Chapter 2:The Mistake

9K 134 8
                                    


Chapter 2:The Mistake

-

Pag uwi ni Erin sa bahay ay agad na nag paalam ito sa ina para dumiretso sa talyer maaga pa naman kaya't pwede pa siyang mag trabaho,pagdating niya sa talyer ay nandoon ang tatay ni Lina na may inaayos na kotse.

"Mang Sandro kailangan niyo ba ng tulong?" Sabi ni Erin nang pumasok siya.

"Oh hijo ikaw pala hindi ka ba pagod?"giit nito nang bumaling sa kanya.

"Nako hindi po." Sabi niya pagkatapos ay kinuha ang mga tools.

"Itong batang to oh baka magkasakit ka niyan."

"Ayos lang po kaya ko pa naman ako na po diyan." Lumapit siya sa kotse na inaayos ni Mang Sandro."si Lina po?"

"Nako ayun tulog ang tamad talaga ng anak ko." Giit nito."samantalang ikaw eh nandito at nagta-trabaho."tumawa naman si Erin sa sinabi nito.

"Ganon talaga siguro pag babae no." Sabi niya.

"Sige hijo magpapalit muna ako hayaan mo at maghahanda ako ng meryenda."

"Salamat po."pinagpatuloy ni Erin ang pag aayos mg sasakyan. Ilang sandali pa ay may dumating na sasakyan agad naman itong napansin ni Erin dahil sa flat ang tires nito pero nagulat siya kung sino ang may ari nito.

"Excuse me magpapa-" napatigil ito nang makilala niya si Erin."Hey aren't you the guy kanina na napagsabihan ni Jin?"hindi naman agad nakapag salita si Erin.

"E-Erin po,a-ano po ba ang problema ng sasakyan Sir?"

"Oh I'm Ace right flat kasi yung gulong ipapalagay ko lang sana ng hangin."

"S-sige po Sir."agad na kumilos si Erin.

"So you worked here." Tanong nito habang nilalagyan ng hangin ni Erin ang gulong.

"U-uh opo."

"Impressive hindi halata sayo lalo na at-" hindi na nito tinuloy ang pagsasalita dahil baka ma offend ito.

"Na ano po?"

"O-oh nothing."

"Ayan tapos na po."tumayo si Erin nang matapos na niyang ayusin ang gulong pagkatapos ay binayaran siya ni Ace.

"And before I leave ako na ang mag so-sorry para kay Jin,just understand him." Hindi naman makapaniwala si Erin sa sinabi nito.

"A-ah eh wala na po yun ayos lang."

"Matino ka namang tao si Jin lang talaga siguro ang may diperensya." Giit ni Ace saka ngumiti"and quit saying opo Ace na lang nagmumukha akong matanda nito eh."

"Sige Ace."

"I'll go ahead see you."giit nito saka sumakay na sa kotse,kumaway naman si Erin dito.

"Hmm he's not so bad after all." Giit niya sa sarili,hindi pala lahat ng kasama ni Jin ay masama ang ugali masyado kasi siyang naging judgemental.

Erin's POV

Pagkatapos kong magtrabaho ay umuwi na ako ng bahay,hindi ko na nabanggit kay Lina na pumunta doon ang crush niya baka mabugbog pa ako kapag hindi ko sinabi sa kanya. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan kong naghahanda ng hapunan si nanay.

"Oh anak sakto at maghahapunan na." Nagmano ako sa kanya."nako tingnan mo yung damit mo basang basa sa pawis magpalit ka na muna doon."

"Oo nga po ma eh naparami po yung trabaho ko sa talyer." Sabi ko saka tinanggal yung damit ko.

The Secret Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon