Chapter 37:Mysterious Arian
Erin's POV
May konting inis parin akong nararamdaman dahil hindi pa nagsusuot si Jin ng short at ibinabalandra pa niya ang magandang hubog na katawan niya. Yung totoo? May pagka narcissist ba itong si Jin? Lalo pa akong nanggagalaiti dahil sa mga mahaharot na babaeng nagpapapansin kay Jin.
"I know that look."tumabi sakin si Arian.
"H-huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong naiinis ka na kay Jin."
"Teka ba't mo-"
"Basta alam ko lang, gusto mong gumanti?"ngumiti siya sakin, well dahil sa katigasan ng ulo ni Jin ay gusto ko na itong batukan.
"Anong klaseng ganti ba yan?"lumapit pa siya lalo sakin.
"Wala pang nakakakita sayo na topless diba?"Oo nga no. Kaya naman sumilay sa labi ko ang malaking ngiti.
"Oh I get your point."nag apir kami sa isa't isa.
"So let's go? Don't worry dahil hindi kita hahayaan na mag hubad ng mag isa."sabi oa nito kaya tumayo kami at umalis.
Dinala namin ang bag namin dahil magpapalit kami ng damit, sinuot ko ang boxer shorts ko at nag sando pagkatapos ay lumabas na ako, hindi pa naman nakakalabas si Arian kaya naghintay pa ako, medyo nako-conscious ako sa suot ko, masyado kasing maiksi ang boxer shorts ko at first time kong mag suot ng ganito sa haral ng maraming tao. Makaraan ang dalawang minuto ay lumabas si Arian. But I was shocked dahil medyo maiksi ang boxer shorts niya kumpara sakin, umikot siya at nabasa ko ang nakalagay sa pwetan ng boxer niya.
"Don't disturb?" Napatawa kami nang basahin ko yon.
"So tara?"
"Let's go."
Paglabas namin ay pareho kami nagsuot ng sunglasses at feel na feel namin ang paglalakad, napapatingin samin ang mga ka batch mate namin dahil sa suot naming dalawa. Medyo maputi ang balat ko kaya ayos lang na mag ganito ako si Arian naman ay Pinoy na Pinoy ang kulay and take note bagay sa kanya ang complexion niya at wala kang makikitang scars sa binti niya, nag shave ata to dahil medyo kumikinang ang binti niya.
Napasipol ang ilan dahil ngayon lang nila kaming nakita na nakasuot ng ganito, nakakatawang isipin na ang dalawang beking naglalakad ngayon eh panlalaki ang suot sa school kaya ganon na lang ang gulat nila nang mag display kami ng ganitong amount ng skin, well ngayon lang naman ito kaya sulit sulitin na.
Pagdating namin sa cottage ay napako ang mga mata nila samin, I know I know! Ngayon niyo lang nakita sina Erin at Arian na ganito ang suot kaya ganyan kayo kung makatingin.
"Anong nakain niyo?"lumapit si Lina samin.
"Bakit pala?"tanong ko.
"Ang sagwa mong tingnan bakla!"sabi ni Lina.
"Nako hindi naman ayos lang kaya."Syl.
"Witweew!! Sexy niyong dalawa ah."Clyde.
"Si Arian ang nag impluwensya sayo no?"Ace.
"Guys guys ngayon lang naman to pagbigyan niyo na kami and besides you should be thankful because we're wearing boxer shorts not bikinis."Arian, tama ka nga naman.
"Well you're right."Teo.
"Tara maligo tayo sa dagat kayo guys hindi kayo sasama?"Arian.
"Mamaya na lang sige kayo na muna."Eva.
"Okay."hinila ako ni Arian.
Huminto naman kami nang makita namin na maraming naliligo at karamihan sa kanila mga lalaki, nagkatinginan kami ni Arian, kinindatan niya ako saka naghubad siya ng sando at sumunod naman ako. Nakita namin sina Jin at Zandro na titig na titig saming dalawa ni Arian, muli nanamang nabuhay ang inis ko kay Jin kaya ako naman ang humila kay Arian at lumusong kami sa tubig.
BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Teen FictionErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...
