KABANATA 48

371 13 7
                                    

Nagulat at tila dismayado ang lahat nang marinig ang pangalan ni Robert. Biglang umalingawngaw ang bulungan sa buong bulwagan na animoy mga nabulahaw na mga bubuyog.

Biglang napangiwi si Pancho nang hindi natawag ang kaniyang pangalan.

"C-Claire, paumanhin. Binigo kita," malungkot na sabi ni Pancho kay Claire.

"Pancho, ayos lang. Ang mahalaga ay napabilang ka sa mga naging nominado at dahil diyan ikaw ay aking ipinagmamalaki!" nangingting sabi ni Claire.

"'Tol, congrats pa rin sa iyo! Tuloy lang ang buhay! Ayos lang kung hindi tayo ang nagwagi. Ang mahalaga ay napansin pa rin ang ating mga kakayahan at pagsisikap sa ating trabaho. 'Tol! Panalo pa rin tayo sa puso ng mga mahal natin sa buhay," malumanay na sabi ni Baste.

"Baste...Pancho....hindi pa katapusan ng mundo. Malay ninyo masungkit ninyo na 'yung parangal sa susunod na taon, parang ako lang! Ilan taon ko rin itong hinintay!" pampalubag sa loob na sabi ni Yda habang hawak-hawak ang kaniyang kauna-unahang tropeong napanalunan.

Palakpakan naman ang mga taong nakaupo sa tabi nina Robert at Rene. " Woohoo! Sabi ko na nga ba, eh! ! Rene, ako pa rin ang pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon, hehehe!" tuwang-tuwang sabi ni Robert habang biglang napatayo at kinamayan ang mga tao sa kaniyang paligid. Nagmamadali siyang umakyat sa entablado na hila-hila pa si Rene.

Samantala, sa entablado, natutuliro naman si Mam Olivia na sinisiyat ang pangalang nakasulat sa hawak niyang sobre. "Oh no! T-tama ba ito?" nababalisang tanong niya sa kaniyang sarili. Lumingon si Mam Olivia sa kaniyang likuran. Tinawag niya ang nakatayong guwardiya sa entablado at lumapit na rin ang mga punong abala ng gabi ng parangal.

Nang makaakyat sina Robert at Rene sa entablado, hindi na makapaghintay si Robert na iabot sa kaniya ni Mam Olivia ang tropeo. Agad na kinuha niya ang tropeo sa ibabaw ng plataporma at nagmamadaling niyang itinapat ang mikropono sa kaniyang malaking bibig.

"Um, ako ay nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin. Ako ay nagagalak sapagkat bilib na bilib pa rin kayo sa aking galing at sipag. Mabuti naman at hindi ninyo binigyang pagkakataong manalo ang mga taong ambisyoso! Ang galing ko talaga!" nagagalak na sabi ni Robert.

May mga iilang manunood na pumalakpak ngunit halos karamihan ay hindi sang-ayon sa kaniya. "Booooo! Boooo! Boooo!" sabi ng ibang manunood.

Mga ilang saglit pa, matapos ang pakikipagtalakayan ni Mam Olivia sa gilid ng entablado. Agad na nagpunta si Mam Olivia sa plataporma. At biglang ibinaling sa kaniyang bibig ang mikropono habang patuloy sa pagyayabang si Robert sa harapan.

"Ah eh, paumanhin Robert kung mapuputol ko ang iyong masayang sandali!" nababalisang pahayag ni Mam Olivia at saka napabuntong hininga.

"Ano?! Bakit naman? O, hindi!" laking gulat at pagtataka ni Robert. Biglang niyang niyapos ang hawak-hawak niyang tropeo.

Nang marinig ng lahat ang hindi inaasang pahayag ni Mam Olivia biglang naghiyawan ang lahat at sinabayan pa nang nakakabinging palakpakan.

Nagkatinginan sina Pancho at Claire. Muling biglang bumilis ang tibok ng puso ni Pancho. "Claire! A-ano d-daw?" nagtatakang tanong ni Pancho kay Claire. Biglang niyakap ni Claire si Pancho.

"Ah eh, h-hindi ko alam kung p-paano ko ito sa sabihin sa inyo, whew! Pakiusap po sa lahat, n-na tayo ay huminahon!" natutulirong pahayag ni Mam Olivia habang patuloy na pinapakalma ang mga manunood.

"Ehem! Take two po tayo! Paumanhin po talaga! Tao lang po ako...nagkakamali rin....um, heto na talaga! Ang pangalawang nanalo sa pinakamasipag na tagalinis ng Marikit Produksyon! Opo narinig ninyo maliwanag pa sa kabilugan ng buwan, hindi isa kung 'di dalawa....dalawa ang nagwagi sa parangal na ito! Ang pangalawang nagwagi ay ang paborito ng lahat na si.....Pancho!" nagagalak na sabi ni Mam Olivia. Muling dumagundong ang malakas na hiyawan at palakpakan sa buong bulwagan.

Si Pancho at ang Mahiwagang  LampasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon