KABANATA 45

434 16 7
                                    

Nang makarating silang apat sa harapan ng pintuan ng bulwagan ng Marikit Produksyon, maraming mga tagahanga at mga showbiz reporter ang naghihintay sa gilid ng pulang karpet. Napakaligaya ng kapaligiran. Ang mga nagkikinangang mga bituin ay para bang nagsibabaan sa lupa mula sa kalangitan para sa gabi ng parangal. Halos lahat ng mga artista ng Marikit Produksyon ay nagkakatipon-tipon sa iisang espesyal na okasyon.

Sinalubong sila ng isang magandang babaeng tagapakinayam ng pulang karpet. "Magandang gabi, Claire! At pati na rin sa iyong mga kasama!" nakangiting pagbati ng babaeng tagapakinayam at saka napatingin kay Pancho. "Wow! Claire, namumukod tangi ang iyong kagandahang ngayon gabi at sino naman iyang napakasuwerteng lalaking kasama mo?" namamanghang tanong ng babaeng tagapakinayam habang papungay-pungay pa ng mga mata habang nagpapapansin kay Pancho.

"Um, maraming salamat sa iyong papuri! Siya si Pancho, ang aking mabait at guwapong nobyo!" pagmamalaking sagot ni Claire sa tanong ng babaeng tagapakinayam.

"Ah, ganun ba? Bagay na bagay kayong dalawa!" napapahiyang sabi ng babaeng tagapakinayam. "Sayang, hmp!" sambit na pabulong niya sa kaniyang sarili at saka tinalikuran sina Claire at Pancho.

Napalingon si Claire sa gilid ng pulang karpet nang tawagin siya ng mga showbiz reporter at ng kaniyang mga tagahanga.

"Wow! Ayan na si Claire! Claire! Ang ganda-ganda mo talaga!" sigaw ng isang babaeng tagahanga.

"Claire, sino iyang konsorte mo? Iyan ba ang bago mong kapareha sa pelikula?" sigaw ng isang reporter ng telebisyon.

"Claire, palitrato naman, o!" sigaw ng isang reporter ng magasin.

"Uy! Claire, ang ganda mo talaga! Puwede ba kitang maging syota?" sabi naman ng isang binatang tagahanga.

Kinuyog ng mga tanong at komento si Claire sa kalagitnaan ng pulang karpet ngunit ngiti at kaway lamang ng kaniyang kamay ang kaniyang tanging ibinahagi.

Tuluyan na silang pumasok sa loob ng bulwagan. Hindi magkamayaw si Pancho sa kaniyang nakikitang tanawin sa kapaligiran. Halos malula siya sa mga naggagandahan at naggugawapuhang mga artista. Bumuhos ang labis na kasiyahan sa kaniyang puso. Ito ang una niyang pagkakataong dadalo ng isang espesyal at magarbong okasyon na napapaligiran ng mga ibat-ibang bituin sa mundo ng showbiz.

Habang inaantay ng lahat ang pormal na pagsisimula ng gabi ng parangal. Kamustahan at kuwentuhan ng mga kapwa artista ang nangingibabaw ng mga sandaling iyon. Hindi pa man nahihirang bilang pinakamagaling na aktres ng taong ito si Claire, marami na ang maagang bumabati sa kaniya.

Masayang ipinagmamalaki at ipinakikilala ni Claire si Pancho sa kaniyang mga kaibigang artista. Panay ang pamumula ng pisngi ni Pancho sa tuwing pinupuri ang kaniyang angking kaguwapuhan. Naiilang at hiyang-hiya si Pancho kapag siya ay binabati ng mga artista. Sobra ang kaniyang pagkanerbiyos ng mga oras na iyon ngunit hindi niya ito pinapahalata sa lahat. Mga ilang sandali pa ang nagdaan biglang nagpaalam si Pancho kay Claire upang pumunta sa banyo.

Samantala, sa kabilang dulo ng bulwagan, nakatayo naman si Robert na nakasuot rin ng barong tagalog.

"Bossing Robert, ang guwapo niyo talaga! Congrats! Alam ko na kayo pa rin ang tatanghaling pinakamasipag na tagalinis ngayong taon! Walang binatbat iyang mga baguhang sina Pancho at Baste!" nangingising sabi ni Rene.

"Rene, alam mo na ang gagawin mo, ha? Kapag ikaw naman ang papalaring magwawagi ngayong gabi, hindi mo tatanggapin ang tropeo bagkus sa harapan mismo ng entablado ibibigay mo sa akin ang tropheo at ako ang iyong tatanghaling pinakamasipag na tagalinis! Maliwanag ba, Rene?" nangingising sabi ni Robert habang inaayos ang kaniyang suot na barong tagalog.

"Opo bossing, masusunod ang lahat na iyong ninanais!" nangingiting sabi ni Rene habang patuloy sa pagpupunas ng sapatos ni Robert.

"Rene, puwede ba? Tigilan mo na iyang kakapunas sa aking sapatos at baka mapudpod na iyan!" naiiritang sabi ni Robert at saka pahapyaw na binatukan si Rene.

"Aguy ko po, bossing!" nagulat na sabi ni Rene at sabay talsik ng kaniyang pustiso sa sahig.

"Rene, tumabi ka nga diyan sa daraanan ko! Pupunta lang ako sa banyo!" naiinis na sabi ni Robert at sabay na sinipa si Rene habang nagkukumahog na hinahanap ang kaniyang pustisong tumalsik sa sahig.

Nang makapasok si Robert sa loob ng banyo. Agad siyang humarap sa salamin. "Robert, ikaw ang muling mananalo ngayong gabi ng parangal! Wala! Panis iyang si Panchong mestisong bangus na iyan!" nangingising sabi ni Robert sa kaniyang sarili. Nagulat at napalingon si Robert sa paligid nang biglang may nagbuhos ng tubig sa inidoro sa isa sa mga kubikulo ng banyo. Nanlaki ang mga mata ni Robert nang makita niya si Pancho nang biglang lumabas ng kubikulo ng banyo.

Nagmamadaling pumunta si Pancho sa lababo at agad na hinugasan ang kaniyang mga kamay. Napalingon siya kay Robert. "Uy! Bossing Robert, nandito po pala kayo! Good luck po sa atin, ha? Nawa ang pinakamahusay po na tao ang manalo!" nakangiting sabi ni Pancho at sabay niyang inaabot ang kaniyang kamay kay Robert upang makipagkamay.

Biglang napatingin si Robert sa kamay ni Pancho na tila nandidiri pa. "Hehehe! Pancho, manalo-matalo, kaibigan pa rin kita! Ah eh, kanina ka pa ba diyan sa kubikolo? Siya nga pala, poging-pogi ka diyan sa suot mong barong tagalog, ha? Parang ako lang! Hehehe!" nangingising sabi ni Robert habang nandidiring nakikipagkamay kay Pancho.

"Opo, Bossing Robert! Pasenya na po. Medyo kumulo lang po ang tiyan ko kanina. Ganito po kasi ako kapag ninenerbiyos. Hehehe!" napapahiyang sabi ni Pancho.

End of Chapter 45

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

No to Plagiarism!

Everybody have their own unique idea and imagination. There is no room for plagiarism.

PLAGIARISM IS A CRIME!

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author  







Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon