Chapter 60:Night of Resurgence

3K 41 2
                                    

Chapter 60:Night of Resurgence

"You're so pretty Elizabeth." Wika ni Regina habang hinhimas himas nito ang buhok ng dalaga.

Nanatiling nakatingin sa salamin si Elizabeth, ngayong gabi na kasi gaganapin ang party para sa kanya.

"Kaya dapat lang na ikaw ang magiging prinsesa ni Antonio at dapat lang na mamatay ang kapatid mo ngayong gabi."

Nangingilid na ang luha ni Elizabeth sa mata.

"T-tita kailangan niyo po ba itong gawin? Please lang po wag niyo pong patayin si Erin."

Hinawakan ni Regina ng mahigpit ang magkabilang braso ni Elizabeth kaya medyo nasaktan ito.

"Wag na wag kang magtatangkang sirain ang plano ko kundi ikaw ang ilalagay ko sa linya, mamili ka ikaw o si Erin? Umayos ka Elizabeth dahil ikaw lang naman din ang makikinabang sa yaman ng tatay mo." Lumayo siya sa dalaga.

"I'll see you in a bit, aasikasuhin ko lang ang plano ko." Lumabas na siya sa kwarto ng dalaga.

Pinunas ni Elizabeth ang luha niya, kahit anong gawin niya ay hindi na niya mapipigilan ang plano ni Regina, ngayon ay napapaisip na siya. Sana nandito si Arian para pigilan ang masamang balak ni Regina.

"Bakit pa kasi kailangan ni papa na lumipad sa Brazil ngayon at party pa ni Elizabeth?" Giit ni Erin habang inaayos ang kwelyo sa harap ng salamin.

"Kailangan kasi siya doon tsaka babalik din si Tito." Sabi naman ni Gly, nasa kwarto ni Erin ngayon si Gly.

"Eh yon na nga pwede namang ipagpabukas na lang niya ang paglipad diba?"

"Wala na tayong magagawa Erim, intindihin mo na lang ang papa mo."

"Hmm! Ano pa ba ang magagawa ko?"

"Let's go ilang minuto na lang magsisimula na ang party."

"Ay oo nga pala kay Jin ako sasabay ngayon."

"Oh yeah I remember, kayo na pala congratulations."

"Thanks Gly, oh sige mauna na ako."

"Sige susunod na ako."

Nauna nang umalis si Erin, kinuha naman ni Gly ang kwintas sa bulsa niya.

"I know you're alive Arian, I can feel it." Kinulong ni Gly sa kamay niya ang hawak hawak na kwintas na dapat sana ay ibibigay niya kay Arian.

Nasa Del Mundo High na silang lahat, muli ay imvited ang mga taong dumalo noong nakaraang party ni Erin, lingid sa kaalaman nila ay nakapwesto na ang mga tauhan ni Regina sa paligid, nakahanda na rin ang sniper para i-assassinate si Erin. Maliit lamang ang porsyento na makakaligtas si Erin dahil sa dami ng tauhan ni Regina na nakapaligid. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonya.

"Good evening to all the people who attended my niece's party, nais ko lang magpasalamat sa inyo sa pagdalo ninyo ngayong gabi, I know that all of you might wonder kung bakit may party muli ang the rumors na may anak si Antonio which is true, the night is long pero hindi parin ito sapat para ikwento ko sa inyo lahat kaya naman I'm introducing you my niece which is Antonio's daughter and the half sister of Erin, everyone Elizabeth Winona Imperial."

Nagpalakpakan ang lahat ng tao nang lumabas si Elizabeth sa likod ng stage, nakasuot ito ng silky white fitted gown, lumabas ang magandang hubog ng katawan ni Elizabeth, dahil sa puti din ang suot ni Erin ay lalo silang naging magkamukha. Nakabalas naman sa mukha ni Elizabeth ang matinding pag aalala para sa kapatid na siya namang napukaw ng atensyon ni Erin.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon