KABANATA 34

534 22 10
                                    

Sa Marikit Produksyon.

Napansin ni Baste na masayang-masaya si Pancho na pasipol-sipol pa habang naglalampaso ng pasilyo. "Hoy 'tol! Mukhang maganda ang gising mo ngayon, ah? Anong ganap?" nagtatakang tanong ni Baste habang napapakamot pa ng kaniyang ulo.

Biglang napalingon si Pancho kay Baste at sabay kindat pa. "Baste, grabe! Ang saya-saya ko 'no?" nakangiting sabi ni Pancho. "'Tol, akin na nga 'yang timba sa tabi mo!" nangingiting utos ni Pancho habang patuloy na pasipol-sipol pa.

Sumunod naman si Baste sa inuutos ni Pancho. Lumapit si Baste kay Pancho para iabot ang timbang may tubig. "Uy, Pancho! Bakit ka nga masaya ngayon? Sabihin mo naman sa akin!" sabi ni Baste.

"'Tol, nagparamdam na si Claire sa akin! Puwede ko na raw siyang ligawan! Woohoo!" nagagalak na sabi ni Pancho habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

" Uy, Pancho! Huwag kang maingay diyan at baka marinig tayo ni Mam Olivia. Tiyak mapapagalitan na naman tayo niyan!" nangingiwing paalala ni Baste. "Mabuti ka pa, Pancho. Nagkakabutihan na kayo ni Claire. Samantalang ako naman hindi pinapansin ni Yda," malungkot na pahayag ni Baste habang pinupunasan ang dingding.

"Uy, ano ka ba? Hindi mo ba alam? In love na in love kaya sa iyo si Yda. Sabi kaya niya sa akin yun?" nangingiting sabi ni Pancho kay Baste at sabay tapik sa balikat nito.

Biglang napalingon si Baste kay Pancho. "Wow, 'tol! Talaga? Sinabi niya iyon sa iyo?" nagagalak na sabi ni Baste habang patalon-talon pa ito.

Pagkatapos punasan ni Baste ang dingding, Kinuha naman niya ang kaniyang lampaso at sinumulan na nitong ilampaso ang kabilang parte ng pasilyo. Napansin ni Pancho na hindi naaalis ng lampaso ni Baste ang makapal na dumi sa sahig. Kaya naman lumapit si Pancho kay Baste at saka niya nilampaso muli ang maduming sahig.

Nagulat si Baste sa lampaso na hawak ni Pancho. Madaling natanggal ni Pancho ang dumi sa sahig sa tulong ng kaniyang mahiwagang lampaso.

"Pancho, siya nga pala! Alam ko na ang sikreto mo kung bakit napapadali ang paglilinis mo ng paligid," sabi ni Baste.

Nabigla naman si Pancho sa sinabi ni Baste. "'Tol, aling sikreto? Huwag mong sabihin na alam mo na 'yung tungkol sa lampaso ko?" nangingiwing sabi ni Pancho.

"'Tol, tama ka. Alam ko na mahiwaga 'yang lampaso mo. Kaya pala siguro halos naka-apat na ako ng palit ng lampaso na ginagamit ko, eh! Samantalang ikaw, kahit kailan ay hindi ka pa nagpapalit ng lampaso mo. Hindi mo ba alam na nagtataka na ako diyan sa lampaso mo?" natutulirong pahayag ni Baste habang napapailing pa.

"Ah eh!---" nababalisang sabi ni Pancho. Bigla siyang lumingon sa paligid at saka hinila si Baste patungo sa banyo. "Baste, h-halika...doon tayo mag-usap sa banyo," pabulong na alok ni Pancho kay Baste.

Nang makapasok na sa loob ng banyo ang magkaibigan. Sinilip muna ni Pancho ang loob ng banyo kung mayroong tao. Nang makita niya na walang tao sa loob ng banyo, nagmamadaling silang pumasok sa loob nito.

"'Tol, pasensiya ka na, ha? Ang tutoo niyan, eh! Tama ka, mahiwaga nga ang gamit kong lampaso," napapahiyang sabi ni Pancho kay Baste habang itinuturo niya ang hawak na mahiwagang lampaso.

Biglang napatalon si Baste. "Woohoo! Yes! Sabi ko na nga ba, eh! Alam mo ba? Nung nagpaalam kang umuwi ng maaga sa trabaho. Nakita ko ang lampaso mo na mag-isang naglilinis sa bulwagan. Akala ko nga nung una namamalik mata lang ako, eh!" natutuwang sabi ni Baste.

"Ano?! Nakita mo si Tsong na naglilinis mag-isa?! Hala!" gulat na gulat na sabi ni Pancho.

"Teka muna, sinong Tsong?" nagtatakang tanong ni Baste.

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon