KABANATA 35

528 19 13
                                    

Sa kantina ng Marikit Produksyon.

Nagmamadali si Yda na bumibili sa kantina ng pagkain. "Manang, pabili po nga isang hiwa ng blueberry cheese cake!" natatarantang sabi ni Yda sa tindera habang panay naman ang tunog cellphone niya. "Manang! Pakidalian niyo po. Heto na po ang bayad!" aligagang sabi ni Yda habang inaabot ang bayad sa tindera.

Muling tumunog ang kaniyang cellphone. Nagmamadali niya itong sinagot. "Hello Claire, papunta na ako diyan sa istudyo! Oo, dala ko na 'yung blueberry cheese cake mo! Alam kong gutom na gutom ka na!" sabi ni Yda. Nagmamadaling lumakad si Yda papalabas ng kantina nang bigla siyang natisod sa timbang nakaharang sa gilid ng pasilyo. Muntik nang mapasubsob si Yda sa sahig nang bigla siyang saluhin ni Baste.

Biglang nagkatinginan si Baste at Yda. Nabighani si Baste sa mapupungay na mga mata ni Yda. Muntik ng maglapat ang kanilang mga labi sa isa't-isa. Nagkaroon ng parang mga bituin sa kanilang mga mata na siyang dahilan upang mahulog ang kanilang loob sa isa't-isa. Matamis ang pagtitingin nila sa isa't-isa nang biglang matawa si Yda kay Baste.

"Baste, hihihi! Mayroon icing ang ilong mo!" sige sa pagtawa si Yda habang hawak-hawak niya ang blueberry cheese cake sa platitong papel.

Dahan-dahang itinayo ni Baste si Yda. Akmang pupunasan na sana ni Baste ng kaniyang panyo ang icing na nasa kaniyang ilong, nang biglang nagmamadaling pinusan ito ni Yda ng kaniyang panyo. Biglang namula ang pisngi ni Baste sa kahihiyan.

"Y-Yda, salamat, ha?" napapahiyang sabi ni Baste.

"Baste, ako nga dapat ang magpasalamat sa iyo. Sinalo mo ako. Ang galing mo talaga! Nahulog na yata ang puso ko sa iyo!" nakangiting sabi ni Yda habang inaayos ng kaniyang daliri ang buhok niyang nagulo.

"Basta kasama mo ako. Ligtas ka sa lahat ng kapamahakan," nakangiting sabi ni Baste. Biglang nagpakurap-kurap ang mapupungay na mga mata ni Yda na animoy kinikilig na pusa nang marininig niya ang sinabi ni Baste.

"Salamat ulit, Baste!" nakangiting sabi ni Yda nang biglang tumunog na naman ang cellphone niya. Agad na sinagot ni Yda ang kaniyang cellphone. "Oo, Claire, nandiyan na ako!" nagmamadaling sabi ni Yda habang kumakaway ito papalayo kay Baste.

Parang natutulala si Baste habang pinagmamasdan niya si Yda na naglalakad papalayo. "Hay, hayahay ang buhay!" nahihibang na sabi ni Baste habang kinikilig pa.

Habang naglalakad si Pancho papunta sa kantina. Nakita niya si Baste na nakatulalang nakatayo sa gilid ng pasilyo na hibang na hibang. Biglang nilapitan ni Pancho si Baste at sabay tapik sa balikat nito.

"Hoy Baste!" sigaw ni Pancho sa kaniyang kaibigan. "Anong nangyayari sa iyo diyan? Para kang nakakita ng angel na bumaba mula sa langit!"

Hindi pa rin kumikibo si Baste kahit na tinapik na ni Pancho ang kaniyang balikat. Biglang napakamot ng ulo si Pancho at nag-isip. Tumingin siya sa kaniyang paligid at agad na kinuha ang lampaso ni Baste na nakasandal sa dingding.

"Aha?! Alam ko na kung paano ka mahihimasmasan!" nangingiting sabi ni Pancho kay Baste. Dahan-dahang inilapat ni Pancho sa bibig ni Baste ang hawak nitong lampaso. "O, 'tol! Heto na ang malambot na labi ni Yda. Halikan mo na raw siya!" natatawang sabi ni Pancho habang pinagduduldulan ang hawak na lampaso sa bibig ng kaibigan.

Biglang nahimasmasan si Baste. "Uy 'tol! Ano ka ba naman? Pwe! Ang baho ng lampaso!" nagulat na sabi ni Baste habang pinupunasan ng kaniyang manggas ang bibig niya.

"Hahaha! Sabi ko na nga ba, mahihimasmasan ka dito sa hawak ko, eh!" natatawang sabi ni Pancho at saka inakbayan si Baste.

"Ano bang nangyari sa iyo at natulala ka diyan?" mausisang tanong ni Pancho kay Baste. "'Tol, alam mo ba? Nagparamdam na rin sa akin si Yda! Mayroon din siyang pagtinging sa akin!" natatarantang pahayag ni Baste kay Pancho.

"Talaga?! Paano mo nalaman?" nagagalak na tanong ni Pancho. "Ganito kasi 'yun! Nakita ko siyang nagmamadaling naglalakad papalabas ng kantina nang bigla siyang matisod sa timba ko, eh! Nakita ko siya na masususubsob sa sahig kaya agad ko siyang sinalo! 'Tol, grabe! Nagkatitigan kami at muntik nang maglapat ang aming mga labi kaya lang---" natutuwang pahayag ni Baste habang nanlalaki ang mga mata nito.

"O, 'tol! Bakit kaya lang?" nagtatakang tanong ni Pancho.

Bigla namang napakamot ng ulo si Baste. "Kaya lang 'tol, panira ng sweet moment 'yung icing sa ilong ko, eh! Biglang natawa si Yda sa hitsura ko!" napapailing na sabi ni Baste habang hinayang na hinayang sa naudlot na matamis na pagkakataon nila ni Yda.

"Icing?! Bakit may icing ang ilong mo?" nagtatakang tanong ni Pancho at sabay na napakamot din ng ulo.

"May dala kasing blueberry cheese cake si Yda nang muntik na siyang masubsob sa sahig!" nagingiwing sabi ni Baste.

Biglang tumawa ng malakas si Pacho. " Hahaha! Kung ako sa'yo nilagyan ko na rin ng icing sa ilong si Yda, para mapagtawanan ko rin siya! Ang hina mo sa diskarte, 'tol!" kantiyaw ni Pancho sa kaniyang kaibigan.

"Ay! Oo nga 'no? Bakit ba hindi ko naisip iyon? Sayang!" sabi ni Baste at saka tinapik si Pancho.

* * * *

Samantala sa istudyo.

Naghuhumangos na lumapit si Yda kay Claire. "Claire, heto na 'yung blueberry cheese cake na pinabili mo sa akin!" natatarantang sabi ni Yda. "Hay, sa wakas! Dumating ka rin. Bakit ba ang tagal mo sa kantina? Kanina pa ako nagugutom dito, 'no?" nagtatakang tanong ni Claire. " At bakit nawala ang icing ng blueberry cheese cake ko?"

Biglang kinabahan si Yda sa tanong ni Claire. "Ah eh...Claire, kasi muntik na akong masubsob sa sahig sa may kantina buti nalang nasalo ako agad ni Baste," napapahiyang sabi ni Yda.

"Ah, ganun ba? Nako! Buti na lang at nasalo ka ni Baste, kung 'di nadisgrasya na 'tong cake ko!" nangingting sabi ni Claire habang kinakain niya ang blueberry cheese cake. "Yda, kaya pala iba ang lasa ng blueberry cheese cake ko! Parang maalat-alat pa! Lasang pawis! Eww!" natatawang sabi ni Claire.

"Weh! 'Di nga?" nagtatakang tanong ni Yda.

"Ayaw mong maniwala? O, heto tikman mo! Hihihi!" natatawang sabi ni Claire.

Tinikman nga ni Yda ang nasabing blueberry cheese cake. "Claire, tama ka. Lasang pawis nga...lasang pawis ni Baste!" natatawang sabi ni Yda at saka bigla siyang kinilig nang husto.

End of Chapter 35

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.

No to Plagiarism!

Everybody have their own unique idea and imagination. There is no room for plagiarism.

PLAGIARISM IS A CRIME!





Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon