pacho kasama ni Baste patungo sa sakayan ng dyip. Nang makarating na sila doon. Medyo mahaba na ang pila at habang nag-aantay sa pagdating ng dyip na isasalang, hindi maiwasan ni Pancho na pagalitan si Baste.
"'Tol, grabe ka talaga! Tingnan mo itong ginawa mo sa aking paa namamaga na! Malapit pa naman na ang gabi ng parangal!" naiinis na sabi ni Pancho kay Baste habang itinuturo ang kaniyang kanang paa na may benda.
"'Tol, na naman. Hindi ko naman sinasadya, eh. Malay ko ba na hibang na hibang ka ng mga oras na iyon. Nang inaabot ko sa iyo 'yung makinang panahi ng lola ko, hindi mo naman pala ako nariririnig. Hahaha! Ayan tuloy, nabagsakan 'yang paa mo!" nangingiting sabi ni Baste.
"Ikaw talaga! Imbes na maaawa ka sa akin, eh! Pinagtatawanan mo pa ako!" naiinis na sabi ni Pancho habang napapailing pa.
"'Tol, huwag kang mag-aalala! Sigurado ako bago pa dumating ang gabi ng parangal, eh! Magaling na 'yang paa mo. Isang hilot lang 'yan ni Claire, tiyak tanggal ang pamamaga niyan! Hahaha!" natatawang sabi ni Baste.
Biglang sumigaw ang taga-sigaw ng dyip. "O! Mga kuya at ate, nandito na ang dyip! Sakay na po kayo! Pakibilisan po! Buhol-buhol na naman ang mga sasakyan dahil sa trapiko!"
Sumakay na si Pancho sa dyip habang inaalalayan naman ni Baste.
* * * *
Sa Marikit Produksyon. Masayang nag-uusap sina Claire at Yda sa kanilang kuwartong bihisan.
"Yda, nasasabik na talaga ako! Sigurado ako na maganda ang bestidang tatahiin ni aling Gina para sa akin! Hindi na ako makapag-antay pa! Hihihi! " nasasabik na sabi ni Claire habang naglalagay ng hikaw sa kaliwang tainga nito.
"Claire, oo naman. Iba talagang manahi sa aling Gina. Napakapulido pa. Parang si Pancho, ang galing maglinis ng paligid natin at magaling din manungkit ng puso....puso mo, Claire! Hahaha!" pabirong sabi ni Yda habang inaayos ang mga damit ni Claire sa aparador.
"Uy! Ikaw talaga Yda, ha? Loka-loka ka! Hahaha!" natatawang sabi ni Claire.
"Claire, bakit tinamaan ka? Chos!" tanong ni Yda.
End of Chapter 40
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay
All rights reserved 2017
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
BINABASA MO ANG
Si Pancho at ang Mahiwagang Lampaso
AdventureWattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reserved 2017 First Published May 7, 2017 Story Started: May 7, 2017 All rights reserved. No part of this...