Chapter 4:Not All

3.7K 99 5
                                        


Chapter 4:Not All

Erin's POV

Pagkatapos kong magdrama sa loob ng C.R. ay lumabas ako sa cubicle at naghilamos para hindi nila mahalata na umiyak ako pagkatapos ay pinunas ko ang panyo na bigay ni Seth,naisip ko lang yung sinabi niya sakin na hindi masungit ang kanilang grupo,well yung iba siguro Oo pero si Jin malabong maging mabait ito dahil nanunuot sa kalamnan ko ang kasamaan niya.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay lumabas na ako sakto naman at kakatapos lang ng break time at magsisimula na ang klase muntikan ko pang makalimutan na sa Royal Empire na pala ang classroom ko kaya no choice ako kundi ang bumalik muli sa impyerno kasama si Jin.

Habang pumapasok ako sa classroom ay nakatingin parin sakin ang mga bago kong kaklase,binalewala ko na lang ito saka dere-deretso ako sa upuan sa likuran ni Jin.

"Umiyak ka?" Tanong ni Ace nang makaupo ako.

"H-ha? N-no hinde." Todo deny naman ako kaya napatingin sakin si Seth,cooperate ka naman Seth oh.

"Mukha kasing namamaga yung mata mo eh." Giit ni Ace.

"A-ah eto ba? N-nako napuwing lang ako kanina masyado kasing maalilabok."sana bumenta yung pagsisinungaling ko.

"Stop it Ace he's fine don't bother to ask him again." Sabi naman ni Jin sa harap ko,ang sama talaga ng ugali ng Jin na ito! Buti pa sina Seth at Ace nagagawa pang mag alala sakin,ewan ko kay Seth pero sa tingin ko may kakaiba sa lalaking to.

"Fine fine." Tumigil na si Ace sa pagtatanong sakin.

Ilang sandali pa ng paghihintay ay nagsimula na ang klase,napansin ko lang na parang walang pakialam si Jin habang napapaliwanag yung prof namin sa harapan,kung sa bagay eh mayaman naman ito kahit na hind siya makinig eh ayos lang.

Ako naman eh panay ang sulyap kay Seth,hindi ko talaga mabatid kung bakit pakiramdam ko eh may kakaiba sa lalaking ito,maybe it's because he's a Del Mundo like me? Blahh! Pero iba eh hindi lang tungkol sa apelyido kaya nagkaganito ang pakiramdam ko,ito yata ang sinasabi nilang lukso ng dugo pero bakit? Paano naman kami magiging related sa isa't isa? Hindi kaya kamag anak niya si papa? Hindi rin malayo dahil mayaman ang mga Del Mundo well except me of course eh mas mahirap pa ata kami sa daga,kung hindi lang sana kasal sina mama eh hindi sana Del Mundo ang apelyido ko.

Pagkatapos ng klase ay lunch break na kaya ayun susunod nanaman ako sa kanila like a maid pero agad akong nagpaalam na kung pwede ay mag isa na lang ako mag lunch,hindi sana papayag si Jin but I insist kata wala din siyang nagawa kundi ang pumayag.

Nang matapos akong mag lunch ay pinuntahan ko ang fountain malayo sa mga classrooms. Maganda kasi dito dahil napapaligiran ng mga bulaklak ang fountain at tahimik dito,mabuti na rin yon dahil gusto kong magkaroon ng peace of mind pero hindi ko maiwasan na isipin sina Darrion. Sana maintindihan nila ako.

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng luha ko. Nakakalungkot isipin na nakakulong ako sa sitwasyong ito na kahit kailan ay hindi ko ginusto,mas mabuti siguro kung binugbog na lang ako ni Jin kaysa maging alipin niya dahil lang sa maliit na pagkakamaling ginawa ni Darrion. I know I don't care about Jin pero ganito na ba talaga siya kasama para ipahiya ako? Lalo lang kasing nag iiba ag tingin ng mga tao sakin dahil mas pinapanigan nila si Jin.

Kasalukuyan akong naka upo sa tabi ng fountain habang nag iisip nang may narinig akong boses ng mga babae na tila nag uusap at papalapit ito sa kinaroroonan ko,nang makita ko kung sino ang mga yon ay agad akong umalis,sila kasi yung mga bago kong kaklase sa Royal Empire at hindi maganda sa mata ng ibang istudyante na makahalubilo ko ang mga ito. Nakita nila akong tumayo at umalis,lalagpasan ko na sana sila pero nagsalita ang isa sa kanila.

The Secret Billionaire's SonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon