Chapter 3:New Faces

5.5K 102 4
                                        


Chapter 3:New Faces

Erin's POV

Paglabas ko sa music room ay sinalubong ako ni Lina na putlang putla iniisip siguro niya na baka na-massacre na ako sa loob ng room nakasunod din sa kanya si Darrion na alalang alala.

"Huy bakla ayos ka lang?" Tanong ni Lina saka hinawakan ang magkabilang braso ko.

"A-ayos lang." Sagot ko sa kanya.

"Erin you're sweating anong ginawa sayo ni Jin?" Tanong naman ni Darrion saka pinunas ang noo ko. Maging ako ay hind makapaniwala na nakalabas ako sa music room ng buhay,yung tipo na pakiramdam ko na naka survive ako mula sa torture,ganon pala si Jin nakakatakot kahit nagsasalita pa lang.

"W-wala! Wala siyang ginawa n-nag usap lang kami."

"Bakit mo kasi ako sinalo ha Erin? Alam ng mga tao na maimpluwensya yung Jin na yon buti na lang at walang ginawa sayo." Sermon sakin ni Darrion na akala mo naman isang sindikato ang binangga ko.

"At ano naman yan?" Turo ni Lina sa hawak kong coat,ay Oo nga pala pano ko sasabihin sa kanila?

"Coat ito ni Jin n-nagkaroon kasi kami ng deal."

"Deal?" Sabay nilang sabi.

"O-Oo eh mahal daw kasi itong coat niya kaya magsisilbi akong personal assistant niya ng dalawang buwan." Paliwanag ko.

"Pumayag ka naman!?" Tumaas ang boses ni Darrion.

"Do I have a choice? I'm at the situation between life and death! Kayo nga mismo na nakakatakot si Jin kaya wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang deal niya." Nakita ko naman na napa face palm si Darrion.

"Kung sa bagay may point ka kawawa ka naman Erin." Sabi ni Lina.

"Hindi mo sana sinalo yung kasalanan ko look at you now ikaw ang nahihirapan nang dahil sakin." Sabi ni Darrion,aba kung maka salita tatay kita?

"Bahala na basta dalawang buwan lang naman yon." Sabi ko.

"Wag ka laging magpakabayani Erin dahil habang nililigtas mo ang iba ikaw naman ang napapahamak." Huling sabi ni Darrion saka nag walkout.

"Aba kung maka walkout akala mo naman eh siya ang may deal kay Jin." Sabi ko.

"Ganyan talaga siguro si Darrion Erin alam mo naman na ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan tapos mapapahamak pa dahil sa kanya."

"Basta kaya ko to I can endure the two months of living in hell I can do this."

"Alam mo may point si Darrion wag ka kasing feeling wonder woman." Wika ni Lina sabay pitik sa tenga ko.

Matapos ang buong araw ng klase ay nauna na akong umuwi kay Lina may gagawin pa kasi ako,lalabhan ko pa kasi ang gintong leather coat ni senyorito Jin,ako mismo ang naiinis sa sarili ko kung bakit pumayag ako sa deal ni Jin dagdag stress lang siya sa buhay ko. Pagkatapos kong maglaba ay sinampay ko ito sa tingin ko sa makalawa ko pa ito isasauli kay Jin medyo makapal kasi ang coat na ito.

Hindi na ako pumunta sa talyer dahil sa paglalaba ko ng maigi hindi naman kasi madaling labhan yun mahirap na baka masira pa ito lalo lang magkabuhol buhol ang buhay ko. Maiintindihan naman siguro ni Mang Sandro kung bakit hindi ako pumunta sa talyer.

Mabilis na lumipas ang oras at nagising nanaman ako muli dahil papasok nanaman ako sa school,pero habang naglalakad ako papasok sa campus ay ito nanaman ang mga echuserang mata na nakatitig sakin na parang may nakakahawa akong sakit. Halos itago ko ang mukha ko sa sobrang hiya dahil alam na marahil ng buong campus ang ginawa sakin ni Jin. Oh how I wish I can banish myself!

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon