KABANATA 14

646 27 1
                                    

Sa isang sikat na restawran. Masayang nag-uusap sina Claire at Yda Habang kumakain.

"Claire, baka makita tayo dito ni Darius.Tiyak mabibisto tayo niyan. Ang pagkakaalam niya nasa bakasyon ka!" nag-aalalang sabi ni Yda habang hinihiwa ang bistek sa kaniyang pinggan.

"Yda, masyado ka namang matatakutin," sabi ni Claire habang hawak ang baso ng alak, "At bakit ako matatakot? Manloloko siya at mambobola pa! Kaya nga lumalayo na ako sa kaniya. Hindi siya matinong nobyo!" sabi ni Claire habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. "Siya nga pala. Sino nga ulit 'yung bagong tagalinis na naglampaso sa kuwarto ko?" tanong ni Claire.

"Ay nako, Claire! Napaka-ulyanin mo, talaga! Si Pancho nga iyon! Siya 'yung bagong pasok ng tagalinis ng Marikit Produksyon," sagot ni Yda kay Claire.

Biglang nag-iba ang kilos ni Claire at umalingaw-ngaw ang halakhak nito sa paligid. "Sa tingin ko, guwapo po siya at nakakatuwa rin siya! Nakita mo ba iyung ikinilos niya nang magulat siya sa sigaw ko. Nakakatuwa talaga siya!" sabi ni Claire na para bang kinikiliti sa kilikili sa kakahalakhak.

"Claire, siya nga pala. Hinahangaan ka ni Pancho. Nabanggit niya sa akin iyon," nakangiting sabi ni Yda habang nagpupunas ng panyo sa kaniyang bibig.

"Talaga?!" nakangiting tanong ni Claire habang nakatingin sa kawalan, "Bakit sa tuwing nakikita ko siya? Parang gumagaan ang pakiramdam ko," masayang sabi ni Claire kay Yda.

"Huwag mong sabihin na may pagtingin ka na kay Pancho nang dahil sa amoy ng sukang puti? Echos!" pabirong sabi ni Yda habang humahalakhak.

"Siguro nga Yda... siguro nga---" sagot ni Claire habang tinatanaw sa malayo ang isang tagalinis ng restawran na naglalampaso ng sahig.

"Weh, hindi nga?" pabirong sagot ni Yda.

Napansin ni Yda na malayo ang tingin ni Claire at agad naman niyang sinundan ang tinatanaw ni Claire sa malayo, ang tagalinis ng restawran habang naglalampaso ng sahig. Biglang natahimik si Yda sa kaniya ring nakita. Hindi niya maipaliwanag ang biglang kakaibang kaniyang nararamdam.

End of Chapter 14

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon