Chapter 18:Revealed
Erin's POV
Gabi na nang makauwi ako samin sinamahan ako ni Darrion dahil hindi daw siya makampante na umuwi ako ng mag isa lalo pa at wala ako sa sarili ko ngayon dahil sa nangyari. Magang maga ang mga mata ko sa kakaiyak halos maghapon ata ako umiyak pero hindi parin tinigil ni Darrion ang pagtatahan sakin.
"Darrion salamat sa pagsama mo sakin ah? Naabala tuloy ang araw mo dahil sakin pasensya na."
"Wag ka nang humingi ng pasensya sakin Erin masaya ako dahil nandito ako sa tabi mo at hindi ka iniwan basta wag ka nang umiyak."
"Salamat at nandiyan ka kung hindi ka dumating eh malamang sa morgue niyo na ako pupulutin."sa sinabi ko ay bigla akong niyakap ni Darrion,nabigla ata sa sinabi ko.
"Ano ka ba Erin wag ka ngang magsalita ng ganyan nag aalala tuloy ako sayo baka gawin mo yun ulit kahit biro lang ang sinabi mo hindi ko parin gusto yang sinabi mo."
"Hindi ko na gagawin yun ulit."kumalas ako sa yakap niya.
"Pano ba yan nandito na tayo sa inyo mukhang nag aalala na yata ang Nanay mo."
"Siya lang naman ang iniisip ko eh."
Pero bigla na lang kaming napalingon nang may sumigaw sa pangalan ko.
"Erin! Bakla gabi na ba't ngayon ka lang!?"nakita namin si Lina na lumabas ng bahay namin nang makita ako,lumapit siya sakin saka niyakap.
"Alam mo bang sobrang nag alala si Tita Thalia sayo?"
"San na pala si Nanay?"
"Ayun kasama ang Tatay mo hinanap ka."
What!? Magkasama parin sina Nanay hanggang ngayon? Natatakot ako baka mag alam na si Lina tungkol sakin.
"Tinawagan ako ni Tita baka nandoon ka daw samin pero sabi ko wala ka kaya lumipad ako kaagad dito sa inyo sinubukan kitang tawagan pero hindi ka naman sumasagot."
Nagkatinginan kami ni Darrion.
"Sinamahan naman ako ni Darrion eh kaya ayos lang ako."
"At isa pa Erin meron akong hindi nalalaman tungkol sayo."napa crossarms siya.
"A-ang alin?"
"Na Tatay mo pala si Sir Antonio."bigla na lang nanigas ang katawan ko sa sinabi ni Lina,so alam na nga niya tapos sinabi pa niya ito sa harapan ni Darrion.
"What? Anak ka ni Sir Antonio Del Mundo?"gulat na sabi ni Darrion.
"Kailan mo balak sabihin samin Erin?"
"Para saan pa? Iniwan niya kami so dapat lang na kalimutan ko na siya."
"Sa bagay tama ka naman pero Tatay mo parin yun tingnan mo nga naman kumakayod ka pa para sa tuition mo eh school niyo naman pala ang pinapasukan mo."
"Niya! Lina school niya."diniin ko ang niya"tulad ng sabi ko iniwan niya kami kaya wala na akong pakialam kung kumayod ako para sa tuition ko kahit na Tatay ko ang may ari ng paaralan na yon."
"But Erin you deserve a better life."
"Hindi na kailangan Darrion kuntento na ako sa ganitong buhay at least ngayon napatunayan ko na kaya kong mabuhay nang wala ang suporta niya."
"Ang taas din pala ng pride mo Erin no."giit ni Lina.
"Anyways sa nalaman niyo ngayon I hope na satin satin lang itong sikreto ko."
"Bukod samin may iba pa bang nalalaman ng sikreto mo?"tanong ni Darrion.
"Si Seth."matipid kong sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/115351168-288-k819892.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Ficção AdolescenteErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...