KABANATA 41

446 16 5
                                    

Samantala. Sa kuwarto ng mga tagalinis.

Hindi mapakali si Robert na tila may hinahanap. Paikot-ikot siya. Halughog dito, halughog doon.

"Nasaan na kaya ang lampasong iyon? Ang alam ko dito lang niya sa banyo isinasabit iyon," naiinis na sabi ni Robert sa kaniyang sarili. Tagaktak na siya ng pawis sa kakahanap sa mahiwagang lampaso ngunit bigo pa rin siya sa kaniyang paghahanap. Napansin siya ni Rene habang nagkakamot ito ng kaniyang likurang may buni.

"Bossing 'Bert, kanina na pa kayo diyan aligaga. Anong hinahanap niyo? Kung 'yung malaking daga ang hinahanap niyo po, eh! Nahuli ko na po. Pinakawalan ko na sa kanal sa may garahe ng gusali!" nagtatakang tanong ni Rene habang patuloy na kinakamot ang nangangati niyang likuran may buni.

"Rene, Hindi daga ang hinahanap ko, 'yung lampaso ni Pancho!" natutulirong sabi ni Robert habang panay ang halughog sa paligid.

"Bossing! Hanap kayo ng hanap dito sa loob baka naman nagliliwaliw lang kung saan 'yun? 'Di ba nakakalipad 'yun?" natatawang sabi ni Rene.

Biglang nagpantig ang tainga ni Robert nang marinig ang biro ni Rene at saka niya ito pahapyaw na binatukan.

"Aguy ko! Bossing kayo naman, hindi mabiro!" napapangiwing sabi ni Rene habang hinihimas niya ang kaniyang batok.

"Rene, ngayong alam na natin ang sikreto ni Pancho. Kailangan nating dispatsahin ang mahiwagang lampaso para hindi na makaporma iyang si Pancho!" naiinis sabi ni Robert.

Mayroon pa sanang sasabihin si Robert kay Rene nang biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Baste.

Biglang napalingon si Baste kina Robert at Rene. "Uy! Bossing Robert, mukhang seryoso po ang pinag-uusapan ninyong dalawa diyan? Ano pong ganap? Baka puwede ninyo naman pong ibahagi akin," nakangiting sabi ni Baste.

"Wala lang, pinagsasabihan ko lang itong si Rene na, kolektahin na ang mga lampasong gutay-gutay na ginagamit ninyo para mapalitan na ng mga bago!" nangingising sabi ni Robert habang inaakbayan si Rene.

"Ah, ganun po ba? Tamang-tama po. Heto po ang lampaso ko, medyo gutay-gutay na rin po. Buti na lang at nabanggit niyo po!" nagagalak na sabi ni Baste.

"Rene, ikuha mo nga sa aparador ng bagong lampaso si Baste. Heto ang susi ng aparador, bilis!" pagmamadaling utos ni Robert kay Rene.

"Opo, bossing!" nagkukumahog na sagot ni Rene at natatarantang binuksan ang aparador.

Nang makakuha ng bagong lampaso si Rene, agad nitong inabot kay Baste. "Baste, heto na ang iyong bagong-bagong lampaso. Kumikintab-kitab pa iyan sa sobrang kaputian. Amoy pabango pa ni Mam Olivia! Hehehe!" nangingising biro ni Rene.

Malugod na tinanggap ni Baste ang nasabing bagong lampaso. Nagpasalamat siya sa mag-amo at nagmamadaling umalis.

"Nako po, bossing! Muntik na po kayong mabisto ni Baste!" nababalisang sabi ni Rene.

"Hay nako, Rene! Ako pa ang sinisisi mo, eh. Ikaw nga itong hangal diyan. Tinatanong mo pa sa akin kung ano ang hinahanap ko! Nakakairita ka talaga!" naiinis na sabi ni Robert habang patuloy pa rin sa paghalughog ng buong paligid ng kuwarto.

Maya-maya pa. Biglang pumasok si Pancho sa loob ng kuwarto na iika-ika pang maglakad.

Muling nagulantang na naman ang mag-among si Robert at Rene.

"Pancho! Kamusta ka na? Mukhang iika-ika kang maglakad, ah? May benda pa 'yang paa mo? Napaano ka ba?" tanong ni Robert at saka inakbayan pa si Pancho.

"Ah eh, bossing Robert! Ayos lang 'to, nabagsakan lang naman ng gulong ng makinang panahi kahapon!" nangingiting sagot ni Pancho sabay turo sa kaniyang paang nakabenda.

"Ah ganun ba? Kawawa ka naman pala. Sana tinext mo na lang ako na hindi ka makakapasok ngayon. Madali lang naman akong kausap, Pancho!" nangingising sabi ni Robert.

Agad namang inalis ni Pancho ang braso ni Robert sa pagkaka-akbay sa kaniyang balikat. "Ah eh... bossing Robert, kaya ko pa naman pong gampanan ang aking trabaho ngayon!" nakangiting sabi ni Pancho.

"Pancho, huwag kang mahihiya sa akin. Kung gusto mong umuwi ng mas maaga sa trabaho mo, basta magsabi ka lang. Ayos ba?" nangingising sabi ni Robert.

"Hindi na po kailangan, bossing Robert. Kaya ko pa po ang sarili ko!" pagmamalaking sabi ni Pancho.

"Basta, kung talagang hindi mo kayang pumasok ng buong maghapon, lumapit ka lang sa akin. Papayagan kitang umuwi ng maaga ngayong araw na ito," nangingising sabi ni Robert.

"Salamat po, bossing Robert sa iyo pong pag-aalala," nakangiting sagot ni Pancho.

"At nang sa gayun, eh! Walang mang-iistorbo sa akin sa pagdidispatsa diyan sa mahiwagang lampaso mo," sambit pa ni Robert habang bumubulong sa kaniyang sarili.

"Ano po iyon? Parang kinakain niyo po kasi yung sinasabi niyo!" nagtatakang tanong ni Pancho habang napakunot nang kaniyang nuo.

"Hahaha! Ang sabi ko, mukhang sineseryoso mo ang pagiging nominado mo bilang pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon, ha? Di ba, Rene?" nanunuyang sabi ni Robert.

"Opo bossing! Hehehe!" sagot naman ng sipsip na si Rene na animoy isang kuhol na nakadikit sa mabatong pusali.

"Ah, ganun po ba? Bossing Robert, alam ko namang walang makakatalo po sa inyo. Biruin niyo po, sampung taong magkakasunod na kayo po ang palaging nanalo bilang pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon! Nako po! Ano naman po ang laban namin ni Baste na parehong baguhan lang po dito sa kumpanyang ito!" mapagkumbabang sabi ni Pancho. "Ah eh, paumanhin po muna, kukunin ko lang po 'yung lampaso ko!" iika-ikang naglakad si Pancho papunta sa kaniyang aparador.

"Mabuti naman at alam mo 'yan," pabulong na sabi ni Robert sa kaniyang sarili.

Dahan-dahang sinundan nina Robert at Rene si Pancho na walang kaalam-alam sa masamang balak ng dalawang mag-amo. Biglang nagliwanag ang mukha ni Robert nang makita niya kung saang lugar itinatago ni Pancho ang mahiwagang lampaso. Ito ay nakalagay sa isang pahabang upuan na may takip.

Pasulyap-sulyap si Robert at Rene kay Pancho na animoy mga imbestigador ng bayan ang dating. "Aha! Doon lang pala niya itinatago ang mahiwagang lampaso, ha? Kaya naman pala halos mahilo-hilo na ako sa kakahanap, nandoon lang pala sa loob ng upuang iyon?" nangingisi at naiinis na pabulong na sabi ni Robert kay Rene.

End of Chapter 41

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No to Plagiarism!

Everybody have their own imagination. That's why there is no room for plagiarism.

Plagiarism is a CRIME!

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  



Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon