Chapter 30:A Kiss

2.1K 37 0
                                        

Chapter 30:A Kiss

"I thought hindi magiging maayos ang usapan ninyo huh I was wrong."giit ni Seth habang kasama si Erin sa cafeteria.

"You're right"napayakap si Erin sa sarili"may gusto nga sakin si Jin and I'm so stupid dahil hindi agad ako naniwala sayo dahil sa tingin ko ay imposible."

"Sabi ko naman sayo eh,you can't ignore the possibility na magkakaroon siya ng pagtingin sayo lalo na sa pinakita mong kabaitan it's hard na hindi siya mahulog sayo."

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Seth,please help me."

"I don't know if this will work but mamili ka sa kanilang tatlo."

"Mamili? Parang ang hirap naman ata dahil kapag pumili ako eh masasaktan naman ang iba."

"It's hard pero kailangan dahil lalo lang silang masasaktan dahil patuloy sila na umaasa."

Nasapo ni Erin ang noo niya,sino nga ba ang pipiliin niya? His childhood best friend? His new friend? Or his boss? Parang nagsisisi na si Erin kung bakit naging mabait siya sa nga ito.

"I really have no idea na hahantong ako sa ganitong sitwasyon Seth I'm really confused."

"Don't push yourself too much Erin,pag isipan mo,damdamin mo kung sino ang nagapapatibok ng puso mo."

"Y-you mean kung kanino ako in love?"

Tumango si Seth.

"Ikaw ba kailan mo sasabihin kay Eva na may gusto ka sa kanya?"

"Oh come on Erin wag mo munang ibaling sakin ang sitwasyon,hindi ka pa nga tapos diyan eh."

"No I'm serious,hayaan mo na ako maso-solve ko din ito,malapit na din naman ang Valentine eh yayain mo kaya si Eva na maging date mo."

"What? No alam mong hindi pwede."

"Bakit hinde?"

"Jin remember?"

"Oh right yeah at dahil diyan,ako na ang bahala kay Jin at ikaw naman yayain mo na si Eva bago pa may mang una sayo."

"Seryoso ka ba? How long can you hold Jin?"

"I'm not gonna hold him,because I'm going to persuade him para mapapayag siya na i date mo ang kapatid niya."

"Would you do that?"

"Trust me."

"Ano naman ang kapalit? Sasagutin mo na si Jin?"

"Are you nut as a coconut? Of course not sinabi ko naman sayo na magulo ang utak ko diba? Basta ako na ang gagawa ng paraan at tsaka look six days na lang bago mag Valentine celebration you better invite her before someone else do."

"As in ngayon na?"

"Hindi baka gusto mo during Valentine ikaw ang bahala."

"O-okay okay masyado kasing mabilis."

"Now go shoo!"taboy ni Erin sa pinsan niya.

"Thanks I owe you Erin bye."nilapitan pa niya si Erin saka niyakap pagkatapos ay dali daling umalis. Umiling na lang si Erin at ngumiti.
-
-
-
-
-
-
-
-
Seth's POV
-
-
-
-
-
-
-
-
Matapos kong bumili ng isang kartong chocolate at isang rose ay handa na akong makipag usap kay Eva,kahit na matagal na kaming magkakilala ay naiilang parin ako sa kanya kahit papano lalo na ngayon at iimbitahan ko siya para sa Valentine celebration,sana hindi niya ako tanggihan and I hope that it will end nicely for me. I hope Erin is talking to Jin at sana pumayag din siya na makasama ko si Eva.

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon