KABANATA 15

633 28 1
                                    

Masayang naglilinis sina Pancho at Baste sa bulwagan. Malaki at maganda ang loob nito. Nakasabit ang mga larawan ng mga sikat na artista ng Marikit Produksyon sa lahat ng dingding at isa na dito ang kaakit-akit na larawan ni Claire. Maraming lamesa at mga upuan. Mayroong isang malawak na entablado sa harapan. Mamamangha kayo sa mga nagkikinangang aranya ng mga ilawan na nakasabit sa kisame.

"'Tol, grabe ang laki ng bulwagang ito at napakaganda rin!" sabi ni Baste habang nanlalaki ang mga mata niya sa kakatingin sa paligid.

"Oo nga, Baste! Kahit pagsama-samahin pa natin ang lahat ng barong-barong sa lugar natin, eh! 'Di hamak na mas malawak at malaki ang bulwagan na ito!" sagot ni Pancho habang naglalampaso.

Napansin din ni Baste ang larawan ni Claire na nakasabit sa dingding malapit sa malaking pinto. "'Tol! Sobrang ganda ni Claire, ano?" nakangiting sabi Baste.

"Oo, naman. Lalo na sa malapitan para mo nang nakita ang diyosa na kagandahan!" pagmamalaking sabi ni Pancho habang patuloy sa paglalampaso nang biglang may napansin si Baste.

"Pancho, bago ba 'yang lampaso mo?" nagtatakang tanong ni Baste.

Biglang nagulat at napalingon si Pancho kay Baste. "Ah eh, oo! b-bago ito. R-regalo ito sa akin ng inay ko para sa kaarawan ko," nauutal na sabi ni Pancho. Biglang iniba ni Pancho ang usapan nila ni Baste.

"Uy,'tol! Pansin ko lang, magaan ang loob sa iyo ni Yda, ha?!" nangigiting sabi ni Pancho.

"Ah eh, siguro nga....parang...baka?" napapahiyang sabi ni Baste habang namumula ang kaniyang mukha.

"Ano 'tol humahanga ka ba kay Yda?" tanong ni Pancho sabay tapik sa balikat ni Baste.

"'Tol! Oo naman! Bukod sa maganda ang mga mata niya, mabait din siya!" sabi ni Baste na tila napipikon na.

"Eh, 'di umamin ka na rin...uuuy!" kantiyaw ni Pancho at sabay na kiniliti ang kilikili ni Baste.

Sa bungad ng pinto ng bulwagan nakasilip sina Robert at ang alalay niyang si Rene. "Bossing 'Bert, bakit ba natin sinisilip 'yung dalawang kolokoy na 'yun?" nagtatakang tanong ni Rene. "Eh, baka bossing sa kakasilip natin, eh! Baka magkakuliti pa tayo niyan!" dagdag pa ni Rene habang kinukusot ang kaniyang mga mata.

Biglang napalingon si Robert kay Rene. Nanlaki ang mga mata niya at sabay na binatukan si Rene. "Ano ka ba? Ayokong may umagaw ng aking titulo bilang ang pinakamasipag na tagalinis sa kumpanyang ito," pabulong na sabi ni Robert kay Rene na nanginginig naman sa takot. "Kaya sisiguraduhin ko na iyang dalawang kolokoy na iyan ay hindi makakaporma dito sa Marikit Produksyon!" dagdag pa ni Robert.

"Ah eh, oo nga bossing. Dapat lang na huwag nating papormahin ang mga iyan," sabi ni Rene habang napapalunok ng laway sa kaniyang lalamunan dahil sa nerbiyos. Napansin ni Robert na malapit nang matapos sa paglilinis ang magkaibigan. Agad na tumakbong papalayo sina Robert at Rene.

Pagkalipas na ilang minuto bumalik muli sina Robert at Rene. Sa pinto ng bulwagan, dahan-dahang binuksan ito ni Robert at sinilip ang loob.

"Rene, wala na sina Pancho at Baste. Halika na. Pakidala na iyang pintura at mga basura sa loob!" nagmamadaling sabi ni Robert.

At nang nasa loob na sila ng bulwagan. Dali-daling kinuha ni Robert ang pintura na nakalagay sa isang balde. Agad niyang isinaboy ang pintura sa mga dingding at sa mga larawang nakasabit. Binuksan naman ni Rene ang lalagyan ng basura at agad na sinumulan ang pagkakalat sa paligid.

"Walang sino man ang puwedeng umagaw ng aking titulo bilang, ang pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produsyon!" nangingising sabi ni Robert habang patuloy sa pagsaboy ng pintura sa paligid.

"Opo, bossing! Ikaw lang ang hari ng mga tagalinis!" nangingiting sabi ni Rene habang panay ang kaniyang pagkakalat hanggang sa mapuno na ng basura ang buong bulwagan.

End of Chapter 15

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    


Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon