KABANATA 13

731 29 4
                                    

Sa kalsada. Habang naglalakad papauwi sina Pancho at Baste galing sa sakayan ng dyip.

"'Tol! Grabe 'yang si Robert ano? Parang may galit yata sa iyo?" sabi ni Baste habang kumakain ng barbecue.

"Baste, hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, eh! Nagkakapalpak-palpak tayo sa trabaho. Pero 'tol siguro nagkakataon lang naman ang mga iyon!" nagtatakang sabi ni Pancho habang bitbit ang mga biniling pancit habhab at dalawang pirasong barbecue.

"Eh, ano naman pala ang sabi sa iyo ni Claire?" tanong ni Baste.

"Ayun! Galit na galit sa akin! Pahiyang-pahiya nga ako, eh!" nangingiwing sabi ni Pancho.

"Alam ba nina Claire at Yda na kaarawan mo ngayon?" tanong ni Baste habang nakaakbay sa balikat ni Pancho.

"Hindi, ah? Baka kasi magpalibre pa ang mga iyon, hehehe!" natatawang sabi ni Pancho.

"Ikaw talaga Pancho!" natatawang sabi ni Baste habang patuloy pa rin sa pagnguya ng kinakain niyang barbecue.

Habang patuloy na naglalakad ang magkaibigan, biglang naalala ni Pancho na dumaan sa simbahan upang magdasal at magtirik ng kandila para kaniyang kaarawan. Sa loob ng simbahan. Lumuhod si Pancho sa harapan ng altar at taimtim na nagdasal. "Panginoon, sana po ay patuloy ninyo po akong gabayan sa aking araw-araw na gawain, pati na rin po ang aking pamilya at kabigan. Panalangin ko po na sana ay bigyan niyo po ako ng tibay ng loob at lakas ng pananampalataya upang kayanin ko ang lahat ng pagsubok at balakid na aking haharapin sa aking buhay, Amen," taimtim na panalangin ni Pancho sa harap ng altar ng simbahan. Napaluhod na rin si Baste at napadasal na rin.

Pagkalabas nila sa simbahan. Nakita ni Pancho ang lalaking nagtitinda ng mga lobo at agad niya itong nilapitan.

Biglang natawa si Baste sa nakita niya. "Uy, 'tol! Grabe ka, ha?! Ang laki mo na mahilig ka pa rin sa lobo?" biglang napalingon si Pancho kay Baste habang itinatali ang lobo sa back pack niya.

"Uy, ano ka ba 'tol! Hindi para sa akin ito. Ipapasalubong ko ito kay Jessa," sabi ni Pancho habang nangingiti at sabay tapik sa balikat ni Baste.

"Weh?! 'Di nga?! Kunwari ka pa, eh!" pabirong sabi ni Baste.

Pagdating nila sa harapan ng bahay. Nagpaalam na si Baste kay Pancho.

"Sige 'tol! Maligayang kaarawan sa iyo!" bati ni Baste habang tinatapik niya si Pancho sa balikat.

"Hindi ka ba papasok sa bahay? Halika, saluhan mo kami ni inay at Jessa dito sa handang binili ko," nakangiting alok ni Pancho.

"Hindi na 'tol! Kulang pa nga iyan sa iyo, eh!" pabirong sabi ni Baste.

"Ikaw talaga 'tol!" natatawang sagot ni Pancho at tuluyan nang naglakad papalayo si Baste.

Pumasok na si Pancho sa loob ng bahay at naamoy niya ang mabangong niluluto ng kaniyang inay. "Wow, Inay! Mukhang masarap po iyang niluluto niyo!" masayang bungad ni Pancho.

Biglang napalingon si aling Gina kay Pancho at iniwan muna nito sandali ang kaniyang niluluto.

"Ay, anak. Nandito ka na pala! Maligayang kaarawan sa pogi kong anak!" sabay na nilapitan ni aling Gina si Pancho at niyakap niya ito nang mahigpit. "Mahal kita, anak!" sabay halik ni aling Gina sa pisngi ni Pancho.

"Ah eh, salamat po, inay! Mahal ko rin po kayo. Inay, mano po pala," sabi ni Pancho at agad na nagmano sa kaniyang inay.

"Sige anak! Kaawaan ka ng ating Panginoon," sabi ni aling Gina at sabay inabot ang kaniyang kamay kay Pancho.

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon