KABANATA 12

734 32 1
                                    


Sa bahay ni aling Gina nakita niya ang kaniyang anak na si Jessa sa bakuran ng halamanan.

"Uy, anak! Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni aling Gina.

Biglang napalingon si Jessa na nakasakay sa tablang kahoy na de gulong. "Ah eh, inay ipinipitas ko po ng mga bulaklak ng katuray si kuya Pancho," nakangiting sabi ni Jessa habang patuloy pa rin sa pagpipitas ng mga bulaklak.

Napansin ni aling Gina na malago at matitingkad ang mga kulay rosas na bulaklak ng katuray. "Uy, Jessa anak! Ang gaganda ng mga bulaklak ng katuray na iyan, ha?!" nakangiting sabi ni aling Gina.

"Inay, hindi po ba? Sa tuwing buwan ng Mayo, eh! Talaga pong namumukadkad ng husto ang mga bulaklak? Kaya nga po napakasuwerte ni kuya Pancho dahil ipinanganak po siya ng buwan ng Mayo," nakangiting sabi ni Jessa habang inilalagay ang mga katuray sa garapong mayroong tubig.

Biglang nag-isip si aling Gina nang marinig ang sabi ni Jessa. "Teka, M-Mayo ba kamo? Ay! Oo nga anak! Kaarawan pala ni kuya Pancho mo ngayon, Mayo a'diyes!" napasigaw na sagot ni aling Gina. "Hay! Nako anak! Mabuti na lang at ipinaalala mo sa akin. Ano ba 'yan? makakalimutin na ang inay mo!" natatawang sabi ni aling Gina.

Niyaya na ni aling Gina si Jessa na pumasok na sa loob ng bahay habang tinutulak ang tablang kahoy na de gulong kung saan nakasakay si Jessa. Agad na kinuha ni aling Gina ang hawak ni Jessa na mga bulaklak ng katuray na nakalagay sa garapon. Ipinatong ni aling Gina ang mga katuray sa ibabaw ng lamesa. Biglang nataranta si aling Gina na tila ba merong hinahanap na isang bagay sa loob ng kuwarto.

"Teka, nasaan ko na ba nailagay yun?" nag-aalalang sabi ni aling Gina sa kaniyang sarili habang binubulatlat ang mga kahon ng kanilang mga damit ngunit bigo pa rin siya sa paghahanap.

Napansin ni Jessa ang kaniyang ina na balisa sa paghahanap ng isang bagay. "Inay, ano po 'yung hinahanap niyo po?" nagtatakang tanong ni Jessa.

"Ah eh, Jessa napansin mo ba 'yung makukulay na retasong tela na bigay sa akin ng matandang babae?" nababalisang tanong ni aling Gina.

Biglang napalingon si Jessa sa sulok kung saan nakahiga ang aso nilang si Bugoy at sabay na itinuturo sa kaniyang inay. "Inay! Ayun po ba 'yung hinahanap niyo po?"

Biglang lumapit si aling Gina kung saan nakahiga ang aso nilang si Bugoy. Tinitigan ng husto ni aling Gina ang makukulay na retasong tela at sabay niyang hinawakan. "Bugoy....teka muna, ha? Titingnan ko lang 'yang hinihigaan mong sapin," nakangiting sabi ni aling Gina sa aso nilang si Bugoy.

Nang makilatis ng mabuti ni aling Gina ang mga makukulay na retasong tela, "Hala ka! Jessa. Ito nga 'yung hinahanap ko! Nako po! Bata ka!" gulat na gulat si aling Gina at para bang nabunutan ng tinik sa kaniyang lalamunan nang makita ang kaniyang hinahanap.

Agad niyang kinuha ito at nagmamadaling umupo si aling Gina sa makinang panahi. Habang tinatahi ang nasabing makukulay na retasong tela, nanlaki ang mga mata nito nang makitang muling nagniningning ang mga ito na animoy nababalot ng alikabok ng mga bituin na nagmula pa sa kalangitan. Biglang naalala ni aling Gina ang sinabi ng matandang babae.

"Ingatan mo itong mga makukulay na retasong tela. Ito'y nagtataglay ng kakaibang katangian. Ingatan at gamitin sa kabutihan---"

Biglang nagtaka si Jessa sa kanyang inay. "Inay! Ano pong nangyayari sa inyo?" sabay kalabit ni Jessa sa braso ng kaniyang inay.

"Ah eh, anak! Naalala ko lang kasi yung sabi sa akin ng matandang babae," sagot ni aling Gina habang patuloy sa pananahi.

"Inay, ano pong gagawin niyo dito sa mga makukulay na retasong tela?" tanong ni Jessa.

Napalingon si aling Gina kay Jessa. "Eh, wala naman akong perang pambili ng regalo para sa kuya mo. Kaya naisip ko na tahian ko na lang siya ng sariling niyang lampaso na magagamit niya sa kaniyang trabaho," sagot ni aling Gina.

End of Chapter 12

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.    


Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon